Nagmahal,Nasaktan...Nasaan na si The One?

26 0 0
                                    

CHAPTER 1

At the age of 12, grade 6 elementary palang ako nun ng natuto ako magka-crush. Masyado na bang late? Sa panahon ngayon? Baka nga. Public school ako nag aral. Kasi, hindi naman kami mayaman o mapera. Minsan sapat lang ang pamumuhay namin. Mahiyain ako nung bata ako. Pero madaldal daw ako sabi ng teacher ko. Magulo noh? Pero mahiyain talaga ako noon. Crush ko dati yung classmate ko na laging nanghihingi sakin ng papel. Yung minsan nanghihiram pa ng ballpen. Tapos binibigyan ko minsan ng baon kong pagkain. Pero mukha naman syang may kaya. Ewan ko kung bakit hingi ng hingi sakin ng kung ano ano parati. Ayoko naman mag assume na crush din nya ko kasi di naman ako kagandahan. Pero di naman ako panget. Kumbaga, pwede na. Pag exam pinapa kopya ko pa sya. Kusa ko naman yung ginagawa. Nagpapalakas kasi ko sa kanya. Babae po ako ha? Ginagawa ko yun para maging close kami. Naisip ko lang, bata palang ako magaling na ko gumawa ng paraan. Pag gusto may paraan diba? Eh gusto ko sya, so gumagawa talaga ko ng paraan. Pero bata pa ko nun kaya feeling ko di pa ako aware na gumagawa ako ng paraan. (In denial, stage 1) Ilang beses na pagbigay ko sa kanya ng papel, pati ballpen binibigyan ko na rin sya. Lagi na nga ko may extra. Nakahanda na yun para sa kanya. Naging close naman kami. Naging magkaibigan kami dahil sa mga moves ko. Lagi na kami nagkwekwentuhan pag hindi pa dumarating yung teacher namin. Minsan naisip ko, tama nga yung teacher ko na madaldal ako. Sa umpisa lang pala ko mahiyain. Nung naging ka close ko na si crush, ang bongga ng pagdaldal ko. Sya pala si Dave Bayot. Apelyido lang po nya yung Bayot. Pero gwapo talaga si Dave kahit ang baho ng apelyido nya. Buti nalang ang gwapo din ng panggalan nya. Two years kami naging mag classmate ni Dave. Grade 5 hangang Grade 6. Pero Grade 6 lang kami naging close friends. Naging sweet na sakin si Dave ng mga 3 months bago kami mag graduation. Sya na nagdadala ng bag ko minsan. Ewan ko bakit nya ginagawa yun. Puma-paraan din kaya sya? Na fall na kaya sya sakin? Ano ka ba Nicole! Tigilan mo nga yang pag iilusyon mo! Oo, madami akong ilusyon nung elementary pa ko. Iniisip ko magiging kami ni Dave tapos magde-date kami. Tapos bibigyan nya ko ng flowers. Eh nag graduation na, waley pa rin! Sabay naman kaming nag graduate ni Dave. 2nd honor ako. Sya sakto lang-nag graduate, ganern! Kahit wala sya sa honor students, wala sakin yun. Sya parin yung crush ko. Nung graduation namin may pasabog tong si Dave! Aba binigyan ako ng letter!!! Kilig na kilig ako nun kahit simpleng letter lang yun. Eto sabi nya...

Dear Nicole,

Gusto ko lang mag thank you kasi ang dami mong naitulong sakin. Mula sa pagbibigay mo ng papel, ballpen, pagkain hanggang sa pagpapakopya mo sakin sa mga exams natin. Pero higit sa lahat, sa mga oras na nakikinig ka sakin tuwing nagku kwento ako ng kung ano ano lang. Tapos tumatawa ka sa mga jokes ko na puro ewan lang. Corny ko alam ko. Baka nga pinipilit mo lang tumawa. Pero thank you pa rin. Sana maging magkaibigan tayo ng matagal na matagal.

Always,

Dave

Ewan ko nalang talaga! Ang haba ng hair ko ng graduation namin. Ang saya saya ko. Kilig to the bones! Magaling talaga mag sulat si Dave. Lagi syang sumasali sa mga contest sa school namin basta tungkol sa pagsusulat. Magaling din kasi sya sa english. Sa math lang hindi.

Eto na, high school na. Same school kami. Same section pa din. Muntikan ngang hindi pa kami naging mag ka klase kasi mas mataas average ko sa kanya. Buti nalang may nag back out, lumipat ng ibang school kaya sya naging classmate ko. Hindi ko alam na same school kami. After graduation kasi wala na kaming contact ni Dave. Wala pa kasing facebook noon. Pager palang ata meron. Nagulat ako ng may makita akong familiar na lalaki. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, maliit ang mata, matipuno. Si Dave!!!! Oh my gosh!!! Magka-classmate kami! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ewan ko, parang bigla akong kinabahan. Ang laki ng pinagbago nya. Parang mas gumuwapo sya lalo. Parang tumangkad sya. At naging lalaking lalaki agad hitsura nya. Konting panahon lang naman yung bakasyon. Bakit ganun? Baka naman na miss ko lang sya. Napatingin sakin si Dave. Nagkatinginan kami. Hindi ko alam kung nakilala pa nya ko. Pero wala naman nagbago sa hitsura ko. Kaya for sure kilala ko nito! Nginitian ko sya. Yung ngiting pa cute! Pero slight lang. Pa demure padin syempre. Dedma ang loko! Anyare? Bakit ganun? Ang sweet mo lang nung graduation ah! Bakit di nya ko nginitian? Ang daming tanong ang tumatakbo sa isip ko nun. Nag start na yung class. The usual, walang masyadong ginawa kasi first day. Marami naman din akong kakilala sa section ko kasi yung iba schoolmate ko nung elementary. Pero di ko ka close. Marami agad akong naging kaibigan sa school kahit medyo mahiyain ako sa umpisa. Marami din kasing hindi mahiyain sa school. Hinahanap ko lagi si Dave. Everyday yun. Hinihintay ko kung lalapit sya sakin. Aba matindi! Hindi talaga sya lumapit, ever!!! Nakakainis! Nakakainis na nakakasakit na sya. Alam ko wala naman akong karapatan masaktan pero feeling ko meron. Kasi magkaibigan kami. Kasi sumulat pa sya sakin nung graduation. Sabi nya, sana maging magkaibigan kami ng matagal ng matagal. Matagal na matagal na yun sa kanya? 1 year lang yun ah! Wala pa nga ata! Hindi ko sya tiniis. May ugali talaga ko eh. Na pag sa tingin ko kailangan kong gawin yung isang bagay, hindi ako natatahimik, ginagawa ko talaga! One month after, ayoko na talaga! Kailangan ko na syang kausapin. Pero walang lakas ng loob na lumalabas sakin. Nakakainis! Sa lahat ng classmates ko, sya lang ang natatanging hindi ako kinakausap. May something talaga! I know something was wrong. May group project kami, reporting ang kailangang gawin. Magka group kami. Sa bahay ng classmate ko kami gumawa ng project. Alam ko yun na yung tamang timing para mag usap kami. Nung papunta palang kami sa bahay ng classmate ko, habang naglalakad kami, sinabayan ko sya kasi nahuli sya ng lakad. Nag "hi" ako sa kanya. Sabi ko, "musta na? Long time no see ha?" Sumagot naman si Dave. "Oo nga" Ang haba ng sagot nya diba? Ako umi-small talk. Tapos sya literal na small talk talaga. Parang diring diri sya sakin nun, nararamdaman ko ayaw nya ko kausapin. Hindi ako sumuko. Sumagot parin ako sa kakapiranggot nyang sagot sakin. "Galit ka ba sakin?" Ang tapang ko, grabe! Yun agad yung tanong ko, nakakainis! Hindi ko kasi alam sasabihin ko. Ang dami kong gustong sabihin, hanggang sa kung ano talaga yung nasa puso ko yung nasambit ko. Eto na yung sagot nya. "Oo". Yan naman ang gusto ko kay Dave, very honest! Tinanong ko sya kung bakit. Sabi nya, "Hindi mo talaga alam? Wow naman, Nicole!" First time kong nakitang magalit si Dave. Nakarating na kami sa bahay ng classmate ko ng mangyari yun. Ang hirap mag concentrate sa project namin, dahil sa sinabi ni Dave. Anong ginawa ko? Kahit anong gawin ko kakaisip wala akong maalala na ginawa ko para magalit sya. Walang chance para makausap ko sya ulit during group project namin. May cellphone na nung time na yun. Meron akong dalawang super friends nung high school. Pero di rin nila alam cellphone number ni Dave. Pero ginawan nila ng paraan syempre. Gustong gusto kong itext si Dave ng time na yun. Hindi ako mapakali. Pero iniisip ko baka hindi magreply. Bahala na. Kesa maghapon ako mag isip ganun din naman. Walang sisihan!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 29, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nagmahal, Nasaktan...Nasaan na si The OneWhere stories live. Discover now