Pearl's POVKanina pa'ko inaantok dito sa prof namin na'to tss hate na subject ko kasi talaga yung history eh,ang boriiiing! pero wala tayong magagawa,kailangan kong pagbutihan pag aaral ko,sayang naman kasi tong opportunity na'to kung sasayangin ko lang diba?
Riiiiiiiiiing!!!!
hay salamaaat! kanina pa ko nagugutom huhu.nilapitan na ako agad ni sophie after a months mas naging close kami sa isa't isa, mas nakikita ko sa kanya na totoo sya,hindi yung plastik hmp di sya yung tipo ng kaibigan na kilala ka lang kapag may kailangan sya,nakaka inis kaya yung ganun!kapag kasi may kaibigan akong plastik nirerealtalk ko agad ayoko na palampasin kasi napupuno na ko hehe.
"Oh pearl ano oorderin natin?" tanong nya, nasanay na yan si sophie eh gusto nya kasi lagi kami pareho ng binibili sa canteen haha pero syempre kkb yoko namang magpalibre sa kanya baka sabihin nya namumuro na'ko.
"oh weyt! nakalimutan ko,ako pala magdedecide ngayon,ikaw kahapon eh haha"-sophie, nga pala salit salitan kami kung sino magdedecide ng bibilhin namin.
"oh sige ano? yung mura lang ah"
"hmmm, pizza,fries and mango shake"
"ahm sophie fries tsaka mango shake nalang siguro sakin"kulang money ka haha.
"okay sagot ko nalang pizza mo okay?"
ayan na naman sya psh."Pero sophie-"
"wala nang pero pero sagot ko na hahaha!"
aba'y tawang tawa ang bruha.hahaha sanay na kami nyan mang asaran eh di na kami naiilang sa isa't isa,minsan tawag ko dyan bruha,bruhilda,bakulaw hahaha."oh para kang timang jan pearl, anong nginingiti ngiti mo dyan?
"ah wala may naalala lang ako"
"ano naman yun?"
"chismosa? haha sge na nga ano kasi naalala ko.."
"ano nga!? muntanga" :<
"naalala ko ang qt ko pala HAHAHA"
sophie ~_~
ako ^o^"hay nako perlas ng silangan ikain mo nalang yan tara na nga!"sabay hila sa'kin. nung problema nito? qt ko naman talaga ah tsk tsk.
FF
"Maaaaaa!!!"pag uwi na pag uwi ko ay hinanap ko kaagad si mama ewan ko kanina pa kasi ako kinakabahan eh.parang may nangyaring masama.pero sana naman wala.
"ate?"-drei.halata ang lungkot sa tono ng boses nito.teka lechugas lalo akong kinakabahan ah.
"drei may problema ba? may nangyari ba? si mama? ano sabihin mo sakin!" nasigawan ko na si andrei.kinakabahan kasi talaga ko tsaka kanina ko pa hindi nakkkita si mama.
"s-si mama ate n-nasa hospital sinugod sya kanina nila aling susan.kasi bigla nalang hinimatay si mama ate pinaiwan nila ko dito para sabay na daw tayo pumunta dun"
tang*na. di ako madalas magmura pero lord wag mo papabayaan si mama please.Di na ko nagsalita pa, sa halip ay hinila ko na agad si andrei para sumakay sa jeep,wala na kong pakealam pa kung naka uniform pa ko ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay magdasal.pagbaba namin ay dumiretso na ko agad sa hospital.
"nurse san po ang room ni mrs.mildrelyn alonzo"
"room 209 po mam second floor"
"okay salamat"
pumunta na agad kami sa room 209 naabutan ko agad sila aling susan. nakaupo.
"oh pearl andito ka na pala,di ako nakapagiwan ng pagkain sa bahay tawagan mo nalang ako kung ano nangyari o may kailangan kayo ah?mauuna na muna ko"
"sige po salamat"
lord please kunin nyo na lahat sa'kin wag lang yung mga taong mahal na mahal ko. please papagod nagmamakaawa ako. si mama po yan eh,sya po yung lakas namin ni andrei, lord parang awa mo na T_T
"family of mrs. alonzo?"di ko namalayan lumabas na pala yung doctor.
"anak po nya kami"
"okay ang inyong ina ay mayroong sakit na kung tawagin ay chronic obstructive pulmonary disease o COPD"
"D-doc ano pong ibig sabihin ng sakit na yan? malala po ba yan? gagaling pa naman si mama diba?" gagaling sya,gagaling sya.
"ang COPD ay isang sakit sa baga kung saan ang pasyente ay nahihirapang huminga gamit ang kanyang sariling lungs."
"ano po ba dapat gawin doc para mawala yung sakit ni mama? gawin nyo po lahat please"
"kailangang maoperahan sa baga ang mama mo pero iha napakamahal ng bayad nito at karamihan sa mga naooperahan sa lungs ay namamatay pero meron ding nabubuhay, dipende yan kung kakayanin ng pasyente pero kung di sya ooperahan may pisibilidad na lumala ang sakit nito at maaari nya itong ikamatay."sh*t!
"sige po doc operahan nyo po si mama gagawa po ako ng paraan para makapgbayad sa inyo kakayanin po yan ng mama ko malakas po sya, nagtitiwala po ako sa panginoon.
"sige gagawin namin ang operasyon bukas ng gabi para makapagusap muna kayo"
at umalis na si doc,agad naman akong pumunta sa kwarto ni mama, mahimbing syang natutulog habang naguusap kami ng doctor kanina ay pumasok na pala si andrei dito at ngayon ay tulog na."anak?"nagising na si mama thankyou lord pero may pagsubok pa, alam kong pagsubok lang ang lahat ng ito.
"m-mama? kamusta na po kayo? may masakit po ba sa inyo?nagugutom po ba kayo?"
"anak, okay na ako wala nang masakit sa'kin halika na umuwi na tayo."
"ma may sasabihin ako, pero mangako ka na kakayanin mo mangako ka ma"
"oo anak nangangako ako ano ba iyon?"
di ko na mapigilan ang luha ko at tuluyan na akong umiyak T_T"ma bukas ng gabi ay ooperahan ka ng doctor dahil may sakit ka sa baga ma, gagaling ka ma diba? kailangan mo lang operahan dahil pag hindi ay lalo itong lalala at maaaring ikamatay ma,kaya please ma lalaban tayo ah? diba ihahatid mo pa ako ulit sa stage? susuotan mo pa ko ng medal diba ma?"
"p-pero anak wala tayong pera,hayaan mo na magaling naman na ako eh"
"ma may pera ako may trabaho na ako ma at malaki ang sweldo ko okay? sige na ma magpahinga ka na"sa ngayon ay kailangan ko munang magsinungaling kay mama kasi baka mapasama pa sa kanya kung lalo syang mag aalala.kailangan ko nang maghanap ng trabaho,ayokong mawala sa'min si mama AYOKO.
"ahm hello sophie?"*sniff.
"oh maygad beshie bakit ka umiiyak? may problema ba? ano sabihin mo sakin pupuntahan kita jan"napaka maalalahanin talaga si sophie napaka caring nya. masasabi kong isa syang mabuting kaibigan.
"sophie pwede ka ba bukas? samahan mo ko maghanap ng trabaho, nasa hospital si mama ngayon may sakit sya sa baga at kailangan nyang operahan."
"ohmaygad pearl,wag ka na maghanap ako nalang magbabayad okay?"
"sophie ayoko, kailangan kong maging independent okay? ano pwede ka ba?" hindi pwedeng lagi nalang akong aasa kay sophie.
"sige besh see you tomorrow bye"
"bye thankyou"
-end
[A/N:sorry po sa mga typos sana po magustuhan nyo yung story kayo po ang inspirasyo ko bukod kay cps choss hahaha shout out kay princess joanna iloveyou be mwah!]
YOU ARE READING
"Accidentally Falling Inlove With My Boss"
Teen FictionMinsan sadyang mapagbiro ang tadhana. Yung akala mo kayo na pala para sa isa't isa pero hindi pala. Tapos may dadating.. Na mamahalin ka ng buo *Ang story kong ito ay tungkol sa babaeng nangangalang clouie pearl rivera na nahulog ang loob sa kanyang...