The Wedding

10 1 0
                                    


Isang araw na lang bago ang kasal na pinakahihintay ko. Isang araw na lang, makikita ko na ang lalaking minahal ko ng higit pa sa buhay ko. Isang araw na lang, babalik na naman ako sa dati na luhaan ngunit masaya. Isang araw na lang matutupad na ang pangarap naming dalawa.

"Hazel" tawag ng kaibigan ko na si Leila. Lumingon ako sa kaniya.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko sinusuot ang wedding gown na pinagawa ko pa sa isang sikat na designer.

"Sigurado ka na ba?" tanong ni Leila. Ngumiti ako sa kanya.

"Siguradong-sigurado na ako kay Raymond. Ni kailanman hindi ako magda-dalawang isip sa kaniya"

Tinignan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. Napaka-ganda ng pagkakagawa ng gown na ito. Hindi na ako makapaghintay na makita ito ni Raymond.

"Diba dapat isuot mo lang yan sa mismong kasal mo? Alam mo naman yung pamahiin na hindi daw matutuloy kapag sinuot yan sa hindi pa araw ng kasal mo"

Tumawa ako sa sinabi ng kaibigan ko. "Sa tingin mo ba hindi pa ito matutuloy?"

"Ay, oo pala. Mahal na mahal mo pala itong si Raymond." Irap sa akin ng loka-loka kong kaibigan

"Naalala ko pa yung pangako niya na hanggang kamatayan na daw kami. Ang creepy pero sweet" sabi ko.

Napailing na lang ang kaibigan ko. "Pasalamat ka kaibigan kita kasi mali ito. Maling-mali."

"Maling pakasalan si Raymond? Wag kang nega. Napaka-swerte ko kaya sa kaniya."

Hinubad ko na ang gown ko para bukas. Excited na talaga ako. Hindi na ako makapag-hintay.

Actually, I want a private wedding. Kaya ang kasal namin ni Raymond ay para lang sa mga mahal namin sa buhay. Mga magulang niya't kaibigan. Habang ako naman ay si Leila lang and dadalo dahil siya lang ang matalik kong kaibigan habang ang mga magulang ko ay pumanaw na 3 buwan pa lang ang nakakalipas.

Isang aksidente na nagpabago sa buhay ko. Aksidente na hindi ako pinapatulog sa gabi. Ganito pala kasakit ang mawalan ng minamahal sa buhay.

"Okay ka lang?" hinawakan ni Leila ang balikat ko at bumalik na sa reyalidad. Hindi ko namalayan na naluha na pala ako.

Pinunasan ko ito gamit ang inabot niyang panyo. "May naalala lang"

"Alam kong sobrang sakit ng nangyari sayo pero wag mo sanang kakalimutan na nandito lang ako lagi sa tabi mo kaya wag kang susuko."

"Alam ko naman yun kaya salamat. Maraming salamat" Niyakap ako ni Leila. Ramdam na ramdam ko ang pag-aalala at pagmamahal niya sa akin. Napaka-swerte ko dahi hindi lang kaibigan ang samahan namin kundi ay parang magkapatid na din.

***

Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ang makasal kay Raymond. Abot-langit ang aking saya dahil sa wakas magiging masaya na siya at ako. Hindi ako mapakali. Balisa ako dahil sa sobrang saya.

Kinuha ko ang cellpone ko at tinawagan ko si Leila. Dalawang ring pa lang ay sinagot niya na ito.

"Naka-ready ka na ba? Natawagan mo na ba yung mga magulang ni Raymond? Huwag kayong magpapa-late ah" sunod-sunod kong sabi sa kaniya.

"Chill. Nagre-ready na sila. Ikaw naka-ready kana ba? Mamaya pupunta ako diyan."

"Sige." Binaba ko na ang tawag at naghanda na para mamaya.

3'o clock pa ang simula ng kasal ko pero naghahanda na ang lahat. Hindi ako kinakabahan dahil saya lang ang nararamdaman ko. Purong saya.

Saktong dumating si Leila ng alas diyez para ayusan ako. Light make up, pink lipstick, eyeliner at konting foundation ay ayos na ako. Samantala, ang buhok ko naman ay naka-braid.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 30, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Wedding | OneshotWhere stories live. Discover now