Ala-ala

11 0 0
                                    

Dalawang taon na ang nakalipas,
Dalawang taon na akong nakalaya mula sa pagkakabilanggo sa sinasabi mong pagmamahal.
Dalawang taon na nakalipas simula ng ika'y aking iniyakan.

Nakakatuwa na sa loob ng dalawang taon, nakangiti ako ng hindi nagpapanggap.

Nakakatuwa na, sarili ko ang aking mas minamahal.

Ngunit, tila ako'y nasa isang madilim na parte ng nakaraan.

Hindi ko mahanap ang dating ako.

Isang guhit ng ngiti mula sa akinh labi,

Isang malakas na sigaw ang aking nasambit,

Isang halakhak ang aking binitawan.

Isang nilalang ang aking pinasalamatan,

"Panginoon, salamat! Naka-move on na ako!!!!"

Hindi ko akalain.

Hindi ko batid.

Sa isang ihip ng hangin,

Pag-ibig na ating nasimulan, hanggang wakas ay 'di na maihahatid.

Dalawang taon na rin akong nag-iisa.

Mas maganda pa palang, maging single kaysa naman nasa relasyon kang ikaw lang ang lumalaban.

Nanatili akong mag-isa.

Hanggang sa nakilala ko ang isang taong, nagpatibok at nagpadurog ulit ng aking damdamin.

Tinitigan ko ang isang imahe ng babaeng nakatayo sa salamin.

Nakangiti at tila nahuhulog sa kanyang kausap sa telepono.

"Ayan ka nanaman, di ka nanaman nakikinig sa akin"

Isang babala ang aking naalala.

Isa, dalawa, tatlo.

tatlong oras humaba ang usapan natin.

tila nga ako'y nahulog nanaman sa malaanghel mong boses.

Dapat na ba akong magtiwala?

Wala naman masama magtry ulit diba?

Handa na ba ako?

Kaya ko na ba?

Walang alinlangan, hindi ko ininda ang ganitong alalahanin.

Sinubukan ko ulit magmahal.

Pero, di naman ako binalalaan na di iba'y kanyang mahal.

Ito nanaman tayo,

Babalik na naman sa dating luhaan.

(to be continued)

Liham ng nakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon