Taga Cavite ako. Pero ang eskwelahan ko ay sa Adamson University. First day namin ngayon at ala-syete ang pasok ko. Kaya ala-singko palang, eto ako, nasa van na.
Iniisip ko, ano-ano kaya ang mangayayari mamaya?
Unang araw ngayon at sigurado, kahit sinong freshman sa college ay kabado.
6:30 am nasa walkway na ko ng Adamson. Lakad lakad kasama ang former classmate ko nung highschool ako, Adamson din kasi sya.
Pagdating sa CS Building, naghiwalay na kami. Room CS224 ako at iba naman sya. AB in Communication ang kinuha ko, sya BS Marketing Management. Magkalayong-magkalayong kurso. At nung maghiwalay kami, mas tumindi ang kaba ko.
Pagpasok ko sa classroom, nakipagkwentuhan na ko. Sila ang mga bago kong kaklase. Dapat ko silang mahalin. Kahit iba iba kami. Kahit yung iba mukhang suplado/suplada, kailangan kong makisama.
Dumating ang prof at kami'y nagpakilala.
"Hi, I'm Yanny, I'm 15 years old, nice to meet you all."
Nakahinga na ko ng malalim. Lunch break, mag-isa ko.
Kumain ako pero may natitira pang oras. Kaya tumambay muna ko.
"Bakit mag-isa ka?" tanong ni Kuyang mukhang matalino.
"Ah eh.. Nahihiya kasi ako makihalubilo sa mga ka-blocks ko.. Baka kasi ayaw nila sakin." sagot ko naman.
"Sa college, kailangan mong hanapan ng kaibigan ang sarili mo, para hindi ka naman malungkot. Sa college, oo, sarili mo lang ang aasahan mo para makapasa, pero mas madali yun kung may kaibigan kang makapag-papasaya sayo. Kaya hanapin mo na mga ka-block mo." tinitigan nya ko. "Always wear a smile on your face."
Napangiti ako sa sinabi nya.
"Ang college, mahirap, pero hindi naman sinabing hindi pwede mag-enjoy." tumayo na si Kuyang mukhang matalino at naglakad papalayo.
Tumayo din ako para puntahan yung blockmates ko. I placed a smile on my face and greeted them. they greeted me back. Ayos, eh mababait naman pala tong mga ka block ko eh.
Salamat kay kuyang mukhang matalino. Kaso, ito na yung kinakatakutan ko, na-inlove ata ko sa kanya. Nahulog ako agad? Dahil ata sa kabaitan nya. Hindi ko alam. Pero, I think I like him.
Love at first sight ba ito? Hanggang sa college ba naman may ganito?
Ala-una na. Which means Environmental Science na namin. Bumalik kami sa room. Naupo, kwentuhan. Wala pa kasi yung prof.
Pero maya-maya lang...
"Good Afternoon AMC 101." sabi nung prof.
Yung prof.. Yung profesor namin....
Si Kuyang Mukhang Matalino.. :O
THE END.
~*~
BOOOO! HAHAHA SORI KUNG WALEY.