(Karla Eunice Falcon, 5 years old)
"Ah.. hello po.. Opo, opo." Narinig ko si Mama nakikipag-usap sa isang babae at parang masaya ata sila. May sinabi din pala si Mama na may bagong lumipat sa tabi ng bahay namin!!! Nakita ko si Mama na tumawag sa akin at lumapit ako sa kanya. May nakita akong lalaki na nakatingin sa akin. At hawak hawak niya ang kamay ng... anak niya?
"Eunice, may bago na ng kalaro oh.. si Jacob.. mag-laro muna kayo sa labas." Ang sabi ni Mama habang nakangiti. Bumitaw yung lalaki sa kamay at nakita ko malapit na sa kamay ko. Tumingin ako sa kanya, tapos kay Mama, tapos sa Mama niya. Ngumiti si Mama sa akin at hinawakan ko ang kamay niya.
Lumabas kami at sinabi kong pumunta kami sa playground. Malapit lang naman eh. Nasa harap lang ng bahay kaya lagi akong naglalaro dito kasama ng mga pinsan ko at sabi ni Mama kita niya daw kami mula sa bahay. Pumunta ako sa swing at umupo naman siya sa isang swing. Tumingin ako sa kanya at tumingin naman siya sa lupa.
"Anong pangalan mo?" Tinanong ko. Buti nag-salita siya. "Jacob. Ikaw?" Oo nga pala... "Karla Eunice. Pero tawag ni Mama, Eunice."
"Ah..."
"Bakit kayo lumipat dito?"
"Kasi... ayaw daw ni Mama dun eh, maingay. Tapos ayaw niya daw dun sa school ko. Bad daw mga classmates ko."
"Ganun ba! Edi tayo nalang magkaibigan dito!!"
Napangiti siya at may pinky promise kami na tinuro sakin ni Mama.
Simula nun, pinakilala ko siya sa mga pinsan ko at kaibigan ko. Masayahin siya at cute pag tumatawa. Buti nalang meron akong bagong friend. Tapos lagi kaming nagsasabihan ng secrets namin. Tapos lagi pang kaming nagjo-joke, pero siya mas magaling.
Lagi na kaming magkasama. Papunta sa school. Papunta sa canteen. Nag-aaral. Nag-lalaro. Pag may nang-aaway sakin, pinapaalis niya sila. Tapos lagi kaming may pinky promise araw-araw.
Ang saya. Sana lagi kaming bata.
BINABASA MO ANG
Childhood Friends
Teen FictionAng ibang bestfriends hindi nagtatagal. Pero kami, nagtagal na for about.. 9 years. Wala talagang humadlang sa friendship namin kahit kailan. Babae man yan o lalaki. Pero, lumalaki na kami. Syempre, hindi na kami mga bata na lagi nalang naglalaro at...