Bestfriend

43 5 0
                                    


Nag lalakad ng nakayuko ang isang binata sa hallway. Makikita mo sa mata ng mga estudyante ang panunuya at pandidiri sa nerd na lalaki. May malaking salamin, natatakpan ng buhok niya ang kanyang tenga, naka brace at may dalang malalaking libro. Ang bag nito ay parang maraming bato dahil sa dami ng libro. Siya si Kepart Manhalok, ang nerd ng campus nila.

Maya maya pa'y may humarang na tatlong lalaki kay Kepart. Tinignan niya ang mga ito. Ang mga mahilig mam-bully sakanya. Sila Jonathan, Nathan at Nathaniel. Mag kakapatid ang tatlo. Panganay si Jonathan at kambal naman si Nathan at Nathaniel. Basketball player silang tatlo at heart throb sa campus.

"Hey! Asan na yung mga assignments namin?" maangas na tanong ni Jonathan.

'Tsk. Mga gwapo nga mga bobo naman. Ano sanang nagustuhan ng mga babae dito?' Asik ni Kepart sa kanyang isipan.

"Ano?! Titignan mo nalang ba kami forever?!" nangiinis na tanong naman ni Nathan.

"Walang forever bro! Lul!" natatawang sabi ni Nathaniel. Sinamaan naman siya ng tingin ni Nathan.

"G*GO! UTOT MO! WALA KA LANG GF!" asar ng kambal niya na siya namang ikinangisi niya.

"EHEM! Nag salita ang basted." sabi ni Jonathan sabay ngisi kay Nathan.

"Tsk!" bumaling naman si Nathan kay Kepart na kasalukuyang inaabot sakanila ang tatlong notebook. Nag sialisan na rin ang ibang estudyante. Padabog na hinablot ni Nathan ang tatlong notebook at nag walkout. Sumunod naman ang dalawa sakanya. Nanatiling nakatayo roon si Kepart. Nang maka layo na ang tatlo ay saka siya nag lakad papuntang classroom nya.

Pag pasok niya ay mga nandidiring tingin at naaawang mga tingin ang pinukol sakanya. Nakayuko parin siya habang papunta sa upuan niyang nasa pinakahulian. Bakante ang dalawang upuan sa gilid niya. Walang gustong tumabi sa kanya.

Maya maya pa ay pumasok na ang kanilang guro. Napansin ng lahat ang babaeng naka sunod sakanya. Kahit si Kepart ay napahanga sa gandang taglay ng babae. Maputi ito, mapupugay ang mga mata, matangos ang ilong at ang labi nito ay mala rosas sa pula.

"Class, This is your new classmate... Miss, please introduce your self." sabi ng kanilang adviser/History Teacher na si maam Floreta.

"Hi classmates! My name is Rosalinda Manata, I'm from Isabela. Sana maging mabait kayo sakin!" masayang sabi ng dalaga.

"Ok Ms. Manata, you can now sit beside Mr. Manhalok." sabi ng guro nila sabay turo sa upuan sa tabi ni Kepart. Napuno naman ng bulong bulongan ang room nila. Karamihan sa mga bulong ay 'Bakit sa Nerd?!'.

"Class QUIET! We all know that transferees and late enrollees should be seating at the back. Mr. Manhalok is in the last row because no one wants to seat beside him. Is everything clear now?! Then let's proceed to the lesson."

Dahil jan ay naisip ni Rosalinda na makipag kaibigan kay Kepart. Nag tataka lang siya kung bakit napaka raming estudyante ang nangdidiri sa mga nerds. Wala namang kadiri diri sakanila.

"Hi! I'm Rosalinda! Just call me Rose!" sabay lahad ng kamay ng dalaga.

"Kepart." tinanggap ni Kepart ang kamay nito dahil parang ang bastos naman kung hahayaan niya lang ito.

My Dear Best Friend (One-Shot)Where stories live. Discover now