"Anak please naman wag ka nang dumagdag sa problema, this is your last chance!! LAST CHANCE nalang Alexandra kung di mo seseryosohin ang pag-aaral mo ipapadala kita sa Lola mo sa Canada" sermon ni Daddy na naka-office uniform pa galing work
Nalaman kasi niya na sa P.E lang ako pumapasok. Ang boring naman kasi ng mga lecture, nakakatamad pagmasdan ang mga mukha ng mga professor namin.
"Dad, ayaw ko dun kay lola gagawin lang niya akong masahista at tsaka wala akong friends dun, nakakalungkot" sabi ko with matching paawa effect
"Kaya nga Alex! magpakatino ka na, di ko tinatae ang pera para lang matustusan 'yang tuition fee mo."
Simula nung sermon/banta ni daddy sa akin napilitan na akong pumasok sa lahat ng subjects ko. Naawa na rin ako sa kanya at kay Mommy na nagtatrabaho rin sa America bilang isang doctor matustusan lang ang mga kailangan namin dito sa pinas. Kumuha kasi ako ng kursong medicine sa isang pribadong unibersidad kaya medyo malaki-laki rin ang ginugugol na pera.
Ewan ko ba kung bakit ako naging bulakbol sa skwela siguro kasalanan to ng library. Simula kasi nung nadiskubre ko ang library na may air con pala, dun na ako tumatambay.
Nag-aaral naman ako sa bahay di lang talaga ako pumapasok pwera na lang sa P.E. Pumapasok lang ako kung may long test, mid-term at term test.
Di naman ako bobo sa mga subjects ko sadyang di lang nakisama si MATH sa ibang subjects na carry ko. IN SHORT sa math lang ako tagilid siguro dahil na rin sa professor naming kulang na lang mabubuo na ang rainbow sa mukha niya.
Kaya heto ako ngayon almost 1 week na ring nagpapakita sa mga professors.
------
MATH PERIOD
Parang paulit-ulit na lang ang routine ko tuwing math period
*tingin sa mukha ni prof.
* kuha ipod at earphones
*tango-tango kunyari nakikinig pero ang totoo niyan sinasabayan lang ang beat ng music
*Mahuli ni Prof. na nakikinig lang ng music
*Makikinig ulit kunyari sa lecture
*Taas kanang kamay para mag-excuse na pupunta ng C.R
*Babalik sa room pag tapos na ang math period
Oh di ba.Watt-a-great escape Alexandra Martin!
FRIDAY sa math period
"Class please copy the problem in the white board then if you're done you can take the rest of the time because we have an urgent meeting in the Dean's office. Am I clear?" sabi ni prof.