Sana ikaw na talaga

33 0 0
                                    

In-add kita noon sa facebook...... Nagulat ako ng bigla mong i-aacept yung friend request ko. Nagmessage ka nun sabi mo pa nga Salamat sa pag-add, tapos idinugtong mo yung tatlong smiley face.

Ilang buwan tayong nagkachat hanggang sa kinuha mo na yung number ko sabi ko wala akong load nun at di rin ako makakapagreply sa text mo nagulat ako nang bigla mo kong tawagan. Nung una hindi ko sinagot kasi number lang ang rumehistro sa cellphone ko, pero nabasa ko yung text mo na may pangalan mo kaya sinagot ko na ang tawag mo.

Nung una kong marining ang boses mo halos hindi ako makahinga, para bang may kung ano sa puso ko habang kinakausap kita naisip ko na may sakit ako nun pero ang totoo wala naman talaga. Sabi mo pa sakin nagba-bike ka nun. Humanga ako kasi ang totoo hindi ako sanay magbisikleta, nagulat ako ng sabihin mong Tuturuan kita.

Madalas na tayong magkachat at magkatext hanggang sa sobrang napalapit na ko sa'yo at ganun ka rin naman sa akin. Sa tuwing di ka nga nagrereply nalulungkot ako. Dumadating pa nga sa punto na kada iilaw yung cellphone ko nandun yung excitement na baka ikaw na yung nagtext pero madalas nadi-disappoint ako pero iniisip ko na lang na baka busy ka.

Naalala ko pa yung una nating pagkikita, lumapit ako sa'yo nun at nakita kong gulat na gulat ka, nakakahiya lang sa parte ko kasi ang dami mong kasamang lalaki kaya naman umalis agad ako. Hindi ko makakalimutan yun. Yung ikalawa naman nating pagkikita na hindi nga natuloy kasi sabi mo nahihiya kang lumapit sa akin dahil kasama ko yung mga kaibigan ko. Alam mo bang sobra akong nainis sa'yo? Kasi nangako ka na pupuntahan mo ko kaya sa sobrang sama ng loob ko, binilhan nila ko ng chocolate para mawala yung inis ko. Sabi mo pa nga na di ka na mahihiyang lumapit kapag may kasama akong mga kaibigan ko. Gusto mo kasing bumawi sakin.

Naalala ko rin yung unang beses mo kong tinuruan magbike. Sabi mo wag akong yuyuko kapag nagbike na ko pero hindi ako nakikinig sa'yo kasi natatakot akong mahulog pero natatandaan mo ba yung sinabi mo? Sabi mo huwag kang matakot, nandito naman ako. Natawa lang ako nun. Dun mo rin unang hinawakan ang mga kamay ko, natutuwa ako nun kasi hindi ka maarte kahit kasi na pasmado yung mga kamay ko hawak-hawak mo pa rin ito.

Naalala mo rin ba nung tanungin kita kung nanliligaw ka ba sa akin? Ang sagot mo sakin ay Oo, hindi ko lubos akalain na panliligaw na pala yung simpleng paghatid-hatid mo sa akin, yung simpleng paglabas-labas natin ng tayong dalawa lang, yung simpleng paghihintay mo sa akin kahit gabi ka na nakakauwi. Akala ko kasi magkaibigan lang tayo. Kaya naman ang sabi ko huwag mo kong ligawan sa text o sa daan, kaya naman nagpunta ka ng bahay namin. Tinatakot pa nga kita noon na masungit ang Nanay at Tatay ko. pero sabi mo seryoso ka talaga sa akin kaya pupunta ka sa amin. Nararamdaman kong kinakabahan ka kasi makikilala mo na ang pamilya ko kaya naman hinawakan ko ang mga kamay mo at sinabing, kung anuman ang sasabihin nila sa'yo tatanggapin mo yun ha? Ngumiti ka lang sakin nun. At nagulat ako kasi nakasundo mo na ang pamilya ko. Natatandaan ko rin pagkatapos ng Pasko pumunta ka sa bahay namin sinabi ng Nanay ko sa'yo na ang bango mo kaya inamoy kita tapos sabi mo naiilang ka kaya tumawa tayong dalawa.

Natatandaan ko pa yung panahon na hiniram mo yung calcu ko kasi sira yung calcu mo noon tapos nung ibinalik mo sa akin may love letter ng kasama. Sa tuwing namimiss kita lagi ko lang binabasa ang sulat mo na yun sa akin.

Natatandaan mo rin ba yung lagi mo kong hinihintay sa training namin ng Pepsquad? Botomg-boto sa'yo ang mga kapep ko to the point na naiirita ako. Ganun din yung mga classmate ko nung nakilala ka nila, pakiramdam ko ikaw na yung kaibigan nila at kinakampihan nila kesa sa akin, pero naiintindihan ko naman na pati sila nililigawan mo rin.

Naaalala mo rin ba ba nung Valentines? Yung wala akong kaalam-alam na su-surprise mo pala ako. Yun yung araw na ibinigay mo sakin yung bulaklak at si Vee, yun din yung araw na tinugtog yung ngiti ng mga bandang naghihintay sa akin dun ko rin nabasa yung WILL YOU BE MY GIRLFRIEND? at yun din ang araw na sinagot kita.

At hindi ako makapaniwala na sasagutin kita sa harap ng maraming tao.

Marami ka pang pinapatunayan sa akin hanggang ngayon. Nakakatuwang isipin na yung taong akala mo wala lang sa'yo noon ngayon parte na ng buhay mo, kahit sa kabila ng kamalditahan ko nandyan pa rin siya para sa akin. Akala ko wala ng lalaking katulad ng Tatay ko pero meron pa pala  at ikaw yun. Ang totoo marami pa kong gustong gawin kasama ka pagdating ng tamang panahon kaya.....Sana ikaw na talaga

Sana ikaw na talagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon