Pinuntahan niya akoPinuntahan niya ako
Pinuntahan niya ako
Iyan ang tatlong salita na tanging paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko.
Pinuntahan niya ako even after years of not talking to each other.
He still just cannot resist me huh?
Ano nga ba ang nangyari at bakit niya ako pinuntahan?
My phone died, my car is a mess, I am in the middle of nowhere and all I have left now that may possibly save me is my wallet— the one he gave me.
Binuksan ko ang wallet na naglalaman ng mga pera, litrato, resibo, ticket, at kung ano-ano pang kaekekan na maaaring makita sa isang wallet ng ordinaryong tao.
Ngunit hindi yun ang mga bagay na nakakuha ng atensyon ko kundi ang isang papel na naglalaman ng numero.
Why was he here?
Inside my wallet, I found his contact number. By the time that he gave me this wallet he wants to assure himself that in case of emergency, he will be the one that I'll contact and not anybody else.
Pero wala naman na ata sa usapan na pagkatapos ng lahat ng nangyari ay valid pa rin na manghingi ng tulog sa kanya no? That's why I hesitated.
Actually, I kinda forgot about that already but then as I desperately searched for my entire wallet for the hopes of finding someone to come and save me, there I found an old paper containing Zach's number.
Tatawagan ko ba? Manghihingi ba ako ng tulong? Ibababa ko ba ang pride ko para naman makaalis na ako sa lugar na kinalalagyan ko?
Tama, isang beses lang naman. Isang beses nalang, pagkatapos nito wala ng susunod. Promise!
Minsan kailangan lang din talaga natin tanggapin na hindi sa lahat ng bagay kaya nating makausad mag-isa. Wala namang masamang humingi ng tulong, libre lang naman.
Saktong-sakto may post landline akong nakita sa paligid kung saan tumirik ang kotse ko. Medyo malayo-layo iyon ngunit wala na akong panahon para tamarin pa ngayong kailangan ko na ng saklolo. Agad-agad kong patakbong nilakad ang public telephone na yun.
Tangina naman kasi. Bakit ba sa lahat pa ng lugar na pwedeng tumirik ang kotse ko ay sa madilim at hindi nalang sa matao na lugar?
Imbes na ituloy ang pag-iinarte ay mas pinili ko nalang na i-dial ang numero na nakasulat sa papel na nakuha ko.
0905-331-XXXX - Zachary
Unang Ring . . .
Kapag sinagot mo 'tong tawag buong buhay kong tatanawin na utang na loob sayo 'to. At pangako, hindi na ako matatakot na sagutin ang mga tanong na noon mo pa hinihingi.
Pangalawa . . .
Nagbago na pala ang isip ko. Wag mo nalang pala sanang sagutin. Ayoko na pa lang sabihin ang bagay na iyon. Wala naman ng saysay kung sasabihin ko pa ngayon. Para saan pa? Masaya ka na.
Pangatlo . . .
Takot na takot na ako sa kinatatayuan ko dahil nga mahina ako pagdating sa mga gantong lugar na madidilim kaya naman maski panonood ng mga horror ay hindi ko ginagawa. Call me corny, but sorry not sorry, kanya-kanyang preference lang yan.
Pang-apat . . .
Mukhang wala na 'to ah. Anong oras na rin kasi, malamang tulog na 'to. Sa pagkakatanda ko, antukin talaga 'to eh.
Pang-lima . . .
Wala na talaga, wala na talagang pag-asa pang—
Ibababa ko na dapat ang telepono nang may biglang nagsalita sa kabilang linya.
["Hello, who's this?"] boses niya na bakas pa ang pagkahusky patunay na naistorbo ko siya sa kanyang pagtulog.
"Zach! Zach? This is Ami, " matinis pang sabi ko dahil nga masyado akong natuwa na sinagot niya ang tawag ko.
["Ami? As in Amethyst?"]
"Yes, yes. Uhm—"
["What's the problem mi?"] punong puno ng alala ang boses niya. Tinawag niya ako sa tawag niya sakin dati. It feels like home, as if nothing wrong had happened.
"Zach, I am lost. Can you please come and get me out of here now? My phone died that's why I cannot contact anyone except you since I found your contact inside my wallet. I'm sor—"
["What? Why are you lost? Are you okay? Where the hell are you?"] putol niya sa sasabihin ko na para bang nagmamadali siyang makakalap nang impormasyon. Kung kaya niya lang liparin ang lugar na kinalalagyan ko ay ginawa niya na siguro.
"I don't know, Zach. I'm scared. Please come here asap," patuloy kong pagsambit kahit pa ramdam ko na ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko.
Hindi ko na makontrol ang emosyon ko, kung kanina kaya ko pang huminahon, ngayon gusto ko nalang umiyak ng umiyak na tila masosolusyunan ng pag-iyak ko ang sitwasyon ko.
Pilit ko ng pinipigilan ang hikbi ko ngunit hindi iyon nakatakas sa pandinig niya.
Ayokong ipaalam sa kanya. Ayokong may makaalam nito.
Dahil hindi ako iyakin, hindi. Hindi iyakin si Amethyst. O kung totoong iyakin man ako, hindi na dapat malaman pa ng iba yun.
["Are you perhaps crying, Ami?"] tanong niya sakin na naguumapaw pa rin ang pagkabahala. Maya-maya ay nagulat ako sa mahina niyang pagbulong.
["Fuck, Please. Hush. Don't cry, I'm begging. I cannot stand that sound, you know that,"] sinadya niya pang hinaan ang pagsasabi nito dahil ayaw niyang iparinig sa akin.
'Of course, Asshole. I know. I used to be your best friend you know.' gusto ko sanang isagot sa kanya ngunit pinili ko nalang manahimik.
----------------------------------------------