Bumalik ako sa bahay ng tahimik at walang kibo. Naaalala ko parin yung nangyari kanina at ang napaka among mukha ni Iñigo habang sinasambit ang mga salitang iyon. Halata sa mukha niya ang pag aalala.
I never expect him to be like that kasi ang pagkakakilala ko talaga sa kanya ay napaka negatibo.
---------------Pagpasok ko sa Room ay sibalubong agad ako ng dalawang hindi ko kilalang mga tao. Tao nga ba? Hahaha
"Ecclesiastes! Oh my God! Buhay ka, buhay ka nga!" Gulat na gulat na sabi ni Jemaimah at sabay himas pa sa aking mukha.
"Ecclesiastes! Okay ka lang ba? Hindi ka naman ba nasugatan, nagka pasa o kung ano man?" Dagdag naman ni Jeremiah.
Masyado silang OA sa pambungad nila sa akin. Ganyan talaga kapag tunay mo silang kaibigan. Bestfriend ko sila since kid at the same time pinsan ko rin sila, they're Fraternal twin, naunang lumabas si Jemaimah bago si Jeremiah and they are both female. (kadalasan kasi ang name na Jeremiah ay panlalaki)
"Muntik na nilang tapak tapakan ang pagka-babae ko, ang pagka-berhen ko, at kung anu-ano pa ang ginawa ng mga lalaking yon sa akin." Mangiyak ngiyak kong tugon sa dalawa at sabay takip ko sa maseselang parte ng katawan ko. halata naman sa kanilang mukha ang pagka lungkot at naiiyak na rin. Kahit kelan talaga uto-uto itong mga pinsan ko. Hahahaha!
"Buti nalang at niligtas ka raw ni Iñigo, o si Iñigo ang gumawa nun sayo?" -Jeremiah
"Oh my God! I can't breathe! Asan na yang Iñigo Perez na iyan at ipapalapa ko siya sa leon ko!" - Jemaimah
"Hoy wala kang leon! Rabbit ang meron ka, rabbit." - Jeremiah
Pinipigilan kong matawa sa usapan ng dalawang to.
Paano kaya nila nalaman ang nangyare sa akin kagabi?"Joke lang. Ano ba kayo, muntik na akong mapahawak buti nalang dumating si Iñigo at tinulungan ako."
Pagpapaliwanag ko sa kanila at nakahinga na rin sila ng maayos.
"Paano niyo pala nalaman ang nangyari sa akin?""Kalat na kaya sa Campus yung nangyare sayo at yung pagsagip ni Iñigo sa buhay mo." - Jeremiah
"Oo nga, Knight and Shining Armor mo nga raw siya e. Nakakakilig!" - Jemaimah
What? Paano nangyaring kumalat yon sa campus? Sa pagkakatanda ko wala naman akong napagsabihan nun e.
At pumasok bigla sa isip ko si Iñigo. tama! Malamang siya ang may dahilan nito, siguro ipinag mamalaki niyang niligtas niya ako sa mga masasamang tao na yon. Proud na proud ata siya sa sarili niya! Gadd! Siguro gusto niyang ma- acknowledge siya sa ginawa niyang kagitingan. Asar ha!
-------------Habang lumalakad kami nina jemaimah at jeremiah papuntang Cafeteria ng school ay pansin kong pinag titinginan ako ng mga taong nasasalubong namin at nag bubulungan pa. Hindi halatang ako yung pinag-uusapan nila. Hays.
Pagpasok namin sa Cafeteria ay siniko ako ni Jemaimah at binulungan na nandito daw si Knight and Shining Armor ko sabay turo niya sa gawing kanan at pagtingin ko roon ay nakatingin rin siya sa akin.
Watdapak! I Kennat! Nginitian niya ako ng parang may kakaibang kahulugan at tumayo siya sa kanyang kina uupuan at lumapit sa akin.
Laking gulat naman ng kambal sa ginawang iyon ni Iñigo at ako'y kanyang dinala sa counter."635 daw lahat." Sambit niya sa akin at may napaka laking ngiti na binitawan. Nagtaka naman ako sa sinabi niya, anong meron sa 635? Aanuhin ko yun?
"Oh? Tapos? Sunod sa 635 ay 636 na tapos 637." Sagot ko na lamang sa kanya. Clueless kasi ako kung anong ibig niyang sabihin e, baka pinapabilang niya ako? Kahit papano ay marunong naman akong magbilang ha! Grabe naman to. Savage.
Pinipigil niyang matawa sa mga sinabi ko. " Tawa ka diyan? Bakit, akala mo ba hindi ako marunong magbilang. How dare you!" Pagtataray ko sa kanya. Ganon talaga lagi ano? Pag galit at nagtataray ang isang tao ay napapa english bigla. Hahaha"Stupid. Hahahaha" Tawang tawa niyang sabi kasabay ng paghampas hampas niya pa ng kanyang kamay kakatawa.
Stupid daw ako, kagabi sinabihan niya akong tanga tapos ngayon stupid na. Umasenso sa buhay at naging English na yung mura niya. Gigil.
"Ang ibig kong sabihin, 635 pesos ang total ng nakain ko ngayon, so Ikaw ang magbabayad non. Gets?"Watdapak? Yun na yon? Yun yung minimean niya kanina pa? Ang stupid ko nga grabe. Ba't di ko nagets agad. Pakahiya ako.
"Wow ha! Ano yan? In return sa pag sagip mo sa akin kagabi ay ako ang magbabayad ng kinain mo ngayon? Ang galing." Wala manlang siyang pasabi na may bayad pala ang pag sagip niya sa akin edi sana hinayaan ko nalang na magalaw ako ng mga taong yon. Pero joke lang.
Wala akong choice kundi bayaran nalang ang mga kinain niya."W--wait! Hey ate, nasama mo na ba pati yung total na kinain ng mga kaibigan ko doon?" Sabay turo niya sa kanina niyang inuupuan at nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong mesa na napaka raming nakalagay na pagkain sa ibabaw.
Ginawa nanaman niya ang ngiting nakaka loko.
And that's it! Alam ko na to e, pati iyon pinapabayaran niya sa akin. Balak niya atang ubusin ang laman ng wallet ko ngayon. Parang gusto ko nang bawiin yung sinabi kong mabait siya.
Babawiin ko nalang.Bumalik na siya sa mesa nila at nakipag hand shake naman siya sa mga kaibigan niyang tawa ng tawa sa ginawa sa akin ni Iñigo. Anlakas ng trip nila. Muntik ko nang di kayanin.
Ibang iba ang Iñigo na nakausap ko kagabi, sa Iñigo na kaharap ko kanina lang.
Akala ko ay matino na nga talaga siya, pero bakit ganito ang inaasal niya ngayon? Nakakainis lang dahil akala ko talaga mali ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanya pero bakit parang totoo? Ano ba talaga Iñigo Perez?

BINABASA MO ANG
Remember Me, Iñigo Perez
RomanceIts really hard to guess why... Why a person suddenly changed, Why he pushed me away Why he don't care at me anymore Why he don't love me like he used to. But at last, His letter reminds me of him forever.