EVERYTHING IS MEANINGLESS

845 44 25
                                    

DISCLAIMER : THIS IS A WORK OF FICTION. NAMES, CHARACTERS,BUSINESSES,PLACES,EVENTS AND INCIDENTS ARE EITHER THE PRODUCTS OF THE AUTHORS IMAGINATION OR USED IN A FICTITIOUS MANNER. ANY RESEMBLANCE TO ACTUAL EVENTS IS PURELY COINCIDENTAL.

SOME NAMES THAT I USED IN THIS STORY ARE BORROWED FROM JFSTORIES(JAMILLEFUMAH). I MAY HAVE CHANGED SOME IDENTIFYING CHARACTERISTICS AND DETAILS SUCH AS THE CHARACTERS PHYSICAL PROPERTIES,OCCUPATIONS AND PLACE OF RESIDENCE.

***

Hindi ako makahinga.

"Tumawag kayo ng ambulansya"

Naririnig kong nagkakagulo ang lahat ng tao. Dinilat ko ang aking mata. Liwanag ang bumungad. Agad ko din itong pinikit. Nang nakarekober na ako sa nakakasilaw na liwanag ng araw. Umupo at agad siyang hinanap ng aking paningin.

'Asan ka France?'

Maya maya lang ay may apat na kalalakihan ang bumaba sa bangka,bitbit ang isang lalaking walang malay.

Tumayo ako,hindi ininda ang nagdurugong sugat sa binti.

"FRANCE!!"

Binaba nila ang katawan nito sa buhangin.

Umupo ako at inilagay ang kanyang ulo sa aking hita.

"France gising"

Pakiusap ko habang tinatapik ang kanyang pisngi at niyuyugyog.

Pinakiramdaman ko ang kanyang pulso. 'Hindi tumitibok'

Agad kong isinagawa ang CPR.

"France,please. Idilat mo ang iyong mga mata"

Nagsimula ng uminit ang sulok ng aking mata. Nanlalabo na aking paningin.

'NO!!!'

Hindi ko itinigil ang pag pump sa kanyang puso.

Nang dumating na ang medic. Hindi ko pa rin siya tinitigilan.

'Hinding hindi ako mapapagod sayo,love'

Pinalayo nila ako sa kanya.Sinakay siya sa ambulansya.

Tumingin sa akin yung babaeng nagche check sa kanya. At umiling ito.

Hindi ko na nakayanan. Nag uunahang bumagsak ang aking mga luha.

Hanggang sa dumilim ang paligid at nawalan ako ng malay.

Holding hands..
Mahal na mahal kita ,Love...
Vacation...
Bangka...
Alon...
France...

Naimulat ko kaagad ang aking mga mata.

'France'

Sana hindi na lang ako nagising

'Love, sama na lang ako sayo'

---

Ilang linggo na ang nakakaraan ng inilibing si France. Pero para sa akin, parang kahapon lang iyon. Masakit pa rin. Kailan man ay hindi makakalimutan,my greatest love. 4 years. 4 years niyang ipinaramdam sa akin na ako ang pinakamagandang babaeng nakilala niya next to her mom and her sister. Pero ang 4 years na yun ay parang bulang biglang naglaho. Kinuha agad siya sa akin ni God.

Noong unang linggo ng siya ay nakalibing.Natanong ko si God kung bakit siya pa? Bakit pa yung nag iisang taong nagmahal sa akin ng lubos? Na kahit ang sarili kong magulang ay hindi pinaramdam sa akin yun, tanging siya lang. Naisip ko rin nun na sumunod sa kanya pero kapag gagawin ko na, ngiti niya ang nagf-flash sa utak ko. Hindi siya magiging masaya kung susundan ko siya.

Everything Is Meaningless #JFanFicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon