Maaga nagbihis para pumasok si Chard upang maabangan niya ang paglabas ni Jellai at maisabay niya ito sa pagpasok, bahagya niyang ipinarada ang kotse niya upang magmukha itong kalalabas lang sa gate nila
Hindi naman nagkamali ang binata ilang minuto lamang ang nakaraan palabas na si Jellai sa bahay nila, sinimulan ng paandarin ni Chard ang makina ng sasakyan niyaSakto kabukas ng gate ni Jellai asa harapan na si Chard, nagkunwari ang binata na kalalabas lamang nito ng bahay at sumakto lamang sa kalalabas na dalaga
"Sumabay kana.." anyaya ni Chard na walang bakas ng emosyon
hagya man nabigla si Jellai nginitian niya ang binata tanda na hindi na ito galit sa kaniyaSumakay sa front sit ang dalaga, dito napansin niya ang gasa na nakabalot sa kamay ng binata
"Uhm napilaya ka pala?" Pag-alala ni Jellai sa katabi "kaya mo ba magmaneho?" dugtong na tanong nito
"Isang kamay lang to" wala parin ekspresyon na sabi ni Chard sa kababata
Hindi na kumibo si Jellai, papaandarin na ni Chard ang kotse ng bigla ito tumirik, nagtataka na bumaba ang binata para tignan ang problema, sumunod naman ang dalaga
"Hehehe! Sira ata boss" biro ni Jellai kay chard
Hindi sumagot ang binata ipinagpatuloy nito ang pagtingin sa kanyang kotse
"Chard medyo oras na tayo baka matagalan yan? Lakarin nanatin ang school?" Ani Jellai
Naisip ni Chard na tama si jellai lalo.di niya malaman ano problema ng kanyang sasakyan, naisip nalamang ng binata na gamitin nila ang kanyang bisikleta
Dali dali inilabas ni Chard ang bisekleta at sinabi sa ina niya na nasira ang kanyang kotse at nakaharang malapit kina Jellai
Ngunit napansin ni Jellai na mahihirapan ang binata magmaneho kung bisekleta ang kanilang sasakyan
"Ako na magmamaneho boss" prisinta ng dalaga
Nagaalangan man si chard wala siyang magagawa kundi sumang ayon dahil sa lagay ng kanyang kamay ginawa ng binata pumuwesto siya sa likuran na siya namang sakay ni Jellai sa haraoan
"Sigurado kaya mo?" Tanong ni Chard
Tumango lamang ang dalaga saka na niya pinadyakan ang pedal ng bisikleta
Medyo nag aalangan humawak sa bewang ni Jellai si Chard, nag dadalawang isip kumapit ang binata
Hindi alam ni Chard napapansin siya ni Jellai sa salamin ng Bisikleta, kitang kita ni Jellai ang dilemma ni Chard, kung kaya sumumpong ang kapilyahan ng dalaga
Binilisan niya ng bahagya ang pagpedal sa bike kung saan may humps na nadaanan kung kaya nabigla napayakap si Chard sa likuran ng dalaga
BINABASA MO ANG
Yup! I Am That GIRL (BESBROTHERS: book 1) complete
RomanceSiya si Jellai, dahil nabibilang siya sa grupo ng sikat na lalaki sa kanilang school walang makalapit sa kanya upang manligaw, hindi dahil sa TOMBOY siya kundi takot silang banggain ang BesBrothers na kilalang walang sinasanto sino man Siya ang prin...