"Kailan ko ba sinabing mahal kita?"
Hindi ako makasagot kay Sander. Hindi niya nga ba sinabi sa akin? Hindi nga yata. Pero kasalanan ko bang nagpakatanga ako? Kasalanan na ba ngayong ibigay ang lahat para sa taong mahal mo? Si Sander, matagal ko na siyang mahal. Hindi ko lang sinabi sa kanya, nakuntento na lang ako na sabay kaming pumasok sa eskwelahan araw-araw. Malapit na nga ang mga pamilya namin sa isa't-isa. Magkatrabaho kasi yung mama ko at mama niya kaya bata pa lang kami magkaibigan na kami. Kada may lakad ang pamilya namin, kasama lagi sina Sander.
"Andiyan ka pa ba Jia?"
"Ano kasi, hindi naman kita mahal. Ayos lang ako dito. Alam kong mahal mo si Elaine. Sige may gagawin pa kasi ako."
Tinapos ko na lang yung tawag dahil alam kong maaari akong masaktan. Ayoko nang masaktan. Ayoko na ring magmahal. Ititigil ko na ang kalokohang ito. Bago pa maging huli ang lahat.
Pag-ibig: Hindi ka maaaring hindi magmahal
At bakit naman hindi?
Pag-ibig: Maraming tao na ang sumumpa na hindi na sila magmamahal. Pero linoloko lang nila ang sarili nila. Alam naman nila na mahal pa nila ang isang tao. Kinukubli lang nila ang kanilang nararamdaman para hindi maging pabigat sa iba. Para hindi sila kaawaan, para hindi sila pagsalitaan ng masasakit na bagay. Kaya kung ako sa'yo, magpakatotoo ka na lang.
Ano bang ginagawa ko? Diba nagpapakatotoo? Ayoko na talagang magmahal! Kung yung iba napapaikot mo! Ako hindi! Hinding-hindi!
Pag-ibig: Talaga lang?
Oo naman, sino ka ba para pagdudahan ako? Mas kilala ko ang sarili ko.
Pag-ibig: Mas alam ko naman ang takbo ng buhay.
Ewan ko sa'yo! Huwag ka nga muna ako guluhin! Magbabago na ko! kaya kung pwede, huwag ka na munang magpapansin ngayon!
Nakakainis talaga yan si pag-ibig! Kung tao lang yan, matagal ko na siyang pinatay! Ano ba kasing pakialam niya sa buhay ng iba? Wala naman dapat siyang pakialam. Hindi ko nga alam kung bakit yan naging parte ng buhay. Nakakainis siya!
"Jia, kakain na!"
"Busog pa po ako ma. Pagod din po ako kaya matutulog na ako."
"Sige, matulog ka na!"
Now Playing: Enough
Akala ko talaga, magiging masaya na ko kay Sander pero marami pala talagang namamatay sa maling akala. Pero wala nga yata talaga akong mapapala sa pag-ibig. Nakakain ba ang pagmamahal? Nakakatalino ba? Nagpapayaman? Hindi naman diba? Wala talagang punto kung magmamahal ka. Magmumukha ka lang talagang tanga.
Simula ngayon, hindi na ako kaaawaan ng tao. Hindi na ako maaapak-apakan ng iba. Hindi na nila ako pwedeng apihin. Hinding-hindi na iiyak ang isang Jia Therese Reyes.