Papel

3.9K 214 48
                                    

Because not all guys are the same. 

Papel.

"Wag mo na nga akong sundan!" Sabi sakin nung boyfriend ko na nakikipagbreak sakin.

Sinundan ko parin siya, pumasok siya sa men's section sa LRT pero wala akong pakealam. "Baby, ano bang nagawa ko?"

"Wag mo kong kulitin! Ayoko na nga!" Sabi niya sakin.

Hinila ko yung dulo ng damit niya, pinipigilan kong wag umiyak dahil medyo maraming tao. "Ayusin naman natin 'to oh, nagmamakaawa ako sayo."

Napatigil siya at napatakip sa muka, yung mukang iritang irita na talaga siya. Humarap siya sakin at tinignan ako sa mata. "Ayoko na nga! Nagmamakaawa din ako..." Humina bigla yung boses niya, sa sobrang hina narinig kong gumuho ang mundo ko bigla. "Tigilan mo na ako. Ayoko na. Wag ka nang umasa na babalik ako, hindi na ko babalik." Huminga siya ng malalim. "Wag na nating pahabain 'to, wag mo na kong itext o tawagan."

"B-bakit..." Bulong ko, napayuko ako, nakahawak parin ako sa dulo ng damit niya.

Hindi ko alam kung saan ba ko nagkulang, o kung may nagawa ba akong mali. Wala namang akong tinatago sakanya, hindi naman ako nangangaliwa, pero bakit? Wala akong maalala na may nagawa akong nakasakit sakanya. Sawa na ba siya? Handa niyang itapon ang dalawang taon at tatlong buwan dahil lang napagod siya? Bakit ganon? Pag ba napagod kelangan umalis agad? Mangiwan agad? Hindi ko maintindihan. Hindi ba pwedeng magpahinga lang? Ang unfair. Sobrang unfair. Nakakainis pa don, bakit parang ang dali lang sakanyang sabihin yon, bakit parang hindi manlang siya nasasaktan na mawawala na ko sa tabi niya, bakit parang hindi niya manlang naisip na nasasaktan ako sa mga sinasabi niya? Anong nangyare sa mga "hindi kita iiwan, promise.", "andito lang ako palagi.", "walang susuko baby, ha?" niya? Bullshit! Pinagkatiwalaan ko siya, na hindi niya ko iiwan at sasaktan dahil nagpromise siya! Alam niyang siya ang kauna-unahang lalakeng pinagkatiwalaan ko at pinayagan kong pumasok sa buhay ko. Bakit niya ko iiwan ng ganito ganito nalang?

Hindi ako nagsasalita, ganon din siya hanggang sa huminto yung tren sa stasyong bababaan niya. Bago pa tuluyang huminto yung tren, tinanggal niya yung kamay ko na nakahawak sa dulo ng damit niya.

"Please lang, pakawalan mo na ko. Tama na. Ayoko na." Bulong niya sakin kasabay ng pagbukas ng pintuan ng tren.

Habang ako, nakatayo lang don. Dumami pa lalo ang mga lalake sa loob ng tren at nanatili akong nakatayo, hindi ko napigilang hindi umiyak, nakayuko nalang ako at nakahawak doon sa pole para hindi na halata na umiiyak ako.

"Miss."

Napatingin ako sa lalakeng nasa harapan ko. Nakahoodie siya at nakaheadset, bigla siyang tumayo. "Dito ka nalang." Sabi niya sakin.

Ako naman napakagat ako sa labi ko para di na tumulo pa mga luha ko. Nagbow ako sakanya at umupo doon, "salamat kuya." Bulong ko kahit nangangatog ngatog pa ang boses ko at kahit mahina, sana narinig niya.

Mga ilang minuto at ilang stasyong dumaan, hindi parin siya bumababa hanggang sa bumagal nanaman yung tren at si kuyang nakatayo na nakahoodie at headset na nasa harapan ko, kinalabit ako sa ulo. Tumingala ako sakanya, muntik pang tumulo sipon ko, ngumiti siya sakin at may binigay siyang papel, at pagkabigay niya, sakto namang huminto ang tren. Wala na siyang iba pang sinabi sakin at tumalikod siya at tuluyang umalis. Pagkatingin ko doon sa papel, napangiti ako.

"Miss, wag ka nang umiyak. Hindi bagay sa'yo. :)" 

Dalawang taon ang lumipas. At nakamove-on na ako sa ex ko, siguro may pagkukulang nga ako. Siguro nga masyado pa akong childish nung mga panahong yun, siguro nasakal siya sakin, siguro masyado ko siyang minahal kaya di niya napantayan yun. Hindi narin kami naguusap, pero isang linggo pa akong naghabol sakanya noon at kalahating taon akong wala sa sarili, syempre, first relationship eh. Pero, sabi nga nila, people are meant to cross our paths for a reason, it's either a blessing or a lesson. At sabagay, that time mga bata pa kami, third year siya at fourth year ako. At yung kuyang nagbigay sakin ng note, hindi ko na siya nakita pang muli. Pero tinago ko yung papel na sinulatan niya ng note.

At dahil late na ako, di ko namalayan na napunta na pala ako sa men's section ng LRT, pero no choice dahil malalate na talaga ako, may time pa ba akong maginarte? Pagkapasok ko sakto namang sumara yung pintuan, shet, swerte! Habang inaayos ko yung backpack ko, napalingon ako doon sa parehas na upuan kung saan ako pinaupo ni kuyang nagbigay sakin nung papel at pagtingin ko, kung hindi ako nagkakamali, siya yon. Nakahoodie ulit, may dala dalang gitara, at nakayuko. Naalala ko yung papel, nilabas ko ito sa wallet ko at napangiti.

Lumapit ako sakanya, nung una hindi siya tumitingin sakin at nakayuko parin siya. Kinalabit ko din siya sa ulo, at nung tumingala siya sakin, muka namang nakikilala niya ko. Nginitian ko siya at may binigay ako sakanyang papel, yung papel na binigay niya sakin noon, sinulatan ko sa likod na may nakalagay na...

"Hindi na ko umiiyak, thank you. :)"

 

Sorry, sabaw magisip ng one-shot si author. Hahaha, pakinggan nyo yung One & Only You ng P.n.E habang binabasa 'to para mas feel nyo, lol. Thank you nga pala sa mag patuloy na sumusporta sa mga one-shots ko, you guys are the best!

PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon