DATI (short story)

31 1 0
                                    

DATI

play the music video on the side :) enjoy!

YOONA'S POV

"take care anak. Call me if you have a problem okay?"

"yes daddy. Bye" after kung magkiss kay daddy ay naglakad na ako papasok sa gate ng university namin.

Ako nga pala si Yoona Rae Young. Half filipino and half korean. Transferee ako dito sa Concepcion University. Galing ako sa korea. actually dito ako lumaki . Kaso biglaan kaming lumipat sa korea dahil sa business ni daddy. Kaya dun ko pinagpatuloy yung pag aaral ko.

At ngayon bumalik ulit kami dito sa pilipinas at dito ko na itutuloy ang kolehiyo ko.

At para na rin hanapin sya.

pupunta muna ako sa faculty para sumabay sa prof ko. Hindi ko pa kasi kabisado tong university e.

"good morning po. Is Mrs. Marquez here?" tanong ko sa mga prof.

"good morning. I am Mrs. Marquez. Ikaw ba ang transferee?"

"ah. Opo! Sasabay po sana ako sa inyo for first subject"

"yeah your dad already told me. So let's go hija."

ayun nga naglakad na kami sa hallway papunta sa room namin.

Habang naglalakad kami di nakatakas sa paningin ko yung mga tingin sakin ng mga estudyante.

Malamang ay nagtataka sila at ngayon lang nila ako nakita sa floor na to.

Two weeks na kasi ang nakakalipas nung magsimula ang Second semester dito. At dahil sa connection namin ay tinanggap pa rin ako sa university na to.

"we're here hija. Ready?" diko namalayan na nandito na pala kami.

Tumango na lang ako bilang sagot.

"okay." pumasok na siya sa loob ng room habang ako naman ay nasa labas pa. Hinintayin kong tawagin nya ako.

"good morning class"

"good morning din po Mrs. Marquez"

"class we have a transferee student. Ms. Young come here"

after she called me ay pumasok na ako sa loob ng room.

"introduce your self" sabi ni mrs. Marquez.

Humarap ako sa klase. Lahat sila tahimik na nakatingin sakin. Inaabangan nila yung sasabihin ko.

"uhm hi guys? I'm Yoona Rae Young. and you can call me yoona. I hope that we can be friend kahit na bago lang ako"

ngumiti silang lahat  At nag 'hi' sakin.

Pero yung lalaking nasa dulo ay nakatingin lang sakin ng seryoso.....

Si Zach.

 Ang kababata ko. Ang hahanapin ko at hihingi ng sorry sa biglaang pag iwan sa kanya.

hindi ko na pala sya kailangang hanapin dahil tadhana na mismo ang naglapit samin.

Umiwas sya ng tingin sakin at tumingin sa katabi nyang babae.

Alam kong nagtatampo pa rin sya sa pag alis ko. Pero kaya nga andito ako e para mag sorry at ibalik yung pagkakaibigan namin dati.

"Miss Young seat beside Mr. Knight" tumango ako at naglakad papuntang dulo.

Umupo ako sa tabi ni Zach. hindi man lang nya ako tinignan. Parang hindi nya napansin na may tumabi sa kanya.

Nakinig na lang ako sa prof namin. Mamayang dismissal kakausapin ko na sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DATI (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon