Prologue

2.6K 64 5
                                    

DUMATING ng bansa si Jonas nang malaman ang sinapit ng kapatid na si Paul. Pati na ang muntikan ng pag-kagahasa na si Nadine. Hindi napigilan ni Jonas ang yakapin ng mahigpit ang dalaga ng makita itong tulala. Ang sabi ng mga doctor ay traumatic ito. Panay ang hysterical sa tuwing mawala ang visa ng gamot na pampakalma nito. Nagtama ang mata nilang dalawa at nakilala naman agad siya ni Nadine.

"N-nas," sabay tulo ng masaganang luha niya. Panay naman ang hagod ni Jonas sa likurang ulo ng umiiyak na dalaga.

"Shhh, baby tama na hwag kang umiyak ." Ang kaibigang si Lath ay hindi maka reklamo, ngunit naniningkit ang mga mata.

Sinalubong ni Jonas ng smirk na lalo pang ikinaasar nito. "Manigas ka sa selos," lalo pang hinigpitan niya ang pagkakayapos kay Nadine.

Nagmamadaling tumalikod si Lath at lumabas ng room. Nagpupuyos sa galit at mukhang gusto ng manuntok. Pasalamat lang ang kaibigan at naroon ang kaniyang kapatid. Kung nagkataon baka lalo pang nagwala siya sa galit.

Sa labas ay agad na nilapitan ni Laurice ang kanyang kapatid.

"Kuya! Kumusta? How is Nadine?" Pero sa halip na sagutin siya ay iba ang itinanong.

"Oh kailan ka pa dumating at sinong nagsabi sayo?"

"Nakita ko sa n-news kuya," pag sisinungaling niya dito. Hindi naman kasi niya pwedeng aminin sa kapatid na magkasama sila ni Jonas na dumating ng bansa.

Hindi nagtagal ay lumabas ng kwarto ang kinaiinisan ni Lath na kaibigan. Tumayo siya agad at nagmamadaling tumalikod.

Wala kay Lath ang attention ni Jonas kong di nasa kay Laurice. Nilapitan ang dalaga at akmang aakbayan. Ngunit ang galit na tingin at ang kamao ni Lath ang sumalubong kay Jonas. Hindi lang siya nito masuntok dahil naroon ang kapatid nitong dalaga.

Lalapitan pa sana ni Jonas ang kaibigan ng magsara na ang pintuang pinasokan nito.

"L-leave him, saka muna siya kausapin alam mo namang galit siya sayo. Ang akala ni kuya ay may relasyon kayo ni Nadine kaya ganon na lang ang galit sa'yo."

Ang kararating na ina ni Jonas at ang kapatid na dalaga. Patakbong yumakap sa kaniya ng mamukhaan sila ng mga ito.

"A-anak ang kapatid mo?"

"Nanay h'wag na po kayong umiyak gagaling din si Paul mabait ang diyos. Hindi niya pababayaan ang kapatid ko. Tama na po baka kayo naman ang magkasakit."

Si Laurice na nakikinig lang ay naiiyak din sa tagpong iyon.

"Nanay ito po pala si Laurice k-kapatid siya ng kaibigan kung si Lath."

"Iha kumusta ka?" pagbati ng nanay ng binata sa kaniya.

"Okay naman ho t-tita m-magkasama po kami ni Jonas na dumating."

"Nanay gusto kung makita si Paul."

"Nasa private room siya sinagot ng mga Montemayor ang pagpapagamot sa kapatid mo. Halika puntahan mo si Paul."

Agad namang silang sumunod sa ina hindi naman kalayuan sa kwarto ni Nadine ang kapatid.

Halos maluha si Jonas nang Makita ang itsura ng kapatid. Hindi ito halos makilala sa dami ng pasa sa mukha.

"Sinong may kagagawan nito?" kuyom ang kamao ni Jonas.

"Sa pagkakaalam ko ay isa sa natalong kasong hawak ni Attorney Lath ang kaibigan mo. Gusto maghiganti at ang target ay ang mag iina. Kung hindi isinuong ng kapatid mo ang buhay niya. Siguradong nakuha ng mga criminal ang mag iina. Muntik pang nagahasa si Nadine. Kung hindi agad nakarating ang kaibigan mo. At ang mga taohan nito ay masama sana ang nangyari."

BOOK #2: The Seducing PRINCESS LAURICE MONTEMAYOR ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon