"Paalam na"

24 0 0
                                    

Sa aking paglalakbay sa aking buhay,
ika'y aking nakilala.
Isang lalaking aking pinapangarap,
pinapangarap makasama pang habang buhay.
Ikaw ang nagsisilbing halaman sa aking munting bakuran.
Bakuran na aking inaalagan.
Inaalagaan, inaaruga at minamahal.
Tulad ng iilan, tayo'y nagsimulang magkalapit ng subra sa isa't isa.
Ako'y iyong niligawan, at dahil ikaw ang lalaking aking pinapangarap, ako'y hindi na nag alinlangan pa.
Tayo'y naging isa.
Naging isa at naging masaya.
Araw araw ikaw ang aking kasama sa aking buhay.
Ikaw ang ilaw sa aking buhay na subrang madilim.
Ikaw ang aking pinagkukuhanan ng aking lakas, upang labanan ang anumang sakuna na dumating sa akin.
Naging sandalan natin ang isa't isa.
Para tayung isang boong bahay, at nagsisilbing haligi ang bawat isa.
Kulang ang kwento ng buhay ko kung ikaw ay mawawala dito.
Wala tayung naging problema sa isa't isa.
Walang away at walang gulo.
Walang gulo dahil tayo'y nagkasundo.
Wala din tayung mga itinagong lihim.
Lihim na magpapasakit sa atin.
Para nga tayong kambal na subrang nakadikit, at kahit ano pang gamiting pantanggal sa atin, walang makakabuwag sa pagmamahalan natin.
Ngunit sadyang may mga bagay na kahit sa atin ibinigay ay darating din ang araw na sa atin ito'y babawiin din.
Ikaw ay biglang nagkasakit.
Nagkasakit na kahit anong pilit, ay hindi na maibabalik.
Hindi na maibabalik ang sayang meron sating dalawa.
Panandaliang panahon lang pala ang ibibigay sa atin upang magsaya at magkasama.
Ako'y nalungkot at araw araw nagmumokmok.
Nagmumokmok dahil wala ka na.
Wala ka na dahil nagkasakit ka.
Nagkasakit ka at sa akin din ay subrang nagpasakit.
Parang tumigil ang mundo ko dahil wala ka na sa piling ko mahal ko.
Hindi madaling tanggapin na ang taong sa akin ay nagpapasaya ay nagpahinga na.
Nagpahinga na dahil hindi mo ba kinaya pa.
Hindi mo na kinaya pa ang sakit na iyong dinadala.
Nung ikaw ay sumuko ako ay gumuho.
Yung ikaw na aking sandalan ay wala na.
Ngunit isang araw ikaw sa akin ay nagpakita.
Nagpakita para sabihin sa akin na ako'y mag move on na.
Mag move on dahil wala ka na.
At sa huling sandali ika'y nag iwan ng salitang paalam na.
Paalam na dahil mauuna kana.
Muuna kanang magpahinga.
Paalam na, isang salitang napakasakit bitawan pero kailangan.
Kaya ngayon sasabihin ku nang paalam na mahal.
Ang sakit at ang hirap pakinggan o tanggapin na ikaw sa akin at ako'y sayo ay nagpapaalam na.
Pero mahal, kahit tayo'y magpapaalam na sa isa't isa.
Ikaw ay mananataling buhay sa aking puso't isipan.
Ang iyong mga alaala ay mananatili sa akin.
At ngayon ang salitang paalam na ay aking bibitawan.
Paalam na mahal.
Paalam na.








Sana nagustuhan nyu :)
Spoken Poetry
By: Su Yeon hye ツ

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken WordsWhere stories live. Discover now