Pinagmulan ng mundong ito

482 0 0
                                    

Noong unang panahon, ang diyos at ang mga demonyo ay nag-aaway upang malaman kung sino ang maninirahan sa daigdig. May magkapatid na tao na hindi nagpapaapekto sa gera ng mga diyos at demonyo. Ang pangalan nila ay si Boyong at Biboy. Sila ay kilala dahil sa kanilang malawak kaalaman sa alkemiya at pag-papanday dahil sa kanilang pakikipag-kumpitensya sa isa't isa. Natangap sila ng kahit anong trabaho basta may kapalit; ang ulo ni Akeron at ni Saleron na isang higante na natutulog sa Mt. Timescape na minsan lang pumunta sa daigdig na ito. Mag-kaaway ang dalawang higante na ito kaya't bihira lamang magtagpo. Ang ulo nito ay nakakapag-bigay ng kapangyarihan na maging immortal ang kahit na sino. Dahil sa kagustuhan nilang mapahigit ang kanilang kaalaman sa pagpapanday, gagawan nila ng kakaibang isang espada at isang kalasag sa bawat ulo na maibibigay ng kliyente.

Hindi sila natangap ng kahit ano bukod dito. Ang mga diyos at demonyo ay pinipilit sila Boyong at Biboy na gumawa ng espada na kayang nakakahiwa ng kahit ano, at ang kalasag na kayang makasangga ng kahit ano. Isang araw si Boyong ay nangangaso, ipinadala nila si Jelo, ang mensahero ng mga diyos. Gustong magpagawa ni Garen, ang lider ng mga diyos ng armas upang maipanalo ang giyera laban sa mga demonyo. Ngunit hindi pumayag si Boyong dahil walang dalang ulo ni Saleron o kaya ni Akeron si Jelo kaya't siya ay umuwi nalang upang mailuto ang nahuling halimaw. Naikwento niya kay Biboy ang nangyari, nangamba silang pareho dahil ang mga diyos na mismo ang nagpagawa sa kanila ngunit tinangihan nila ito. Ang mensahero naman na si Jelo ay nag-ulat sa nangyari at ipinadala si Karena, ang pinakamaganda at pinakamalakas na mandirigma sa kaharian nila upang makuha ang ulo ni Akeron at Saleron.

Binisita ang mga magkapatid ng mensahero ng mga demonyo, si Jimboy. Gusto nila ng armas na magpapanalo sa kanilang gera laban sa mga diyos upang mamuno sa buong daigdig. Nalaman ng mensahero na hindi sila makakapagpagawa ng armas hanga't hindi nakukuha ang gusto nilang ulo ng mga titan. Bumalik ng palpak si Jimboy at pinarushan ito ni Darius, ang lider ng mga demonyo. Ipinadala ni Darius ang anak ng kanyang kanang kamay na si Casper na kilala sa kanyang tapang, kalakasan bilang isang lalaki, at sa larangan ng pakikipaglaban upang hanapin ang ulo ng dalawang titan. Tumanggi nung una si Casper dahil ito ay nakakatamad lamang. Binigyan niya ng isang condisyon si Casper, pagalingin ang kanyang ina sa pamamagitan ng pagkuha ng pomegranate mula sa Demacia, ang lugar ng mga diyos kapag ito ay nasakop na nila o ang pagpatay nito pag wala siyang nauwi na ulo ng titan. Inihanda ni Casper ang sarili niya ng may galit sa Noxus, ang lugar ng mga demonyo. Likas na mabuti si Casper, kaya't gusto niyang baguhin ang sistema ng mga demonyo ngunit imposible ito dahil hindi niya kayang talunin ang kanyang ama na mas malakas pa sa kanya. Pinayuhan siya na wag makikipag-usap sa iba at patayin ang taong hahadlang sa misyon niya. Ginawang tao si Casper at binigyan siya ng kalakasan. Napansin niya na may "Hourglass" na nakasukbit sa kanyang leeg na nagsisimbolo ng oras bago ang krusada. Maari lamang siya makipag-usap sa mga demonyo kapag "Friday the 13th" lamang dahil mas lumalakas si Casper pag-sapit ng araw na iyon. Nagsimula siya manirahan sa mga bayan upang mabuhay bilang isang tao at magampanan ang kanyang misyon.

Sa kabilang banda naman, si Karena ay mapangahas at nakakatakot. Ngunit naniniwala ang mga diyos na mabait si Karena dahil siya ay naninirahan sa Demacia na hindi nagpapapasok ng masasamang tao. Siya ay naglakbay at iniwan ang kanyang mga estudyante na nais maging isang katulad niya. Binigyan din siya ng isang "hourglass" na magsasabi kung kelan magsisimula ang krusada. Nanirahan siya kasama ang mga tao sa daigdig na ito ng mapayapa. Nagtanong tanong din siya sa mga mamamayan kung saan at kailan nagpapakita ang mga higante. At dahil sa mga katanungan niya, ay nakilala niya si Casper na hinahanap din ang mga titan. Hindi nila sinabi sa isa't isa kung bakit nila kailangan hanapin ang titan. Nagtagal ng ilang mga taon, hindi sila tumatanda at napansin nila na hindi pala normal ang isa't isa. Nagbago ang kanilang mga ugali dahil sa impluwensya ng isa't isa. Hindi ipinahalata ni Casper na siya ay isang demonyo at likas na masama. Naalala niyang kailangan pa nilang hanapin ang titan kaya't sila ay umalis na at dinoble nila ang kanilang oras sa paghahanap ng titan. Habang natakbo dahil sa kamadalian nila sa paghanap ng Titan, napatanong si Casper kay Karena kung bakit hinahanap ang titan. Hindi masagot ni Karena ang tanong, kaya't hinigitan niya si Casper at binilisan ang takbo. Napaisip siya na isang diyos si Karena kaya. Bilang isang demonyo, dapat na pinapatay ang mga diyos ngunit iba si Casper. Naalala niya ang samahan nila sa mga nakalipas na taon kapag itinatapat niya ang patalim kay Karena habang natutulog. Napansin ito ni Karena ngunit hindi siya naimik dahil alam niya na makakaiwas siya dito. Gusto niya malaman kung ano nga ba talaga si Casper.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 28, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Kalasag at ang EspadaWhere stories live. Discover now