Glenny Scott

2.3K 43 4
                                    

*awwwwwooooooooo!*






Background epek yan sa cemetery kung saan ginawa ang aking Halloween Photoshoot. Ugh! Nakakatakot dito promise, kailangan ba kasi totoong libingan ang makita sa magazine?

Magaling naman sila mag-edit e. Waaaahh 😱😱 nakaupo ako ngayon sa isang ewan ko kung ano 'to. Hindi ko na mailabas ang fierce ko dahil takot na takot na talaga ako sobra.

"Ano ka ba Glenny!" Inis na sabi ni Jaz.

Sya ang photographer slash manager ko, e nakakatakot na kasi! I can't even 😞 Hindi ko na kaya.

Sa sobrang inis ni Jaz ay ipinatigil na muna nya ang shoot. Nagpunta ako sa tent para magpa-kalma, gabing gabi na kasi. Kahit sabihin nating may mga kasama ako, iba pa din talaga yung kilabot na nararamdaman ko.

"Naiihi ako." Sabi ko kay Lira.

She is my hair stylist, sinamahan nya ako sa dulong part ng sementeryo kasi nandoon ang CR. Aaahhh, gusto ko nang umatras pero ihing-ihi na ako.

Okay, magtatapang-tapangan na lang ako. *doors open itself* aaahh! What the hell?! Sobrang higpit ng kapit ko kay Lira.

Nandito na kami sa CR, may ilaw naman at malinis kaso nakakatakot talaga. Pagpasok ko, may kakaibang hangin na dumampi sa aking balat. Shocks!

"Lira." Sabi ko.

Hindi sya sumasagot, oh no! *blag!* *doors open* *faucet open*

"Lira!!" Malakas kong sabi.

Oh no, I'm gonna kill that woman! Nakuha pa nyang manakot, pagtapos kong umihi ay nagmadali na akong lumabas.

Pagbukas ko ng pintuan ay may tumambad sa aking lalaki, isang napaka-gwapong lalaki. He's smiling at me at inilahad nya ang kamay nya, I don't want to do.

"P-part ka ba ng shoot?" Tanong ko.

Ngumiti lang sya, okay. Nakipag-shakehands na lang ako sa kanya.

"Ako si Mark Lorenzo." Sabi nya.

Aww, I love his name. Naupo muna kami sa isang tabi, hinihintay ko din kasi si Lira e. Bwisit talaga yun! Buti na lang may kasama ako, and ganitong oras talaga sya nagtatambay at dito pa sa sementeryo?

I can't stop staring at him kasi nakaka-attract ang mukha nya.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Nagbabantay." Matipid nyang sagot.

BANTAY? Ganyang kagwapo bantay? Oh c'mon baby sumama ka sa akin at gagawin kitang hari.

"Talaga?" Nagtataka kong sabi.

Tumango sya at hayan na naman sya sa ngiti nyang nakaka-inlove. Medyo nawala tuloy yung takot ko.

"Pwede mo ba akong dalawin dito lagi?" Tanong nya.

"Ako talaga? Hmm, oo naman sige." Sabi ko.

Narinig ko ang mahina nyang pagtawa, ang cute talaga. Maya-maya ay narinig ko na ang pagtawag ni Lira, nagmadali na akong tumakbo para bumalik sa set.

My Scary Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon