TOYBOY

140 0 0
                                    

TOYBOY

LIFE IS LIKE A GAME TO PLAY!!!!!

Minsan talo.

Minsan naman ikaw ang panalo.

Naisip ko tuloy,

Bakit hindi na lang ginawang parehas,

Ang laban sa buhay?

Para happy ang lahat.

Walang puwang ang problema.

Walang taong nalulungkot at nagdurusa.

Sabagay,

Kung nagkataon na ganun,

Napaka boring naman siguro ng buhay

Kumbaga sa kulay.

Nakakasawang pagmasdan kung lahat kulay puti.

Dapat may pula,

May bughaw,

May itim,

May kulay kahel,

At kung anek anek pa....

Haaayysssstttttt.....

Umaatake na naman ang aking pagiging emoterang palaka.

Ikaw na ang matingga ng isang buwan sa accommodation.

Walang trabaho,

Walang sweldo.

Nakaka aning talaga da vaaah???

Hawak ko ang ALAS!

Yun ang akala ko

Ng nasa TANAJIB ako.

Maganda ang naging pwesto ko sa trabaho.

Ok ang aking naging amo at mga kasamahan sa work.

Higit sa lahat doon ko natagpuan ang aking panibagong inspirasyon.

SI TOYBOY...

Isang ASKARI.

Security guard sa Al Suwaiket Camp.

22 taong gulang na guapong Arabo.

Bagets na bagets.

Aktibong aktibo sa usaping sekswal.

Gusto niya gabi-gabi ko siyang dinadalaw.

Nais niya palagi kaming nagkakaratan.

Mistula siyang siling labuyo na palaging Hot na Hot.

Kapag ganitong nalulumbay.

Di ko mapigilang balikan ang naging buhay ko sa Tanajib.

Lalo na ang kaganapan kung paano ko nakilala si TOYBOY.

Ugali ko ang mag jogging at maglakad lakad.

Sa buong Tanajib Contractors compound.

Pagkagaling ko sa trabaho.

Alas sais iyun ng gabi.

Aabutin ako ng alas Otso.

Bagu ko matapos ang tatlong pabalik balik sa buong contractors camp.

Maaliwalas na hapon iyon.

Habang naglalakad ako paikot sa compound.

Hindi ko mapigilang sipatin ng tingin ang gwapong bagets.

Isang bagong gwardiyang Arabo sa katabing kampo namin.

Mga anim na talapakan ang tangkad.

Bilog at mapupungay ang itim niyang mga mata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TOYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon