~Crush~

45 2 0
                                    


Bakit pag nakikita ka ako'y natataranta
Puso ko'y parang nakawalang preso
Bakit ba ako nagkakaganito tuwing mga mata ko'y sayo nakatingin

Pakiramdam ko ay parang lumulutang sa ulap dahil sa tuwa
Pero ng makitang may kasama kang iba
Puso ko'y anong sigla
Puso ko'y anong saya

Parang wala ng pakiramdam na lumulutang sa ulap
Parang puso ko ay umiiyak
Mata ko'y dating nakatitig sayo ngayo'y umiiwas na ng tingin

Bakit ako naging ganito
Wala naman akong dapat ikaselos dahil wala namang tayo
Pero bakit ganun parang may tayo kung ako'y umiyak

Halos kailangan ko na atang maglagay ng drum sa tabi ko
Di ko na alam ang gagawin ko
Kung ako ba'y patuloy na lalapit sayo

Kung ako ba'y patuloy na kakausapin ka
O kalimutan nalang kita......

Mahirap kasi sa isang tao na makita ang kanilang hinahangaan minsan nga mahal na, na may kasamang iba halo halong emosyon ang sasalubong sayo kung ito ma'y mangyari sayo.....

🌈💓🌈💓🌈💓🌈💓🌈💓🌈💓🌈💓🌈💓🌈💓🌈💓🌈💓🌈💓🌈💓🌈💓🌈💓🌈💓🌈💓🌈💓🌈💓🌈💓🌈💓🌈💓🌈

Tula-TulaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon