"Wala Ka Na"

36 0 0
                                    

Naalala mo ba nung una tayung magkakilala.
Para tayung aso't pusang gala.
Minsan tayung pinagtagpo pero hindi tayu magkasundo.
Araw araw tayung ganun, araw araw tayung nagkasagutan.
Pero isang araw, bigla tayung nagmahalan.
Nagmahalan tulad ng karamihan.
Karamihang nagsasaya at tumatawa.
Akala ko pang habang buhay na, ang sayang meron sa ating dalawa.
Ngunit isang katutuhanan ang nagpamula't sa ating mga pusong nakapikit.
Nakapikit dahil sa pagmamahal.
Pagmamahal na kailan may hindi pinapahintulutan ng ating lumikha.
Ang ating masayang pagmamahalan ay isa palang kalungkutan.
Kalungkutan na magpapasakit sa iba.
Magpapasakit sa iba kasi hindi tayu malayang dalawa.
Ikaw ay natauhan at pinili ang kabutihan keysa kalandian.
Na biktima tayu ng isang maling pagmamahalan.
Kaya ikaw ay nagpaalam.
Nagpaalam dahil mali na.
Mali na ang ginagawa nating dalawa.
Ang tanging sulusyion sa ating mga maling nagawa ay ang kalimutan nalang ang isa't isa.
Kaya matagal na kitang pinatay.
Pinatay sa aking puso't isipan.
Kaya ngayon akung humihiling.
Humihiling na sana wag ka nang bumalik pa.
Wag kanang bumalik pa kasi ako'y masaya na.
Masayang masaya na dahil wala ka na.
Wala ka na, kaya lisanin mo nalang ako ng tuluyan.
Kasi ako hinding hindi na ako lilingon pa sa ating nakaraan.
Nakapag umpisa na akong lumakad mag isa.
Mag isa dahil wala ka na.
Wala ka na dahil mas pinili mo sya.
Wala kang dapat ika bahala dahil kaya kung mabuhay ng wala ka.
Wala ka dahil nang iwan ka.
Nang iwan ka dahil hindi ako mas mahalaga.
Hanggang ngayon pilit kung inaalam ang kasagutan.
Kasagutan sa mga tanong.
Mga tanong na bakit?
Bakit mo ako iniwan? Bakit hindi mo ako pinaglaban? Bakit sumuko ka?.
Pero siguro sadyang mapaglaru lang ang tadhana.
Ang tadhanang dahilan ng ating pagkatagpo.
At ang tadhanang dahilan din ng ating pagkalayo.
Kaya ngayon wala ka na.
Wala ka na sa aking buhay.
Sana masaya ka na.
Masaya ka na dahil mas pinili mo sya.
Mas pinili mo sya dahil sya ang iyong asawa.

















A/N:
Spoken poetry by: su yeon hye

Sana nagustuhan nyo ツ

Spoken WordsWhere stories live. Discover now