Chapter 6 ( Jealous )

7 3 0
                                    

BLAIRE's POV

       Andito na ako ngayon sa bahay. Bat hindi ako mapakali. Hayyyy

    " Ano ba paki ko sayo Wayne, wala akong paki kahit na magka anak kayo ni Easter. Ang ayaw ko lang naman ay sa dinami dami ng pwede mong maging girlfriend si Easter pa. Tss that charcoal." Sabi ko

     " Anak sino kausap mo diyan " sigaw ni Nanay

    Hindi ko siya sinagot kunwari tulog ako. Tumakbo agad ako sa kama ng makarinig ng footsteps na papalapit.

     Aray!!!! Nadapa ako. Bat ba may pakalat kalat ditong unan at wasak pa.

  ( Brain: Blaire yan yong sinira mo kanina habang may iniisip)

    Ay oo nga pala. Hayaan na nga yan.

   *Tok*tok*tok*

   "Anak gising ka pa ba?" Tanong ni mama sabay bukas ng pinto.

  (sigh) "Tulog ka na pala" sabi niya sabay lapit sa akin at kinumtan ako.

***************
Andito ako ngayon sa Headquarters upang mag ensayo. Papunta ako ngayon sa gym.

     Mag sisimula pala akong humakbang ng may makita ako. Si Easter at si Wayne naghahalikan. Biglang uminit ang pakiramdam ko. Feeling ko sasabog na mukha ko.

    Teka bat ba ako nagagalit. Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso sa paglakad. Wala akong paki alam.

     Pagdating ko sa gym agad kong pinuntahan ang punching bag at yon uli ang pinagtuunan ng pansin.

  "Wala akong paki alam" paulit ulit kong sabi

     "Oo na wala ka ng paki alam" sabi ng isang boses

    Paglingon ko ay si Khyle na naman ano bang ginagawa niya dito ba't palagi nalang siyang sumusulpot.

    "Bat ka nanaman nandito?" Iritang tanong ko.

    "Bakit nga ba?" Tanong niya pabalik

Tanga ba toh diba tinanong ko siya kong bakit siya nandito tapos ang isasagot sa akin ay tanong rin. Hayyyy

   "Bakit nga?" Sigaw ko

   " Masama bang mag alala ka sa kaibigan mong paulit ulit na sinasabi ang 'wala akong paki alam' na parang sinasapian at parang mamamatay na rin ang punching bag sa kakasuntok." Sabi niya

    Teka kaibigan wala naman akong natandaan na may kaibigan ako.

  "Sinong kaibigan?" Tanong ko

  "Ikaw?" Sagot niya

"For your information wala akong kaibigan" sigaw ko

    "Sa ayaw at sa gusto mo kaibigan na kita." Sabi niya

   " Ehh pano tayo magiging magkaibigan kong nong isang araw palang tayong nagkakilala? " Sigaw ko

   " Bat ba ang hiLig mong manigaw. Wqla akong paki kong isang araw palang tayo nagkakilala. Basta sa ayaw at sa gusto mo pwends na tayo" sabi niya
    "Sino ka ba para sabihan ako ng ganun. Ako ang master dito kaya ako ang masusunod " sigaw ko

     " Ako si Khyle my friend" sabi niya

     Ini inis talaga ako ng taong ito. Grrrrr

    " Hayaan mo pagnaging kaibigan mo ako tutulungan kita sa lahat ng problema mo. At i swear walang sikreto." Saad niya

    Parang magiging mabuting kaibigan naman siya. Kaya ok

  " Ok " saad ko

  " Thanks friend " sabi niya

***After 1 hour*****

   "Sige uwi na ako pagpapa alam ko sa kanya" pa alam ko

   "Sige friend ingat ka gusto mo hatod na kita" saad niya

   "Naku wag na nakakahiya. Sige una na ako" paalam ko ulit.

    Nang nandito na ako sa Comfort Room ay may narinig ako.

   "Wayne can i have a kiss" sabi ng malandi na si Easter

  Dahil sa sinabi niya umakyat na naman ang dugo ko sa ulo ko.

   " Yes, why not " sabi ni Wayne.

  Grrrr. Hindi ko na napigilan kaya pumasok ako sa loob ng cr at hinanap sila. Nang makita ko sila agad kong hinawakan ang buhok ni Easter at hinila ito. Tapos dahil sa sobrang galit binunot ko ang baril kong nakasabit sa bulsa ko at tinutok kay Easter.

  " Blaire stop it " sigaw ni Wayne ngunit parang bingi ako at pinaputok ang baril sa ulo ni Easter.

   " Blaire look what you've done" sigaw ni Wayne

    " Oo binaril ko siya. Kasi sa tuwing naririnig ko kayong naghaharutan umaakyat lahat ng dugo ko." Sigaw ko

   " Wala kang paki alam kong magharutan kami kasi hindi naman kita GIRLFRIEND o kahit ASAWA man lang. Hinding hindi kita magiging GIRLFRIEND o kahit na ASAWA." Sigaw niya

    Ano raw

  " Nooooooo!!!!!!!" Sigaw ko

    " Anak gising binabangungot ka ata

    Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang boses ng nanay. Hayyy it was just a dream. At bakit ako  sumigaw ng No ng sinabi ni Wayne na kahit kailang hindi ko siya magiging girlfriend o asawa man lang ano ba paki ko.

   *SLAP*

   Aray ang sakit

"Anak ba't ka natulala hoy" sigaw ni mama

    "Ma buhay po ako kaya wag niyo akong sampalin" sigaw ko

   ( Kurot sa singit )

    "Aray" sigaw ko

  "Wag mo akong sigawan ina mo ako." Saad niya.

Invisible AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon