Chapter 26

589 16 0
                                    

LULU’S POV

Three months before

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa’kin. Minulat ko ang aking mga mata ‘Nasan ako?’ yun ang una kong tanong sa aking sarili. Nandito ako sa isang kwarto na hindi pamilyar. Nilibot ko ang aking paningin.

“Iha, gising kana pala?” Sabi ng isang matanda sa’kin. ‘Sino siya?’ “Ay, ako nga pala si Lola Choleng. Ikaw anong pangalan mo, iha?” Sasagot na sana ako kaya lang may tumawag kang Lola Choleng.

“Lola Choleng! Nandito napo yung inutos niyo.” Sabi ng isang boses sa labas ng kwarto. “Ay naku nandito napala ang apo ko. Nagugutom kaba iha?” Muli niyang tanong sa’kin pero di pa ako sumasagot ay tumunog na ang tyan ko.

“Nako, mukhang gutom ka na nga halos dalawang araw kang tulog at di kumakain, halika samahan mo kami kumain.” Alok niya sa’kin nahihiya man ako ay sumunod narin ako kay lola Choleng, Juice ko hindi ko na kaya ang gutom na kalamnan ko.

Sabay kaming pumunta ni lola Choleng sa hapag, Hindi yun gaano kalakihan pero sapat na para mag-kasya ang Lima katao. “Hi, buti at gising kana.” Sabi nung lalaki sa harap ko. “Ako nga pala si Eric.” Pag-papakilala niya sa’akin kanina pa sila nagpakilala sa’kin pero ako di ko magawang mag-pakilala sa kanila. “Ano nga pala ang pangalan mo? Para naman alam namin kung ano ang itatawag namin sa’yo.” Dugtong ni Eric sa sinabi niya kanina na sinangayunan naman ni lola Choleng. “Ah, oo nga pala iha anong nga ba ang pangalan mo?”

“Ako po si Lu-Lu-Lu” bumuntong hinihga ako, na agad namang nakita nila. “Hindi ko maalala.” Nahihiyang sabi ko kila Lola, Ngumuti si Lola Choleng sa’kin saka nag-salita. “Ayos lang yan iha malamang may dahilan kung bakit mo yun nakalimutan, sa ngayon tatawagin ka muna naming Lulu, Ayos lang ba?” Mapait akong ngumiti saka tumango kay Lola.

Kumain kami habang nag-uusap tungkol sa karanasan nila ni Eric noon. Nalaman ko na sila nalang pala dalawa ang natitirang mag-kaanak. Bata pa si Eric ay Pumanaw na ang kanyang ina at ama kaya si Lola choleng ang nagpalaki sa kanya.

“Maitanong kolang po, Paano ako narating dito sa lugar niyo?” Takang tanong ko kila Lola at Eric. “Nako si Eric ang Tanungin mo dahil siya ang nag-dala sayo dito. Inakala ko panga na nagtanan kayo, kaya nakatingin sakin to ng malakas na hampas.” Mahabang lintanya ni Lola Choleng, Tinignan ko naman si Eric at hinintay na mag-salita siya.

“Ganito kasi ang nangyari nun Lulu” panimula niya.

Nasa dagat ako nun para kumuhan ng sariwang isada na pwedeng maging ulam namin ni Lola Choleng. Sumusid ako sa malalim na parte na dagat. Hindi problema sakin yun dahil kaya kung di huminga ng matagal.

Umahon ako sandali para muling humugot ng hangin ng may speed boat na dumating. Sa loob ng speed boat may mga kalalakihan at isang babae na walang malay. Di ko alam kung wala bang malay ang babae o Patay na. Tinaliaan nila ang paa nito at sakabila ng tali ay nakatali yun sa iang malaking bato. Hinagis nila ang babae at ang bato sa dagat, matapos nun ay umalis na sila.

Nang makalayo na ang Speed boat ay agad akong pumunta sa kinaroroonan ng babaeng tinapon nila. Dahan dahan na itong bumababa sa kailaliman ng dagat pinuntahan ko siya ang pilit ng kalasin ang tali sa paa niya kaso napaka higpit pala nun, buti nalang at dala ko ang isang sibat at yun ang ginamit para putulin ang tali.

“Matapos nun ay dinala kita sa bahay, at yun nanga nakatanggap ako ng hampas kay lola.” Gusto kong magsalita kaso di ko magawa. Kung wala pala si Eric sa dagat ng mga panahon na yun ay maaaring patay na ako. Pero may isa pang gumugulo sa isip ko ngayon. “Bakit wala akong maalala?” Di ko sinasadyang mabigkas.

“Hindi rin namin alam kung bakit Lulu, Sorry” Sagot ni Eric. “Ayos lang” sabi ko pero halata ang panghihinayang sa boses ko.

Lumipas ang ilang araw,lingo at buwan ay wala parin akong ma-alala sa sarili ko. Di rin nag-tagal ay nanligaw si Eric sakin at sinagot ko siya mabait kasi si Eric. Hanggang dumating ang anak ng dating amo ni Lola Choleng akala ko Magnanakaw siya kaya pinag-hahampas ko siya. Akala ko ang dala niya lang ay pera na pang sustento nila para kay Lola Choleng dahil tinuring na ng pamilya nila Sila lola Choleng na kamag-anak pero meron pa pala.

“Sir, may problema ba?” Tanong ko, nakita ko kasi siyang kumunot ang noo dahil sa sinabi ko. “Yes, there is hindi kayo pwede sa isa’t-isa.” Sabi niya na nagpakunot ng noo ko. Bumuntung hininga siya bagot nagpatuloy sa sasabihin niya. “I think, I-I think I should tell you the truth your engaged and your name is not Lulu your real name is Luxine Cyra Ortega, but we call you Lucy and your engaged to Drake Fortaliero.” Sabi niya na napa nganga sa bibig ko, A-ako en-engaged!!!

“Sir Ace, hindi po magandang biro yan.” Sabi ni Eric na agad namang sinagot ni Sir Ace ng Seryosong tono. “Who said I’m joking? I’m Dead serious!”

Ilang araw ang lumipas ay sinama ako ni Sir Ace pauwi sa kanila. Gusto ko rin kasing malaman ang katauhan ko, kung sino ba talaga ako kung sino si Lucy na kilala nila noon.

 Secret Unfold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon