Bata bata paano ka ginawa?
Bakla bakla paano ka ginawa?
Bakla bakla bakla bakla! Yan ang madalas natin marinig sa TV, mabasa sa social media, marinig sa mga nangungutya pero Ano nga ba sila?,Paano ba sila? ,Paano nga ba nagsimula? Ginusto ba nila ito? ,Bakit may lantad?,Paano ba sila umibig?, Bakit may lantad at proud na baklita sila? Bakit may patuloy nanagtatago at ayaw lumadlad? BAKIT MAY PAMINTA ?
Ako si Prince at ito ang Diary ko! Diary ng Paminta! Abangan ang aking kwento.
" Ang pogi na bata "
"Pwedeng artista pogi "
Ang madalas ko naririnig noong bata pa ako pero tinutukso ako na "bakla " noon dahil sa pagkalamya ko. Sa totoo lang hindi ako talaga bakla noon kasi may gusto ako sa kapit bahay namin na si Dayan at itinatanong sa yaya ko kung pwede na ba kami magpakasal. Baril barilan ang laro ko at puro lalaki ang kasama ko. Wala sa akin kung tuksuhin ako ng bakla kasi ang alam ko lalaki ako.
Highschool life! Dito lahat ng first! ooopppps! Baka sumobra kayo sa pag iisip ng first, oy ah virgin ako til 19.
" Ang liit ng tainga mo " sabi ko kay Ligaya/joy habang ginugupotan ako ng kuko sa mga daliri sa kamay.
" Oo nga madaling mamatay pero pag namatay ba ako iiyak ka " palibasa alam niya na bet na bet ko siya kaya ganoon na lamang ang kanyang hirit at sabay nagkangitian na alam mo namay ibig sabihin.
Close friend ko siya at nagkukunwari na kami pag may nangliligaw sa kanya. I kissed her a lot. hahahaha Pero dumating ako sa punto na hindi kami nagpansinan dahil sinagot niya yung taong pinaka ayaw ko para sa kanya na alam ko naman na lolokohin lang siya at tama nga ang aking hinala dahil ginawa siyang panakip butas.
Dahil sa pagkahumaling sa babae na iyon hindi ko napapansin ang mga nagkakagusto pala sa akin. Oo may nagkakagusto sa akin! Akalain niyo iyon kaunting kabaitan lang puhunan ko. Nalaman ko lamang na gusto pala ako ni Camille noong eductional trip namin dahil sa lagi siya nakadikit sa akin.
" Chris doon tayo maupo para sa likod sila Maricar " sambit ni Jem, isa sa mga kalaban ko sa isang subject namin noon at isang kaibigan.
Nakaupo na kami at malapit na sa NLEX ng biglang sumiksik sa amin ni Jem si Camille.
" Dito muna "sambit niya
sa totoo lang gusto ko siya noon pa man pero mas mahal ko talaga si Ligaya. Sino ba hindi magkakagusto sa kanya dahil sa kanyang kasimplehan ang ganda ganda niya.
Ilang lugar na ang aming napuntahan ng napansin ko na nakapatong ang kanyang ulo sa aking balikat habang nakayakap at palihim kon na kiniss ang kanyang ulo.
" Matagal na kitang gusto pero hindi pwede may gusto ako na iba kahit na hanggang kaibigan lang tingin niya sa " ang tanging naibulong sa aking isip habang hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdam dahil gusto ko na yakapin siya ng mahigpit.
Natapos ang educational tour at pagbalik sa klase biglang nagblind item
" sino ang nakayakap kay Chris noong fieldtrip? clue nasa dulo siya nakaupo"
Alam ko namumula ako ng mga oras na iyon baka kasi bigla siya lumayo sa akin at ayoko mangyari iyon pero patuloy kami tinutukso sa isa't isa pati ang babaeng gusto ko.
Kahit gusto ko si Joy at Camille hindi ko sila niligawan alam ko kasi na mas mainam na magkaibigan kami dahil doon kami magtatagal at nasa iisa lang kami ng grupo ng mga kaibigan. Nalaman ko din na gusto rin pala ako ni Ligaya dahil nagkaroon kami ng bonus points kung aamin kami sa mga crush namin sa Chemistry dahil sa pang UP yung type ng Question ng exam ay mababa ang nakuha namin
BINABASA MO ANG
Diary ng Paminta
RandomAko si Prince at ito ang aking kwento. Ang mga nalathala sa kwento na ito ay hango sa totoong buhay o karanasan.