MS PUP TWO - Nana, Milk.

19 0 0
                                    

Doll: Chapter two na po. Yepeee !!

Aleyna Morie's POV.

   

        

         "Are you sure na gusto mo talagang pumasok sa bar ko? Alam mo naman maraming bastos dun at alam na alam ko din na 'di ka sanay sa ganun, Ale?" Nagsisigurong tanong ng pinsan kong si Dwight 'the playboy sakin.

"Alam ko naman yun nu! Magchochoosy pa ba ako? Sure na sure ako, Dwighty." May kasama pang sunod na sunod na tango pagsisiguro ko sa kanya.

"Argh. Ano kaba, Ale? 'Wag mo nga akong tawagin ng ganyan. Feeling ko mukha akong aso sa Dwighty na yan e. Baka hindi kita papasukin sa bar ko e." Pagbabanta pa niya at para na akong lalapain sa inis niya. Hahaha. Cute dwighty arf.

 
"Haha. Okay basta pumayag ka na huh? Wala na talaga akong budget 'yong inutang ko sayo last time ubos na e." Paawa effect ko sa pinsan at baka maawa na naman at pautangin ako ulit. Sana talaga hehe.

"W-what? Wait? Pinagloloko mo ba ako, Aleyna Morie Alegre? That's impossible." Naguguluhan niyang tanong sakin. At matalim akong tinititigan. Akala ata nito nagsisinungaling ako. Hindi kaya biro magbudget nu.

"Oo nga. Balak ko nga umutang ulit sayo kung pwede lang. Wala na kasi pang gatas si Nikolo at Nikolai e, kawawa naman mga cute mong pamangkin. Pretty please, Dwight?" Seryoso kong sabi. Sana maawa siya sa mga anak ko. Alam ko naman hindi niya kami matitiis e. Si Dwight pa!

"Naku, mamumulubi talaga ako sa inyong mag iina e. Oh siya sige. Puntahan na natin ang kambal naghuhurementado na 'yon panigurado. I'll just get the car keys in my room. Just wait for me outside, Ale." Pagsuko niyang sabi at hindi nga talaga kami natiis. Baon na talaga ako ng utang pati utang na loob sa kanya. Hayst!

"Okay." Tumayo na rin ako at lumabas na sa bahay ni Dwight.

Maya-maya at nakababa narin ito. Mandadali na naman ng chicks ang pormahan. Napapailing na lang ako. Playboy always a playboy.

"Oo na, gwapo talaga ako. Haha. Let's go, Ale." Napatingin lang nagwapuhan agad. Assuming.

"Wow, ang lakas naman ng hangin dito pati ako natatangay. Kaloka." Sabay irap sa hangin at todo hawak sa may gate na binuksan ko na para makalabas ang kotse niya.

"Haha. Mukha kang tarsier jan. Wag ka ngang kj, Ale. Baka hindi kita pautangin e." Patawa tawa pa niyang sabi.

"Hoy walang ganyanan. Ang daya
a. Oo na gumagwapo ka naman talaga pag pinapautang moko e. Hehe." Sabay pasok na sa kotse niya at inistart na niya. Sabay busina ng dalawang beses at lumabas naman si manang para maisara ang gate. At kami ay lumarga na.

   ...

Pababa palang ako ng kotse ni Dwight ay naririnig ko na ang malalakas na palahaw ng mga anak ko. At hindi nga ako nagkakamali, iyakan ang drama ng kambal ko.

"Nana, milk." Sabay na panaghoy habang patakbong lumapit at nangunyabit sa magkabilang binti ko at tiningala ako na may luha sa kanilang mata at basa na ang mukha kakaiyak. Aww my poor babies. Pag naging ina kana pala talaga masasaktan ka talaga pag nakita mong nahihirapan ang mga anak mo.

"Hey, kids. Bakit umiiyak ang mga baby?" Pagkuha ng atensyon ni Dwight sa kambal.

"Dada, milk." Kay Dwight naman nagsipuntahan ang dalawa at nagpabebe.

"Okay, bibili tayo marami milk later. By the way, Hi Inday." Pang uuto sa mga pamangkin niya para hindi na umiyak ang mga ito. Kinindatan din niya si Inday pagkatapos. Babaero talaga. Nag hello din naman si Inday at pinipigilan ang kilig. Kainis talaga ang Dwight na'to, hindi magtigil sa kaharutan. Naka ilan na ba akong katuwang na nag alsa balutan at luhaan dahil nilandi at winasak ni Dwight? Literal na winasak ang bataan. Arghh. Maya maya, nakamove on na si Inday binalingan na ako at sinabing,

"Ati, natotomguts na kase mga bebe mo kaya nagsipagcry silang duha. Diko mapatahan, Ati at kanina kapa henehenep." Sabi ni Inday ang katuwang sa mga bata dahil hindi naman kasi niya
maalagaan ng bente kwatro oras ang mga anak niya dahil kailangan niya magtrabaho para sa kanila.

"Eh genen be? Ay, este ganun ba?" Hay, ano bayan nahahawa tuloy ako sa pagsasalita ni Inday. Hindi mo talaga maintindihan kung ano talaga mother tongue nito e. May halong bisaya, minsan may tagalog at minsan akala mo foreigner meke este maka-slang wagas. Hay Inday.

" Ah sige, Inday paghanda mo nalang ang mga feeding bottle nila at thermos ha. Para pagkabili natin ng gatas ay makainom na sila. Ako nalang magbibihis sa dalawa. " Paghahabilin ko kay Inday. At sinang ayunan naman agad ng katuwang. At pinagbilinan na din si Dwight na manahimik baka landiin si Inday.

" Nikolo, Nikolai. Change clothes na para punta na tayo mall bili ng milk niyo. " Tawag ko sa mga anak ko na hindi na humiwalay kay Dwight at doon naglabas ng tantrums ang dalawa. Maka-Tito talaga ang dalawa iniispoiled kasi ng magaling kong pinsan. Napa-yehey naman ang kambal at sigurado hindi lang milk ang bibilhin namin lalo na kasama namin ang Tito slash Dada nila. Ayaw ko talaga sila naiispoiled kasi ako mahihirapan pero hayaan mo na nga ngayong araw nalang naman ulit. Matagal tagal naman na ang huling pamamasyal nila. Masaya silang humawak sa magkabila kong kamay papunta sa kwarto. At binigyan ko ng last look na parang naniningkit si Dwight. At patawa tawa lang ang loko sakin. Naku talaga!

Maya-maya lang may naririnig akong kinikiliti na ewan. Ano ba yon? Ang sakit sa tenga ah. Teka nga--

" Nana, ano po yung maingay? " Tanong ni Nikolo sa akin na tanong ko din sa isipan ko habang pinupolbohan ko ang kanyang likod.

" Baka pusa yon Nikolo, lalo na pag gabi maingay sila gumagawa ng baby. Hihi" Inosenteng segunda naman ni Nikolai sa tanong ng kakambal niya habang nagsusuot ng salawal niya. Mas independent kasi si Nikolai kaya na daw niya sarili niya. Ang bilis lumaki ng baby ko. Pero wai--t.. Ano daw, pusa, gumagawa ng baby? Susmaryosep saan nalaman ni Nikolai ang huling sinabi niya. Baby pa ang mga anak ko e may alam na silang ganun! Nakakawindang!

" Olai, saan mo narinig ung tungkol sa baby anak? " Malambing na pagtatanong ko kay Nikolai.

" Ate Inday po, Nana. Tanong ako bakit ingay pusa? Sabi po gumagawa daw baby. " Walang malisya pagsagot ng anak ko sa tinatanong ko sa kanya. Hay naku, si Inday na naman ang salarin. Natapos na pala ang pagbibihis ko sa dalawa ng hindi ko namamalayan dahil kakaisip ko sa ingay sa labas at sinabi ni Nikolai kani-kanina lang. Paglabas nga namin at hayun may mga pusa nga nagkatawang tao naghaharutan sa may bandang kusina. Napa-ahem nalang ako at makita pa ng kambal ang ginagawa nila. Nagkikilitian lang naman ang dalawa at naghahabulan akala mo nasa parke sila. Nagulat pa ang dalawa at nagpatay malisya.

"Shall we/Ay, ati tapos na po ako maghanda?" Sabay na bigkas ng napakagaling kong pinsan at ni Inday. Ano to, soulmate? Kailangan sabay talaga? Napa cross arm at napataas kilay nalang ako na 'di ko talaga gawain pag naiirita lang ako. Pag nakita talaga ng kambal kalokohan nila, mayayari talaga si Dwight sakin. Sinabihan ko na e, di talaga marunong makinig.

" Nana, may pusa pa?" Pasigaw na tanong ng kambal. Mabuti nalang talaga iniwan ko sila sa sala at sinabi kong titingnan ko lang ang mga pusa dito sa kusina. Buti hindi na mangulit pang sumama ang dalawa dito sa kusina kundi makita pa ang kabalastugan ni Dwight.

" Wala na, umalis na. Aalis na tayo" Pinandilatan ko ng mata si Dwight sabay hindi na makatingin ng diretso at si Inday dali daling lumabas ng kusina na pulang pula ang mukha dala dala ang gamit ng kambal. At sumunod nadin lumabas si Dwight. Naririnig ko pang iniusisa ng dalawa si Inday kung bakit namumula ang mukha nito. Sinagot nalang ni Inday mainit kasi sa kusina e. Napapailing at mapapatawa ka nalang e. Hay naku talaga!








Itutuloy. . .










-kawaiid^^l031-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MONTEGRACIA SERIES: PRIMO UNO'S POSSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon