Chapter 2

48 2 0
                                    

Sabado ngayon kaya, tanghali na akong nagising. Pumunta ako sa c.r. at naghilamos, nag-ayos narin ako.

Bumaba ako, nakita ko sina kuya at si Yumi sa salas. Di ako napansin ni Yumi, busy sa kakakalikot sa cellphone nya. Si kuya naman, umalis at nag-puntang kusina. Dumiretso ako kay Yumi na hanggang ngayon busy sa kakakalikot sa cellphone nya.

"Yumi." Sabi ko.

"Oh, gising kana pala, Angel." Sabi nya.

"Wait lang ha, punta lang ako sa kusina." Sabi ko.

***

*Ding dong...*

Nandito kami sa sala namin. Kasama ko sila mama at papa, pati rin si kuya...

“Anak... Isaiah... Paki tignan kung sino yung nag bell..."

"Yes, Mom."

"Faster!"

"Mom ako nalang." sabi ko.

"Sige nak."

Pagka-dating ko nakita ko si ate Celine. Omg! Si ate Celine ba talaga nakita ko? Oo di ako nagkakamali...

"Angel? Okay ka lang ba? Parang nakakita ka ng multo? Naka-awang pa yang bibig mo... Baka pumasok ang langaw..."

"Ate, na-miss kita!" yun lamang ang lumabas sa bibig ko.

"Angel, nagagandahan ka nanaman saakin. Haha."

"Hindi no. Mas maganda kaya ako. Haha."

"Sige pumasok na tayo sa bahay nyo. Teka andyan ba si kuya mo?"

"Ay meron ate."

Triplets and IWhere stories live. Discover now