Bakit ka aalis? Ano pa bang magagawa mo para baguhin ang isip niya?" Tanong ni Andrea sa kapatid na seryosong seryoso na sa desisyong sundan si Dynsil, ang babaeng akala niya'y wala lang nung una.
"Susundan ko siya." Mainam namang sabi ni Jay
"Pero bakit pa?"
"Kailangan ko siya." Iyon ang kahulihulihang mga salitang narinig ni Andrea mula sa Kapatid na si Jay simula noong magdesisyon itong sundan ang babaeng mahal niya. Hindi na niya alam kung ano mang nangyari dito at wala rin siyang balita tungkol sa babaeng hinahanap nito. Pero isa lang ang sigurado siya, hindi titigil si Jay hanggat hindi niya nakikitang muli si Dynsil.
Iyan ang kahulihulihang eksena sa wattpad story na binabasa ni Jenny. Luma pero di makabasag interes. Bakit ka mo? Elementary pa lang siya ay mainit na niyang sinusundan ang storyang ito ni Ginevra Jones na Til Next Time. Kwentong pag-ibig na nanggaling din sa karanasang pag-ibig ng awtor. Nagmahal na rin kasi ito dati, pinaasa, at iniwan na parang wala lang nangyari. Kaya siguro napakalakas ng impluwensya nito sa mga readers, lalong lalo na kay Jenny, ramdam kasi bawat eksena. Tagos sa bone marrow ang bawat salita. At ngayon na ilang buwan nalang at gagraduate na siya ng college ay naisipan niyang magbalik tanaw sa mga mahahalagang bagay na kumumpleto sa kung sino at ano siya ngayon. Isa na nga rito ang wattpad. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit sa tuwing matatapos niya ang storya ay bahagyang kumikirot ang puso niya at nag uudyok sa kanyang balikan to. Akala niya nga dati eh siya si Dynsil kasi nga, parang napamahal na rin siya kay Jay.
'Kung bibigyan ka ng pagkakataong makapasok sa mundo ng wattpad, papayag ka ba?'
'Kung ikaw si Dynsil at nakawala ka sa kanilang mundo kaya hindi ka mahanap hanap ni Jay, babalik ka pa ba?'
'At isa pa, baka naman nababaliw ka na?'
Iyan ang ilan lamang sa mga tanong na parating pumapasok sa isip niya tuwing binabasa niya ito. Pero paano nga kaya?
Tumingin siya sa oras, maghahating gabi na pala. At sa konting wisik ng kamalasan nga naman ay dinalaw siya ng uhaw at kailangang bumaba pa siya sa sala para kumuha ng tubig. Hirap din maging mahirap, lalo na't matatakutin ka, wala ka na ngang pambiling ref sa na ilalay sa sarili mong kwarto, wala ka pang mautusang kasambahay na kuhanan ka nalang ng tubig pag nauuhaw ka. Kaya no choice siya. Kinuha niya ang cellphone niya at pinaandar ang flashlight nito. Sa di maipaliwanag na dahilan naman ay biglang nagbrown out pag labas niya ng pintuan ng kwarto. At ang pinakamasaklap, wala ang parents niya ngayon sa bahay nila kasi may inattendang party. Siya lang mag-isa ngayon at takot na takot pa. Ginusto man niyang bumalik nalang sa loob at tiisin ang nakakainis na uhaw ay naglakas nalang siya ng loob na ipagpatuloy ang laban, este ang pagkuha ng tubig. Pababa na siya nang may makita siyang gumagalaw sa sala gamit ang ilaw ng cellphone niya. Kinabahan siya, hindi niya alam kung ano ito. Hindi rin naman pusa kasi wala rin silang pusa."Naloko na, baka nga kunin na ako ni Jay nito."
Nagpatuloy siya sa paglalakad nang maabot yung gumagalaw na bagay at naninbalot ang mga balahibo niya at napatili nang makita ang isang maliit na daga.
"Walang hiyang daga ka. Tinakot mo ako. Haysst!!"
Tumalikod nalang siya't pumunta na sa kusina nang biglang may narinig na pagsabog sa kapit-bahay nila.
"Diyos ko! Gagraduate pa ho ako. Ilayo niyo ho sana ako sa kapahamakan."
Patuloy pa rin siya sa paglalakad kahit na nanginginig na ang mga tuhod niya sa mga pangyayari. Pumunta siya sa ref pero wala palang tubig dito. Bad trip din. Naghanap siya ng tubig pero wala palang tubig at tumindig ang kanyang mga balahibo nang marealize niyang...naputulan pala sila ng kuryente at wala rin silang tubig. Dismayadong dismayado ang dalaga at napapadyak pa ng paa. Babalik na nga sana siya sa taas nang biglang may narinig na naman siyang tunog. Tunog na parang ina-unlock ang isang doorknob ng pintuan.
"Sina mama." Nasabi pa niya sa sarili nang maglakad papalapit sa front door nila. Kaya lang narealize din niyang nakamotorsiklo ang parents niya at kung nakauwi na ang mga ito ay magkakaroon din ng tunog, pero wala. Sino nga kaya ito. Kumalat na naman ang takot sa buong katawan niya't gumalaw na sana siya para tumakbo nang tuluyan nang magbukas ang pintuan ng bahay nila kasabay ang pagpasok ng isang lalaki, basi sa silhouette nito. Papalapit nang papalapit ito sa kanya dahilan para mapanganga siya sa kagustuhang sumigaw pero hindi magawa. Hindi niya magawa dahil sa kung anong pwersa na bumabalot ngayon sa katawan niya. Isa...dalawa...tatlo at nasa tapat na siya ang lalaki. Mas kinilabutan pa siya nang maaninag ang misteryosong ngiti nito na sa pagkakaalam niya ay hindi umabot sa mga mata nito. Isa...dalawa..tatlo at tuluyang nagdilim ang buong paligid na parang wala na siyang maramdaman. At sa panghuling isa...dalawa...tatlo ng pintig ng puso niya'y nagising siya mula sa pagkakahimatay. Ngunit iba na ang mundong kanyang namataan. Nagising siya sa busig ng isang lalaking matagal na niyang kilala, elementary pa lang siya. At oo, ito ay walang iba kundi si Jay. Ang mga mata na lagi niyang nakikita sa cover ng storya nito. Ang mga matang hindi nagpabitiw sa kanya. Ang mga matang nakatingin sa kanya ngayon. Totoo na ngunit may problema. Nang tingnan ni Jenny ang paligid ay nasa simenteryo na pala siya at ang tanging bumasag sa katahimikan ng lugar ay ang mga salita mula kay Jay, "I have died searching for you, Dynsil." Lumingon siya ulit dito at sa di maipaliwag na dahilan ay namula ang mga mata nito't muli na namang nagdilim ang buong paligid.