Kinghill University

1.3K 40 4
                                    

© All rights reserved.

*************

"But, Mom!" agad kong angal dahil sa sinabi ni Mommy.

"No buts, anak. You will attend Kinghill University from now on and that's final!" she said with an authority voice.

Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa 'to. I mean, why the hell would I attend that hellish kind of a school! I heard some rumors about that school. It says that it's a school which killing is the only way you'll breathe. Like wtf? May ganon bang skwelahan?

"And also, it's a boarding school kaya pack your things. You're going there early in the morning tomorrow." malamig na sabi ni Mommy.

Ugh! I hate my life!

Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango at lumabas na ng opisina ni Mommy dito sa bahay. Dumiretso na ako sa kwarto ko at ginawa ang sinabi niya.

Habang nag-iimpake ay hindi ko maiwasang hindi maalala ang nakaraan. It's been almost 6 years since nagbago si Mommy. It was the time when Dad and Andrew....died. The police said na it was just a car accident but Mom and I both know na it was more than that.

It was Andrew—my twin brother—and I's 10th birthday. Sumabay ako kay Mommy kaya nauna akong nakarating sa event kung saan gaganapin ang birthday party while naiwan naman sila Dad at Andrew. Excited na excited ako non kasi sa wakas two digits na ang idad ko. At that time, I feel like I was old enough to drive or hold a gun. Yes, I was that kind of girl. Boyish ako at mas mahilig ako sa mga baril at sasakyan. Akala ko matutupad na ang wish ko pero may nangyare. Nabalitaan nalang namin na.... Naaksidente si Dad at Andrew. And since then, my kind hearted and loving mother also died. Naging cold na si Mom at palagi siyang busy sa business namin. At doon na din nagsimula ang aking pagiging rebellious.

Sa wakas, pagkatapos ng ilang oras ay natapos na din ako sa pag-iimpake. Naligo na ako at nahiga sa kama ko. Minutes later, nakatulog na ako.

"Lady Astrid?" nagising ako sa isang boses ng babae.

"Hmm..."

"Ma'am? Gising na po, maaga pa po kayo aalis papuntang Kinghill Univer—"

As if on cue ay nagising ako at bumangon agad. Sinulyapan ko ang wall clock ko at nakitang mag-aalas sais na pala. Agad akong nag-asikaso sa sarili ko bago lumabas ng kwarto.

Naka-all black ako ngayon as usual. Black strap shirt, black leather jacket, black ripped jeans and black boots. Nakalugay lang ang buhok kong medyo curly sa baba.

Bumungad sa akin ang isa sa mga katulong namin. Mukhang nagulat ko ata siya da biglaang pagbukas ng pinto kasi napaatras siya bigla. I smirked. Tss.

"L-Lady Astrid.. N-Nasa baba na p-po yung m-maghahatid sa i-inyo." nauutal niyang sabi. Tumango ako.

"Kunin mo yung maleta ko sa loob tapos bitbitin mo sa labas ha?" malamig kong sabi. Agad naman siyang tumango at nagmamadaling pumasok sa kwarto ko.

This is my life. Lahat ng tagapagsilbi sa amin ay natatakot sa akin. Kahit hindi naman ako galit pero natatakot pa din sila. I wonder why....

Nakita ko si Mommy na nakikipag-usap sa driver na hahatid sa akin. Kumunot ang noo ko.

"Good morning, Mommy." I smiled sweetly. Nilingon naman ako ni Mommy at saka nung driver na agad na nagbow sa akin.

As expected, walang emosyon ang mukha ni Mommy habang nakatingin sa akin.

"Ah! Bakit ka nga pala nandito pa, Mom? I mean, you're usually at work in this hour." tanong ko as I glanced at my wrist watch. It's 7:15 am.

"It's none of your business, Astrid. Anyways, you should get going. Hinihintay ka na ni Mr. Alfonso doon." malamig niyang sabi at nilagpasan ako.

Nagbuntong hininga ako. Oh well. Sumakay na ako sa sasakyan ng makita kong nandito na din yung katulog bitbit ang mabigat kong maleta. Kitang-kita kong hirap siya but I ignored it. It's her job anyway.

Ilang sandali lang ay umalis na kami. Habang nagba-byahe ay napaisip ako.

I wonder what will happen to me later? Can I survive that school?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 30, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kinghill University √ Where stories live. Discover now