II. Is this a dream?

6.8K 333 60
                                    

= AERITH =

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

= AERITH =

Bata palang ako, madalas na akong managinip na nasa kakaibang lugar ako.

Pero madalas ay panaginip lamang ang mga iyon.

"What the hell are you doing?"

His brown eyes looked at mine. Gusto kong magsalita. Gusto kong magtanong. Nasaan ako? Bakit ako nandito?

Mabilis kong inikot ang mga mata ko. It looks like nasa taas ako ng isang building. Pero this one is made of wood. Hindi kagaya ng mga building sa Maynila na lahat ay sementado.

He lightly pushed my forehead. "Okay ka lang ba?"

Tumayo ako at umatras sa kanya. He is wearing all black - black cap, black hoodie, black jeans, black sneakers at may hawak siyang black face mask. Isa lang ang sagot sa lahat ng ito. I am kidnapped. Kidnapper 'tong nasa harap ko. Tama. Siya ang nagdala sa akin dito.

"S-Sino ka? Bakit... Bakit mo ako dinala dito? Anong kailangan mo?" I finally said. His eyebrows furrowed and he looked at me as if I spoke a different language.

"Anong ibig mong sabihin?" he asked. "I saved your life. Hindi ako ang nagdala sayo dito."

"Wag ka nang magsinungaling. Nasaan si Blair?" Mas kumunot pa ang noo niya. Teka... mali ba ako? Baka hindi pala siya kidnapper. Baka OA nanaman pala ako.

"Hindi nalang pala dapat ako umakyat dito," bulong niya sa kanyang sarili. Tinalikuran niya na ako at binuksan ang pinto that leads to the stairs. Pababa sa building na 'to. Building pa ba ang tawag dito kung gawa naman ito sa kahoy?

"Teka!" sigaw ko. Sinundan ko siya pababa. Napansin kong sinuot niya yung black na facemask niya. Mas lalo tuloy siyang nagmukhang kidnapper. Kung may tinataguan man siya, halata masyado dahil sa suot at kilos niya.

Ayon sa pagkakabilang ko sa floors na binaba namin, limang palapag ang building na 'to. Which means nasa 5th floor ako kanina. Kung ang 5th floor ay ang rooftop, ang 4th and 3rd floor ay puro kwarto. Ang 2nd loor naman ay mukhang isang simpleng cafe or restaurant. Tapos sa 1st floor ang reception area. From that, hula ko ay isa itong maliit na hotel.

The design of the walls is very different sa mga design na makikita sa Maynila. Ang colorful. Puro colors of red, blue, green, yellow and orange. Parang fiesta kasi ang festive ng mga kulay.

"Oy, saglit lang!" sigaw ko ulit dahil palabas na ng building yung lalaki. Bigla siyang tumigil pagkalabas niya kaya nauntog ako sa kanyang likod.

"Ano ba 'yon?" bulong niya. "Bilisan mo, may tinataguan ako."

"Kung may tinataguan ka, masyado kang halata. Wala ka bang mas maayos na disguise diyan?" I said habang hinihimas yung noo ko. From the outside, nakita ko na nang maayos ang labas ng building and I'm at awe. It's beautiful. The building is literally covered with paintings of different lines and shapes. Gaya ng sabi ko kanina, puro colors of red, blue, green, yellow and orange. It's so pleasing in the eyes. Two words are engraved on the building so 'yon siguro ang pangalan ng hotel.

While You SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon