Chapter- 4

66 7 1
                                    

Tatlong taon na ang lumipas ng huling laban nya sa Brazil at ngayon ay naririto siyang muli. Subalit hindi siya nag iisa dahil kasama na niya ang kaniyang bestfriend na si Amirah. Pangatlong laban na rin niya roon at ang lahat ng mga makakalaban ay puro bago sa kaniyang paningin. 

“Ayos ka lang?” tapik na Amirah sa kaibigan na tila lumilipad ang kaluluwa kung saan dimension.

“Ah? Ano nga ang sinasabi mo?”

“Ang sabi ko mag ready na tayo, at magsisimula na.” napapa iling siya sa kaibigan. Ngayon ang unang laro niya sa ibang bansa at kinakabahan siya.

“Ah okay,” inayos na niya ang kaniyang helmet. Nag usap na sila ng kaibigan na kailangan ay hindi niya ito maiiwan. Kasi may plano siya para dito at sisiguruhin niyang palagi na silang magkasama sa mga competition.

“Be ready!” agad namang nag thumbs up sa kaniya ito.

Nakailang ikot pa lang sila nang mapansin niya ang isang racer na tila may gustong gawin sa kaibigan. Kaya maagap na hinarangan niya ito. Hindi niya hahayaan na magtagumpay ang lalaking alam na niyang may masamang plano. Lalo pa at malapit na ang finish line ay halos magdikitan na sila ng lalaking gustong umagaw ng ikalawang pwesto. Nang masiguro na wala ng chance nag lalaki ay agad niyang singad ang silinyador. Halos isang metro lang ang pagitan nila ng kaibigan ng marating ang finish line. Samantala ay pangatlo ang lalaki na sa msimong harapan pa talaga niya ito huminto. Hindi naman siya natinanag sa pagkakatayo at nang makababa ang lalaki ay malakas na sinipa ito na kinatumba sa gilid ng sariling motor.

“Asshole!”

Ngunit hindi niya ito pinansin, mabilis naman nag lapitan ang mga kasamahan niya sa racer.

“Hey Seducing, what happened darling?”

“I want to punch him!” sa halip ay sagot niya sa may edad na lalaki at agad na lumapit sa kinatatayuan ng kaibigan.

“Congrats bessy,” yakap niya dito.

“Thanks, kahit alam ko na nag bigay ka lang dahil gusto mo na magkasama tayo sa mga sasalihang competition.”

“Kalimutan mo na iyon, basta masaya ako ngayon dahil sa tatlong taong lumipas na pangungulit ko sayo ay napapayag rin kita.”

“Hindi mo kasi talaga ako titigilan kaya ito pumayag na lang ako.” habang nangingiti sa kaibigan.

Magsasalita pa sana siya ng mag ring ang kaniyang mobile phone.

“Speaking?”

“Kailangan mong umuwi ngayon din Laurice, kailangan ka ng kapatid mo!”

“Dad! Ano po ang nangyari at sinong Kuya ko?”

“Ang Kuya Lath mo, malaki ang problema niya at kailangan kayong lahat ay naririto!”

“Relax Dad, tonight lilipad agad ako pabalik riyan….”

“No need, bababa diyan ang private plane kaya mag ready ka na.” end call.

“Anong nangyari bessy?”

“Pina uuwi ako ni Dad kaya mag maghanda na tayo at lalanding ang private plane after one hour.”

BOOK #2: The Seducing PRINCESS LAURICE MONTEMAYOR ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon