Author: Hi! Welcome back to me. Yey! Hope you like it.
Hindi na rin naman siguro bago sa inyo, lalo na sa mga babae magkaroon ng sinasabing "Ideal Man", Yung tipo ng lalaki na gusto nyong ipakilala sa parents niyo ng may confidence at maipagmamalaki sa mga kaibigan.
But at times, dumarating tayo sa point na nagkakagusto tayo sa taong hindi natin inaasahan kasi ibang iba sila sa gusto nating tipo. Tulad ko, I end up liking someone opposite to what's my Ideal man looks like. Imbis na gusto ko ay mala Boy nextdoor ang datingan pero nagkagusto ako sa malapit nang matawag na Gangster, gusto ko yung lalaking walang beard dahil feel ko ang dumi sa mukha pero nagkagusto ako sa lalaking merong ganoon, gusto ko yung magalang, sino ba naman may ayaw sa ganon diba? Pero yung minahal kong lalaki never kong narinig na magsabi ng "po" at "opo" sa mga nakatatanda. Gusto ko yung walang pierce sa tenga pero meron siya. Take note: Tatlo pa.
Gusto ko yung malinis sa katawan pero may tattoos siya, at marami pang mga katangian ng lalaki na gusto ko pero wala sa katangian ng taong minahal ko.
Pero kahit ganon, I never asked God why. Kung bakit sa kanya tumibok yung abnormal kong puso kasi alam ko sa simula palang malaki ang magiging parte niya sa buhay ko.He is Iñigo Perez, The "Malapit na maging Gangster pero wala siyang Gang." Yung never kinausap ng Principal namin kahit sobrang dami na niyang gulo na ginawa sa campus, The Cheek and Gay magnet, siya yung tipo ng lalaki na ayaw mong makasalubong sa daan kasi feel mo sasama ka sa kanya once na yayain ka niya. Hahaha I hate this but it's true. Yan ang sabi sa akin ng mga kaibigan ko. Gwapo siya at very masculine ang posture niya pero sinasamantala niya kasi yung pagiging gwapo niya kaya nakakainis, hindi siya mabait. Period.
Sinabi ko sa sarili ko na never ko siyang magugustuhan kahit kunting infatuation man lang kasi ibang iba siya sa Ideal Man ko.Pero akalain mo yun? May nahigop ata akong napaka samang hangin at nalihis ang aking landas na tinatahak tungo sa tuwid na daan! Nagkagusto ako sa kanya! "Gaga ka Ecel! Lakas ng Amats mo!"
Bago ang lahat, I'm Ecclesiastes Kuan. Tao naman. Sabi ng mommy ko maganda ako so yes! Naniniwala ako, naniniwala akong sinungaling ang mommy ko. Hahaha joke. Syempre maganda ako. Period.
May nakilala akong lalaki na napakalaki ang naiambag sa pagkatao ko.Naglalakad ako papuntang 7/11 para bumili ng snacks dahil natrip-an kong mag movie marathon mag-isa at pasado alas onse na ng gabi.
I know, I know delikado lalo na't babae ako at wala akong kasama pero walang maka pipigil sa akin. Pagliko sa isang eskinita biglang namatay ang street lights ramdam kong may mga taong naglalakad palapit sa akin. At kung sinuswerte ka nga naman! Nakalimutan ko pang dalhin yung pepper spray at balisong ko, Patay ako nito. Sumalangit nawa ang kaluluwa ko. I kennat!
May sumipol nang isang lalaki at hinawakan ang aking kamay, hindi ko kayang manlaban dito dahil may matalim syang bagay na hawak at ang kaya ko nalang gawin ay magdasal.
"Dapat kasi di ka nag-iisa lalo na't gabi, sasamahan nalang kita baby". Bulong sa akin ng lalaking napakabaho ng hininga at naiiyak na ako! Naiiyak na ako sa baho ng hininga niya. Promise!"Maawa naman po kayo sa akin." Yan nalang ang nasabi ko sa kanya.
"Pwede na yang pulutan pare!" Dagdag naman ng isa pang lalaki. Dalawa na sila! I kennat! gusto ko pang magka boyfriend at mabigyan ng apo sila mommy! Wag naman sana tapusin agad dito ang kwento ko.Mula sa di kalayuan ay may marinig akong tunog ng motorsiklo na papalapit at itinutok nito ang ilaw ng kanyang motorsiklo sa amin. Sa wakas! Thank you Lord!
Bumaba ang matikas na lalaking ito sa kanyang motorsiklo at kami'y nilapitan hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa silaw na nanggagaling sa motor, "Bitawan nyo siya mga ulopong!" Sigaw niya sa mga lalaking to, teka? Pamilyar ang boses na 'yon! Tama ba ako ng hinala? Parang mas lalo akong mapapahamak sa bagong dating na lalaking to."Kami pang tinawag mong ulopong? G*go ka pala e!" Tugon ng isang lalaki at sinabayan ng suntok nito sa lalaking naka motorsiklo ngunit agad naman niya itong naiwasan at ginantihan ng suntok kaya bumagsak ito sa sahig.
Ang galing ng da'moves ni boylet! Parang sanay na sanay sa gulo! No wonder why.Binitawan naman ako ng lalaking may hawak sa akin kanina at sinugod rin si boylet kaso nakaiwas nanaman ito at sinipa niya sa mukha ang lalaki. Bumagsak din ito sa sahig.
Hindi ko alam kung magiging thankful ba ako dahil dumating itong lalaking naka motorsiklo at niligtas ako sa masasamang ulopong na 'yon o mas lalo akong mapapahamak dahil ang taong nagligtas sa akin ay si Iñigo Perez. Kasi baka pagkatapos niya akong iligtas ay siya na ang makikinabang sa akin, ganon! O di kaya ipalapa niya ako sa mga aso niyang bulldog kasi balita ko meron siya nun. Pwede ring ibenta niya yung lamang loob ko o kaya kunin niya ang pagka berhen ko. I kennat! Wag naman sana."Tanga ka ba? Lakas ng loob mong lumabas ng bahay mag-isa ngayong gabi na."
So ayon! Tanga nga ata ako? Wag naman sana ako lamunin ng nilalang na 'to.
"salamat." Tugon ko na lamang. Alam kong anlayo ng sagot ko sa sinabi niya. Sabog na ata ako? Tanga at sabog dahil napaka pabaya ko sa aking sarili at basta basta na lamang akong lumabas ng bahay. Wala e, nangyare na."Salamat mong mukha mo! Umuwi kana bilis!". Teka? kilala ba ako nitong si Iñigo Perez? Kung makapag utos sa aking umuwi na ay masahol pa sa nanay ko e.
"Umuwi mong mukha mo. Pupunta akong 7/11, di ako uuwi!" Halata sa mukha niya ang pagka inis at lalo pa akong nilapitan at hinawakan ng mahigpit ang aking braso.
"Hindi sa lahat ng oras may mapapadaang tao rito at tutulungan ang mga kagaya mo. Maswerte ka lang at nagawi ako sa daang 'to kaya umuwi kana."At sa oras na iyon, doon kumabog ng malakas ang aking dibdib at sa di ko malaman na dahilan nag-iba ang tingin ko sa akala kong napakasamang tao na kilala ko. Iñigo Perez is not a bad guy at all
BINABASA MO ANG
Remember Me, Iñigo Perez
RomanceIts really hard to guess why... Why a person suddenly changed, Why he pushed me away Why he don't care at me anymore Why he don't love me like he used to. But at last, His letter reminds me of him forever.