Nasa parte na ako ng SHS o Senior High School. Ewan ko ba sa government masyadong gaya-gaya. Hindi ko maintindihan kung bakit? pero okey na to kesa sa tumambay ako ng dalawang taon dito sa bahay. Malapit na ang pasukan syempre abala na naman ako pupunta pa akong baclaran para lang sa gamit ko pwede namang doon nalang sa palengke. Hirap talaga pag lola ang nagpalaki sa'yo pero masaya ako kahit ganoon.
"ALEEEEEEEEEEEEXXXXX!!!!" sigaw nang lola ko, miss na miss ako neto ehhh hahaha.
Kanina pa ako Dada ng Dada hindi niyo pa pala ako kilala. Btw, ako si Allexander Lopez, Alex for short sayaw ang talento ko sa pag-arte dii ko pa nahahasa, okey na yan tinatamad ako magpakilala ehh.
"Hindi ka paba bababa jan? Baka gusto mong mabugbog kita jan!!" galit na sabi ni lola hehehe
"Bababa na, eto na nga ehh" sabi ko
First Day Of School
Habang naglalakad ako papasok sa gate ng aming school may nakasalubong akong lalaki, hindi ko alam kung sino siya Pero nang tumingin ako sa ibang paligid kinikilig sila... Well sa Pogi kong to, joke dun sa lalaki na ang cold ng mukha.
Nakatingin siya sakin tapos nakangiti, tapos biglang nagsigawan na naman ang mga tao dito. Taena neto ahhh, basagin ko mukha neto
biglangggggggggggggggg..
.......
..
.
tumigil siya sa tapat ko pero, hindi na nagalaw.
"huyy?? huyy?? okey ka lang.??"bakit dii siya nagalaw wait, parang tumahimik ahhh. tumingin ako sa gilid ko.. WTH, hindi din sila nagalaw, inilibot ko ang buong paligid, pero wala hindi talaga nagalaw miski yung mga ibon na nalipad tumigil.Tumakbo nalang ako pero may lalaking bumangga sa akin. Tumalikod ako tapos sinigawan ko siya.
"Hindi ka ba Magsosory.?" napatigil siya at humarap sa akin.
"ba-ba bakit ka nagalaw?" ano tingin nito sa akin istatwa.?
" hoyyy hindi ako bato, na hindi nagalaw" nakita ko ang pagkagulat niya.
"Kakaiba ka, katulad kita at di ka pangkaraniwan"
"Anong pinagsasabi mo?" sabi ko ng may halong pagtataka
"Mali mas malakas ka sa kin"
Hindi ko na siya maintindihan. Ano bang mga sinasabi niya? ako malakas, di pangkaraniwan? Taena gago to ahh.
"ano ako alien saka ikaw ba ang may kagagawan ng mgaaaaaa........" di ko na tapos ang sasabihin ko kasi may narinig akong mhga nagtatawanan humarap ako sa kanila at nakatingin sila sakin, bakit.??
"Ayoko ng maging matalino, nakakabaliw pala , ahahaahaa" sabi ng isang studyante
Badtrip pinagtatawanan nila ko di ako sanay badtrippp....
teka, humarap ako dun sa kausap ko kanina pero pagtingin ko, whaaaaaaa wala na siya, at-at paano niya nagawang umalis nang gaanong kabilis.
ang ingay, tumingin ulit ako sa paligid ko gumagalaw na sila, pero sumagi sa akin yung lalaki kanina, ngayon ko lang siya nakita dito, mukhang transferee
sino siya?
Dii ko pa din maalis sa isip ko yung nangyari kanina, Pinagtawanan ako at first time ko yun simula ng nag-aral ako sa eskwelahang ito, ngayon lang nangyari to, nababadtrip ako sino ba siya.???
Habang naglalakad ako papunta sa Classroom ko nakita ko yung lalaki kanina. Pumasok sa isang classroom na bakante na walang nagtatangkang pumasok may mga maligno daw kasi. Sinundan ko siya at pumasok din. May isang pinto pa pala pero hindi mo mapapansin dahil lahat ng makikita mo sa loob ay puro 3D. Hindi na ako tutuloy baka malate pa ako. Lumabas na ulit ako dun at isinara.
"tapos ka na ba?"
ay sheteng kalabaw badtrip ang dami kong epic ngayon.
"ahhhh, ehhhh oo ehh ti-tiningnan ko lang" sabi ko na may pautal-utal pa"sumama ka sakin sa loob may ipapakita ako" sabi niya
"bakit? ehh malelate na tayo!!!" pagalit kong sabi
"itinigil ko ang oras katulad kanina at kailangan mo nang malaman"
ang alin? ang ano? ehh halos alam ko na lahat ehh.. joke lang matalino ako pero hindi ko pa rin naman alam ang lahat... teka ano ba yun?
"Alex right?"
"oo, teka how did you know my name?"
"Alex ikaw ang....." bakit siya tumigil?
"ano? ako ang......."
"hindi pa ngayon ang panahon, sa susunod malalaman mo kung ano ba ang mayroon sa Classroom na ito" teka iba yung boses ahhhh.???
lumingon ako sa likod at may nakita akong ibang tao.
"teka teka teka" inikot ko silang dalawa " hindi ko kayo maintindihan ehh kanina, tumigil ang pag-galaw ng mga tao, ibon at ako lang ang gumagalaw at siya, tapos......"
" PWEDE BANG TUMAHIMIK KA!!! NAKAKARINDI NA ANG BUNGANGA MO"
ohkey galit siya...
"Sorrie na" sabi ko ng mahinhin "ehhh kasi na....." sinamaan niya ako ng tingin " sabi ko nga tatahimik na"
" malalaman mo ang dapat na sasabihin ni Frost kanina pero hindi pa ngayon" okey sabi niya ehhh, lalabas na sana ako ng biglang... " sinabi ko bang pwede kanang lumabas?" sabi ko nga ehh " kami ay galing sa ibang mundo?" ehhh parang normal lang naman sila katulad ko, niloloko ba ako nito? " hindi kita niloloko at simula ngayon sasama ka sa amin upang sanayin ang iyong kapangyarihan"
" nababasa mo ang nasa isip ko?" putik, ang galing gusto din nun at teka kapangyarihan? ako? meron? hahahahaha baliw talaga tong mga to.
" hindi kami baliw, tantanan mo nga ang mga pinagsasabi mo" irita niyang sabi daig niya pa ang mga babae na may....... biglang may sumabog
" ayy palaka " sabi ko
" kapag hindi mo itinigil ang panglalait mo sa amin hindi lang yan ang gagawin ko."
"okey po bhoss"
" kailangan ka namin, kaya sasama kana sa amin"
"pero yung pamilya ko, paano sila?"
biglang may lumabas na...... Allexander? kamukhang kamukha ko siya..
" siya ang magiging kapalit mo, tayo na at pumasok na tayo sa totoo mong tahan."
totoong tahanan? baliw talaga to, hindi ko sila maintindihan, bahala na sila jan.