All over again

9 0 0
                                    

Pagkakamali, kadalasang ginagawa ng tao kaya sinasabi na normal nalang daw iyon. Yung iba todo ang pagsisi sa mga nagawa nila at yung iba naman ay grabe kung magmalinis. Pero tama bang isipin na dahil lamang normal na ay hindi na pagbibigyan ng pansin? Maaari pa bang matama ang isang pagkakamali? o hayaan nalang na kalawakan ang gumawa ng paraan para sa iyong pagsisisi?

Naranasan ninyo na bang makonsensya? Yung mapapaisip ka bawat araw na kung sana hindi mo nalang yun ginawa. Sana hinayaan mo nalang yung tadhana. Sana di mo na pinakialaman. Sana di ka nalang nagsalita. Sana. Sana. Sana.

Walang katapusan na sana.

Sana hanggang ngayon maayos pa tayong dalawa.

All over againWhere stories live. Discover now