Chapter 1: Emily

2 1 0
                                    

Minsan napaisip ako kung bakit ang hirap ko fall sa mga taong may itsura, yung tipong ang gwapo, maskulado at matalino, yung parang all-in-one seasoning, kung baga nasa kanya na lahat ng physical traits na hinahanap ng isang babaeng mapagpantasya.

Alam mo yun, kasi diba nga sabi ng iilan, "people fall in love with the physical traits at first". Yung tipong pag may dumaan na chix sa harap ng grupo ng mga manyak sa kanto at sasabihin na love at first sight siya. I mean para sa akin di niya majustify yung word na love duon.

Hindi naman sa hindi ako choosy pero bakit ganun palagi na lang ako na-fafall sa mga taong sobrang bait, at yung mga tipong kahit di gustuhin, nagugustuhan ko kasi they are simple mabait.

Siguro maraming magsasabi na napakaplastik ko kung ganun, sabagay let's just say nga na ganun ako, pero ang hirap kasi i-explain yung mga bagay lalo na by definition is not enough to explain. Minsan kasi iba iba ang pagkaka interpret o minsan iba iba ang pagtanggap sa mga ganoong usapan.

pero isa lang ang masasabi ko, ang storyang ito ang magsasabi na bakit ang tanga tanga ko.


"Hello" 

"uhm, hello? sino po sila?"

"Si Emily to! Di mo ba ako nabobosesan?"

"Emily? Sinong Emily? baka wrong number po kayo miss"

"Eeeeh! Mitch naman eh! Walang ganyanan sis, nakakaloka ka"

"Chaaar! Eto naman di mabiro, Oh ano kumusta na?"

Isang tawag ang natanggap ko mula sa kaibigan ko nung high school. Si Emily, ang best friend ko nung high school. Ever since 1st year high school, lagi kaming magkasection niyan, hindi kami mapaghiwa-hiwalay sa kahit anong randomizer na gamitin ng eskwelahan. Kaya sa makatuwid hindi kami mapaghiwalay ni Emily at naging Bessy-Sistah na kami. 

"Oh kamusta, buhay ka pa ba dyan sa pinasok mong course?" tanong ni Emily.

"Eto KERI BOOM BOOM POW pa rin" sabay tawa ng malakas.

"Balita ko ang hirap daw dyan sa pinasok mong college, ano ulit yan BSBA?"

"Baliw BSA, Accountancy yun sis, eto nga ako ngayon cramming for my life"

"Bakit naman?" tanong ni Emily

"Etong si Anga anga mong friend nagkaroon ng 3 sa card kaya ayun subject ako for removals"

"Oh naka tres ka naman diba pasado yan?"

"Yah! pasado siya, pero may policy kasi ang college na dapat wala akong grado na bababa sa 2.5, ehh paano yan tatlo ang tres ko, bigti na ba me?"

Napatawa na lang siya habang kinukwento ko mga kagagahan ko sa college. Sabagay halos dalawang taon din kami nagkita. Paano ba naman pagkatapos ng graduation, may flight na siya to Sydney for vacation. 

Ang taray ni ate mong girl, di man lang ako sinama sa vacation galore niya. 

Pagkabalik niya galing Sydney eh ako naman tong napunta sa probinsya para makapagrelax. Yung tipong finally, masasabi mo na naputol na ang sumpa sa inyong dalawa.

At lumipas na nga ang mga araw na halos di na kami nagkikita buong summer time dahil halos di magkatalo yung mga schedule namin. Pero kahit na ganun, nabibigyan namin ang oras ang isa't-isa sa mga tawag. Hindi mo naman kasi basta basta matatapon ang apat na taon. PORYIRS, sa poryirs na yun nagkaroon ako ng sisteret from another mother.

Naging busy na ang mga mid-May kasi nagaasikaso sa pagpasok sa kanya kanyang school. 

Di kami magkaschool ni Emily, kasi siya gusto niya i-pursue yung career na bet na bet niya simula bata pa siya, ang pagluluto. Kumuha siya ng Cullinary Arts sa isang exclusive school, habang ako naman pumasok sa isang public college at kumuha ng Bachelor of Science in Accountancy.

Aaminin ko mamimiss ko siya kasi this time, magkaiba na kami ng tatahakin na landas. Yung tipong kaba namin everytime na maglalabas ng list of sections every year. Nako lagi kaming nakikiusap sa iba naming schoolmates na i-check yung list. Takot kami magkahiwalay pero sawa na kami sa mukha ng isa't-isa.

"Grabe ka naman sa akin" pagalit na sabi ko habang tumatawa ng malakas si Emily.

"Anyway, kailan ka free?" tanong ni Emily.

"By 3rd week siguro ng March tapos na ang finals week. Bakit?" ang sagot ko.

"Kasi may reunion tayong magkakabatch. Eh kailangan daw yung Kalog Duo doon."

"Ay grabe, Kalog Duo talaga?" imbis magalit napahalakhak na lang ako sa tuwa.

At yun na nga, napa-oo ako ni Emily, ene pe be megegewe ke debe? Nakakaloka lang kasi 2 years pa lang kami nagkahiwahiwalay,  mga atat sa reunion. Gastos lang yan! Siyempre pag ganyan may ambagan, pero ang sabi naman ni Emily lilibre niya na ako sa ambagan, siyempre naging busy rin ako buong college days ko kaya minsan di ako nakakasama sa mga get away ng mga friends, kasi nga ang paranoid ko na baka makakuha ako ng grado na lower that 2.5, at eto na nga tayo, ang kinakatakot ko ay nandito na. Pero kung saan ang libre duon tayo.

Bakit sino ba ng ayaw ng libre?

Pagkababa ko ng telepono, sabay sigaw:

"MAAAAA! May Reunion daw kami? Pwede pumunta?"

"Pwede naman, basta ba naman may pangbayad ka sa mga ganyan eeh wala tayong problema" isang sarcastic na sagot ni Mama, ayaw lang kasi ako bigyan ng pera.

"Lilibre naman ako ni Emily eeh! Kaya gorabels ako ha! Basta nagpaalam ako sa inyo, ikaw na lang magsabi kay Papa" pa-good child na sagot ko.

"Luh! bahala ka jan, ikaw na magsabi sa Papa mo, dadamay mo pa ako" Hala ang pabebe ni mudrakels.

"Hala siya! Grabe ka naman Mother Dear, sigi na, alam mo naman na civil war kami ni Papa dahil sa grades ko eeh!"

"Ikaw rin naman may gusto niyan eeh" sagot ni Mama

"Halaa! ginawa ko naman best ko ahh! Na-roleta lang ako"

"Bakit sino ba prof niyo? si Willie Revillame at may parole-roleta ka pa jan ano yan Wil of Fortune"

Tsk! Si Mama talaga. Pero kahit ganyan si Mama alam ko pinagtritripan lang ako niyan. Kaya lab na lab ko yan si Mama, maasahan yan pagdating kay Papa.

Siguro nga biniyayaan ako ng mabuting pamilya ni G! Thanks G!

Napatingin ako sa orasan, 12:30AM, grabe ang bilis talaga ng oras pag cramming ka sa pagaaral.  Iniiisip ko pa rin ang review at the same time yung reunion.

Gosh! Makikita ko na ulit siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 28, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ubiquitous LoveWhere stories live. Discover now