Mahal Kita - Spoken Poetry

28 1 0
                                    


Nagmahal. Nasaktan. Niloko at iniwan. Mga pangakong, "Wala daw iwanan" ngunit sa bandang huli iyo namang sinukuan. Bakit ganyan? Lahat nalang sila nang-iiwan. Lahat nalang ng pangakong binitawan, lahat ng yan isang malaking "KAMALIAN." Oh. Pag-ibig nga naman! Pag-ibig na naman ang siyang naging dahilan.

Eto nga ang dahilan, dahilan Kung bakit ngayon ikaw ay nagkakaganyan. Andami nang nasira, andami ng nawala. Andami ng luhang pumatak, ngayon ay puso mo ay wasak. Oo, nagmahal ka, nagmahal ka ng todo. Nagmahal ka sa taong hindi naman seryoso. Nagmahal ka ng taong akala mo totoo. Nagmahal ka ng isang katulad niya, pero ano ngayon ang iyong napala? Di ba wala? Nagmahal ka, pero ang tanong minahal ka ba niya?

Nagmahal ka na nga, nasaktan ka pa. Nasaktan ka dahil maling tao ang minahal mo. Maling oras ang pinili mo. Maling panahon ang inibig mo. Ngayon, ngayon sabihin mo. Masakit ba? Masakit bang lokohin at pinaasa? na sa isang kisap-mata nawala nalang siya bigla? Iniwan ka na parang bula. Ang kirot sa puso mo, gusto mo na bang mawala? Ang sugat sa isip mo, kelan mawawala?

¶ Ang EMOSYON. Oo yun nga, ang emosyon. Emosyon ang dahilan kung bakit di ka makawala.

*Emosyon! emosyon! emosyon! *

Karamihan sa kabataan walang limitasyon. Emosyon ang kadalasang kahinaan mo ngayon. Emosyong magpaglinlang. Emosyong di mapigilan. Emosyong ang hirap labanan. Emosyong nakakalito. Emosyong di mo matalo! Makakalaya ka pa ba sa emosyong humahawak sayo? o hahayaan mo nalang na lamunin ka neto?

Mahirap. Oo mahirap. Masakit oo para ka ng manhid. Ayoko na! Tama na. Hirap ka na at Gusto mo ng kumawala:

"Ayoko na. Tama na"

"Pagod na ako. Suko na"

"Ayoko na tama na!"

"Tigil na ko. Pwede ba?"

Mga salitang gumugulo sa isip mo.

"Ayoko na, tama na" minsan pang sambit.

Parang may hinanakit. Mahirap masakit! Dyan sa puso mo iyan parin ang nakaukit.

Sa mundong iyong ginagalawan. Halos lahat ng bisyo, alak at sigarilyo iyo ng natikman. Droga ay naranasan, sa pag-ibig ikaw ay nasaktan. Samu't saring mga hidwaan, sa pamilya ikaw ay naguguluhan.

Sumasabay sa takbo ng mundo.

Nakikipagsabayan kung ano ang uso. Gala dyan, gala dito. Hating gabi na kung umuwi ng bahay laging nagloloko. Nanay at tatay palaging nag-aaway. .Pati si bunsong pasaway nako! nakikisabay.

Mga tanong na nagkasabay-sabay! Mundo mong parang walang kulay. Nagtatanong ngunit walang sumasagot. Sumasagot nga pero parating hugot! Alipin ka ng mundo. Sa mundo mo KAIBIGAN. Kaibigan, WALANG PAG-ASA DITO!

¶ PAG-ASA ba kamo? Pag-asa. Pag-asa na nauwi sa salitang PAASA. Nawala ang isang letra. Letrang G nasaan kana? Hindi Siya bingo pero siya ang letrang G na kukumpleto ng mundo mo. Mamahalin ka ng totoo at seryoso. Uunawain at yayakapin ang basag mong pagkatao. Si G. Oo si G. SIYA NGA. Kilala mo ba?

SIYA. Na parating nagsasabing, "hindi kita iiwan ni pababayaan man."

SIYA. Na kailanman hindi ka sinukuan.

SIYA. Na kayang hilumin ang sugatan mong damdamin. Sa Kanya wala kang maililihim.

SIYA. Na nakakaunawa at intindi sa mga problema mo.

SIYA. Na parating andyan nakikinig sayo.

SIYA. Ang kasagutan sa lahat ng katanungan mo!

SIYA. Na pwedeng makatulong sayo!

SIYA. Ang kukumpleto sa iyong pagkatao.

SIYA.

SIYA SI KRISTO NA NAGMAMAHAL NG TOTOO. WALANG HALONG BIRO! WALANG HALONG PANGGAGANTSO.

MAKINIG KA. MAKINIG KA KUNG ANO ANG SINASABI NIYA.

"ANAK, MAHAL KITA. PINATUNAYAN KO NA" (Jesus)

MANIWALA KA. MANIWALA KA SA KANYA.

"ANAK, MAHAL KITA. IPINARAMDAM KO NA! " (Jesus)

TUMINGIN KA. TUMINGIN KA SA KANYA.

"ANAK, MAHAL KITA. KAHIT ILANG BESES KANG LUMALAYO. Kahit ilang beses kang nagpapatalo. Ilang beses kang nakikinig sa sinasabi ng mundo. Kahit ilang beses kang tumitingin sa kakulangan mo. Ilang beses ka ng sumuko, Napagod at huminto. Nawala ka at muli kitang hinanap.... At nandito kana. Nandito kana. Lahat ng pasaning dala-dala mo halika at kukunin ko.

KAHIT SINLAKI NG BARKO ANG KASALANAN MO. ANG PAG-IBIG KO SAYO'Y PARANG KARAGATAn MISMO DI MO ALAM KUNG SAAN ANG DULO."

MAHAL KITA Anak, Makinig ka.

MAHAL KITA Anak, maniwala ka!

MAHAL KITA Anak, tumingin ka!

Tumingin ka. Upang sa katotohanan ikaw ay makalaya.

(Jesus)

MAHAL KA NIYA.

MAHAL KITA. (Jesus)

MAHAL KA NIYA.

MAHAL KITA AT YUN AY SAPAT NA! †

MAHAL KA NIYA KAIBIGAN. KAIBIGAN MAHAL KA NIYA. RAMDAM MO BA?

Spoken Words/Poetry.Where stories live. Discover now