Chapter one

29 7 0
                                    


Eya's Pov.

Walang tigil sa pag-agos ang luha ko ng makita 'kong nakataklob sa isang malinis na kumot ang dalawang pinakamamahal kong magulang, nasaksihan ko ang buong pangyayari, nakita kong pinatay sila ng isang taong hindi ko makilala.

"Sabihin mo sa akin, ano ang nakita mo?" tanong ng isang mamang pulis.

Hindi ko siya pinansin at tulala pa rin ako sa pangyayari. Nagpaulit-ulit sa isipan ko ang nangyari simula sa umpisa, kung paano sila pinahirapan at walang awang pinatay.

"Ilang taon ka na hija?" pagsingit ng isang babaeng hindi masyadong katandaan, nakangiti ito at tila pinapagaan ang loob ko.

"W-Walong taon po" nakatungo kong tugon narinig kong napabuntong hininga siya.

"Sige na magpahinga ka na muna 'saka ka na namin tatanungin kapag maayos ka na, okay lang ba 'yon sayo?" tanong niya sa akin at napatango na lamang ako bilang sagot, pinasakay na nila ako sa kotse at dinala sa isang bahay ampunan para magpalipas ng gabi.

"Sister, kayo na po muna bahala sa bata ah" rinig 'ko bago ako tuluyang pumasok sa isang kwarto. Maraming kama ang nakahilera at magkakatapat, mga tulog na sila dahil dis oras na ng gabi, hindi kalakihan ang kwartong ito pero sapat na para magkasya kami.

Dahan-dahan akong tumuloy at dumiretso sa dulo kung saan nandoon ang isang bakanteng kama, umupo muna ako roon at huminga nang malalim. Hindi kalambutan ang kama pero tama na ito para makatulog nang maayos.

Bago pa 'ko makahiga ay bumukas ang pinto, iniluwa non ang isang may edad na babaeng nakabistida at may dalang kumpol na damit. Nakangiti itong lumapit sa gawi ko.

"Magpalit ka muna, baka mangati ka" nakangiting usal niya.

"S-Salamat po" sagot ko at kinuha ang damit na ibinigay niya. "Magiging maayos din ang lahat" hinawakan niya ang kamay ko at ramdam ko ang sinseridad sa bawat salita niya, tanging ngiti at tango lamang ang naging sagot ko.

Nakapagpalit na ako ng isang komportableng t-shirt at panjama, bumalik na 'ko sa higaan at inihiga ang katawan ko. Pagod ang unang namutawi sa akin at unti-unting bumibigay ang talukap ng mata ko.

"Mama! Papa! Asan kayo?!"

"Anak h-huwag kang magpapakita" nanghihinang sinabi ni mama, nakita 'kong nakahandusay si papa sa sahig at pinuno ito ng kaniyang dugo. Gusto kong magtanong kung ano ba ang nangyayari pero takot ang bumabagabag sa akin, gusto ko silang lapitan at yakapin pero masiyadong delikado.

"E-Eya kahit na a-anong mangyari l-lagi mong t-tatandaang mahal na m-mahal ka n-namin ng p-papa mo" hirap niyang inusal, wala akong nagawa kung 'di ang takpan lamang ang bibig ko upang hindi nila marinig ang paghikbi at pag-iyak ko.

"V-Verbena" nakangiting saad niya habang diretsong nakatingin sa mata ko, na sa ilalim ako ng kama at natatakpan ako ng mga ilang gamit. "E-Eya Verbena" sunod-sunod na putok ang narinig ko pagkatapos non.

"Eya! Gumising ka, nananaginip ka lamang"

Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko, naramdaman ko rin na basa ang pisngi ko. Niyakap ako agad ng matandang babae na nagbigay sa akin ng damit kagabi.

"Akala ko'y napano ka na dahil sumisigaw ka" nag-aalalang winika niya, nakatingin na rin sa akin ang mga batang nakita kong natutulog lang kagabi, may halo itong pagtataka dahil ngayon lang nila ako nakita. Napatungo nalang ako at dumiretso sa banyo para maghilamos at magsipilyo, mabilis din akong naligo.

"Eya! Kumain ka na muna ng tanghalian" sambit ng isang madre. Matamis ang ngiting ipinukol niya sa akin. "Totoo ngang napakaganda mong bata, berdeng-berde ang mata mo" puri niya at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko sa sinabi niya. Sumunod na lang ako sa daang tinatahak namin papunta sa hapag-kainan, marami kaming bata rito sa bahay-ampunan. Naupo ako sa bakanteng upuan.

"Hi! Ako nga pala si Blair" napatingin ako sa babaeng katabi ko, tuwid na tuwid ang buhok at maputi ang balat niya. "E-Eya" nakipagkamayan ako sakaniya at masigla naman siyang nagkuwento sa akin habang kumakain. Napakadaldal niya pero bagay naman sakaniya.

"Tapos alam mo ba nung una akong pumunta rito natatakot ako kasi kung makikita mo luma na 'tong bahay ampunan, nagtatakutan pa nga kami tuwing gabi e" malawak ang ngiti habang ikinukwento niya ang karanasan niya dito.

"N-Nasaan na nga pala ang mga magulang mo?" pag-iiba ko ng usapan, nag-iba ang timpla ng kaniyang mukha at napaiwas ng tingin.

"Sabi nila sister nakita raw nila ako sa isang eskinita, nakalagay pa raw ako non sa karton. Hindi ko nga alam kung nasaan sila, masaya na rin naman ako kahit wala sila pero naiinggit pa rin ako sa mga nakaranas at nakadama ng isang tunay na pagmamahal galing sa tunay na mga magulang" malungkot na ani niya, na-guilty naman ako dahil nagtanong pa ako.

"Sorry" napatingin siya sa akin at bahagyang ngumiti. "Wala 'yon, tara ililibot kita sa garden" pumayag din ako at pumunta kami sa garden na tinutukoy niya.

Napakaganda rito, sariwa ang hangin nakakabawas ng bigat ng loob. Nakakamangha lang ang paghahalo ng mga dahon sa matitingkad na bulaklak.

"Alam mo dito ako laging tumatambay kapag gusto kong mapag-isa" pahayag niya at napatango ako. Maski ako ay mas gugustuhing mag-isa sa ganitong lugar.

Napansin ko ang kumpulan ng mga kalalakihan na hindi kalayuan sa amin, nagtatawanan sila at kung 'di ako nagkakamali ay mas matanda ang mga ito.

"Ang guguwapo nila, hindi ba?" nagulat naman ako sa biglaang pagsasalita ni Blair. "Sila ang tropang X" nakangiti niyang sinambit.

"Yung lalaking na sa gilid na bumubungisngis na matingkad ang buhok ay si Blake, yung katabi naman niya na medyo baby face at may dimple sa kaliwang pisnge ay si Neon, tapos yung katapat niya na may kataasan ang buhok ay si Axel, yung medyo chinito ay si Yuan at yung na sa gitna nila na pinakatahimik at bossy ng tropang X ay si Jax, siya rin ang gumawa ng grupo na yan" mahabang paglalarawan niya, napataas nalang ako ng kilay dahil maski isa sa kanila ay wala akong natandaang pangalan.

"Marami ring natatakot sa kanila dahil kung umasta sila ay para na silang sobrang matatanda, mga sanayan din kasi sila sa gulo kaya ayon wala ng nakapapalag sa kanila"  pagpapatuloy nito.

"Eh bakit nandito pa sila kung gulo lang ang dulot nila?" napailing siya.

"Pare-pareho lang daw kasi ng dahilan ang limang yan kung bakit nandito at 'yon ay para mapatino kaso wala pa rin e, hindi naman pwedeng pabayaan nalang nila sister yon kaya hindi nila magawang paalisin dito sa bahay-ampunan" paliwanag niya at tatango-tango nalang ako sa mga sinasabi niya.

"Anong oras na pala, tara na sa loob baka hinahanap na tayo nila sister" tumayo na siya kaya sumunod na rin ako sa kaniya, napatingin muna ako ulit sa pwesto ng sinasabi ni Blair na Tropang X.

Nagulat ako dahil kahit medyo malayo ako nasisiguro 'kong nakatingin na rin sa akin ang lalaking na sa gitna nila at hindi lang iyon basta isang tingin na maitatawag, tinititigan niya 'ko at parang kinikilatis ang buong katawan ko, hindi ko namalayan kung gaano niya katagal ginawa 'yon habang ang mga kasama niya ay busy pa rin sa pagsasalita.

"Eya!" Bumalik sa wisyo ang aking sarili at sumunod agad kay Blair, hindi ko na rin nagawang tingnan ulit yung lalaking nakalimutan ko na kung ano bang pangalan non.

***

A/N: How's my chapter 1? Thank you for reading.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The girl who named eyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon