Prologue

9 2 0
                                    

"Krishaaa, lumaban ka krisha! Sinong gumawa sayo nito!" sigaw ni Keli habang hawak hawak ang katawan ni Krisha na duguan.

Nanginginig ako, hindi ko alam ang gagawin. Nakatulala lang ako sa kanya na nakahandusay sa sahig.

Umalis si Keli dahil hihingi daw siya ng tulong samantalang ako naman ay naiwan dito sa bahay ni Krisha at pinagmamasdan siya.

Hindi ko kayang lapitan siya dahil sa nanginginig ako lalo na ang mga tuhod ko, wala akong nagawa kundi umiyak lang ng umiyak hanggang sa tawagin niya ako kaya naalimpungatan ako at lumapit sa kanya.

Pinahiga ko siya sa hita ko at sinubukang alisin ang kutsilyo na naka tusok sa tiyan niya pero pinigilan niya ako.

Umiiyak siya, kitang kita ko sa kanya na nasasaktan at nahihirapan na siya pero pinilit niyang magsalita kaya mas lumapit pa ako sa kanya para marinig kung anong gusto niyang sabihin.

Pero bago pa niya man masabi ito ay may biglang tumurok sa akin ng injection at hindi ko alam kung ano yun kaya biglang nanglabo ang mga paningin ko hanggang sa napapikit nalang ako.

Hindi ko alam kung ano itong itinurok sa akin pero sigurado akong pampatulog ito at ang gumawa nito sa akin ay yung pumatay kay Krisha.

Naririnig ko ang mga yapak ng mga paa ng iilang mga tao, hindi ko alam kung sino ito pero siguro mga pulis ito.

"You are under arrest. You have the right to remain silent, anything you say will be used against you in the court of law. You have the right to have an attorney and if you cannot afford an attorney, government will be provide it for you." huling salita na narinig ko bago tuluyan akong makatulog dahil sa epekto ng gamot na itinurok sa akin.

--

"Since I am your attorney, you can tell me everything, makikinig ako."

"Hindi ko nga magagawa yun! Hindi ko pinatay si Krisha!" sigaw ko dito sa abogado.

"Sabihin mo yung totoo sa akin, kahit pinatay mo pa siya wala akong pakealam dahil nandito ako bilang abogado mo at dedepensahan ka."

Nainis ako sa sinabi niya kaya pinaalis ko siya. Hindi ko kailangan ng abogadong hindi maniniwala sa akin. Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko dahil alam kong nasa tama ako, alam kong hindi ko pinatay si Krisha at alam din yun ni Keli.

Speaking of Keli, nasaan na nga ba siya? Bakit di ko na siya nakita simula nung gabing hinuli ako? Hindi niya man lang ako binisita o tinawagan, kailangan ko siya. Siya lang ang nakakita kung ano ang nangyare. Siya lang ang makakapagsabi na inosente ako.

*Court of Justice*

Papasok na ako ng korte nang salubungin ako ng pamilya ko. Ilang araw kaming hindi nagkita dahil sa inaresto ako ng mga pulis at bawal daw ako bisitahin ng mga magulang ko.

Niyakap ako ni mama kaya niyakap ko rin siya pabalik hindi ko mapigilang hindi mapaiyak dahil sa nakikita kong umiiyak din si mama samantalang si papa naman ay walang imik at di ako tinitignan. Alam kong galit siya sa akin.

"Ma hindi ko po pinatay si Krishna."

"Ssshhh hindi mo kailangan magpaliwanag sa akin dahil alam ko na hindi mo magagawa yun, matalik mo siyang kaibigan." sabi ni mama at pinapatahan ako.

Dark Secret [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon