Maganda ka

4 0 0
                                    

Naalala ko yung convo namin ng mama ko. Ang sabi niya sakin nun..

Mama: Ano ba yan nak, hindi ka man lang nagkaka boyfriend

Me: .....

Background music: Kruuuu~ Kruuu~ Kruuuu~

Mama: Ikaw na ang pinaka panget, wala man lang nanliligaw sayo
- - -

At Simula nun gusto ko nang kalimutan ang sinasabi nilang 'nanay mo lang ang laging magsasabi sayong maganda ka.

Hustisya! 😭😭😭

Anyways! Para sakin ang tunay na ganda hindi nasusukat sa dami ng naging boyfriend mo o sa dami ng admirers, stalker at manliligaw mo. Napaka babaw mo kung susukatin mo sa ganyan or kung ganyan ang prinsipyo mo

Pero alam mo ba na mas maganda ang babaeng hindi pinapatulan ang mga manliligaw? (Take note 'MGA')
You know what, hindi lahat ng umaamin ng nararamdaman ay gugustuhin mo na rin. Maganda pa rin yung naka reserve yung sarili nila dahil hindi gaano nagagalusan ang puso nila

Dati rin napatanong ako sa sarili ko, "panget ba ko?", "bakit walang nanliligaw sakin?"... Naka focus ako sa mga couples na masasaya habang ako laging third wheel sa lakad ng magjojowa kong tropa. Kaya nang may kaklase kami na biglang nagtanong sakin kung pwedeng manligaw, napa-Oo ako. Khit na hindi ko talaga gusto yung lalaki.

Habang tumatagal ang panliligaw niya natutunan ko siyang pahalagahan. Pero habang tumatagal rin mas dumadami yung question mark sa aking isip na parang kuto nang nagsisiksikan sa ulo ko "mahal ba talaga ko nito?"
To make the long story short, naging kami at nauwi rin sa hiwalayan ng walang matinong pag uusap. Kasi sa phone lang kami nagbreak.

It leaves scars in my heart na hanggang ngayon ay nasa healing process pa rin. Kung hindi ko sana minadali ang sarili, hindi sana ko nagkamali noon.

Kaya ikaw kung wala kang manliligaw. Okay lang yan! Sakit sa ulo lang ang relasyong hindi pa nasa tamang pagkakataon

Beshycake, kung alam mong maganda ka, hindi mo kailangang magmadali!

Noted: Walang Poreber~Where stories live. Discover now