Ilang araw kanang di bumabalik sa music studio simula nung mangyari yun. Samantalang si Hyunsik naman ang ilang araw ng pabalik-balik doon umaasang makikita ka.
Malungkot ka pa din dahil sa nangyari. Nangako kasi ito at hindi niyon natupad. Buong akala mo ay mabilis ka na nitong makikilala kahit na ni minsan ay di pa niya nakikita ang iyong mukha.
Magtalik kayong magkaibigan, kaya malaki ang tiwala mo kay Hyunsik. Saka isa pa, kahit hindi niyo man aminin noon ay alam mong parehong kayong may nararamdaman para sa isa't isa noon pa man. Wala mang nagsasalita o nagtatanong kung ano ba talaga, alam niyong meron.
Isang araw, napansin mo nalang na dinadala ka ng iyong paa papunta sa music studio. Namimiss mo na ring tumugtog ng piano.
Naisip mo na sa huling pagkakataon, nais mong itugtog ang paborito niya.
____
May kung anong nararamdaman si Hyunsik na hindi niya maipaliwanag. Halos takbuhin na niya ang daan papunta sa music studio.
Parang may kung anong nag-uudyok sa kanya ba dapat niyang bilisan. Na may dapat siya maabutan.
Nang makarating doon ay dali-daling niya tinungo ang piano room.
Napahinto siya sa narinig. Sa loob ng kwarto, tinutugtog ang paborito niyang piyesa.
Agad niyang binuksan ang pinto at tinawag ang iyong pangalan.
____"Y/N"
Napahinto ka sa pagtutog. Alam mo kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
Bigla kana lang napaluha. Mas nangingibabaw ngayon ang pagkasabik mong makita siya kesa sa lungkot at pagkadismaya na nararamdaman mo kanina.
Tumayo ka mula sa pagkakaupo at saka humarap sa kanya ng naiyak.
"Hyunsik-ah" wika mo.
Para naging hudyat yun sa kanya. Agad ka niyang niyakap ng mahigpit. Maging siya ay umiiyak na rin.
Habang magkayakap ay hingi siya ng hingi ng tawad sa iyo. Wala ka namang ibang naisagot kundi mga hikbi.
Nang maramdamang kalmado kana ay inalis ni Hyunsik ang pagkakayakap sayo at maingat na hinawakan ang iyong mukha.
Tinitigan niya ang iyong mga mata,
Dinampian ng daliri ang ilong,
At saka isinunod haplusin ang iyong labi.
Tumungo siya at saka ginawaran iyon ng isang matamis at matagal na halik.
********** End **********
BINABASA MO ANG
Heart Serenade [One-shot]
Fanfiction✔ Completed This is a Fanfic or an AU of BTOB's Im Hyunsik. Hyunsik x Reader ang ganapan. Hope you enjoy, Melodies! 💙💙💙