Nagising ako sa katok na aking narinig at napatingin sa pinangagalingan ng sinag ng araw. Umaga na pala. "Nicomaine? Bumangon ka na at mahuhuli ka na sa iyong trabaho." unti unti akong umupo at nagunat. "Wala ho akong pasok ngayon inay." pumunta ako sa bintana at binuksan ang mga kurtina. "isang napakagandang umaga naman." ako nga pala si Nicomaine mendoza. 22 years old. Isa akong manunulat tungkol sa mga pagibig. Hilig ko na kasi ang magsulat ng kwento lalo na at tungkol sa isang magkasintahan ito. Nakakalungkot man pero ako mismo ay hindi pa nakakaranas ng tunay na pagibig. Naniniwala kasi ako na hindi minamadali ang pagibig.
Nagayos na muna ko ng aking sarili bago bumaba. "Magandang umaga sa inyong lahat." humalik muna ko sa aking ama at ina bago umupo. "mukhang masarap ang ating agahan ngayon." sambit ko habang kumukuha ng mga nakahanda sa mesa.
"Mukhang maganda ang gising ng aking prinsesa." Tatay. " Oo naman po. Makita ko lang kayo ni inay at makasabay sa agahan ay masaya na ko itay." sambit ko. "ay nako anak. sabihin mo na ang iyong gusto" inay. Alam na alam niya talaga kapag ganito ako.
Napatawa na lang ako ng bahagya. "inay naman. Magpapaalam lang sana ko sa inyo na gusto ko ho sanang samahan si sheela sa bayan." sambit ko habang nakangiti sa kanila.
"Oo naman anak basta bay magiingat kayo." inay. "salamat po nay tay." sabay yakap sa kanila. Pagkatapos kong magalmusal ay nagpaalam na kong aalis.
"Magandang umaga binibini." sabay biga sa akin ng rosas. "maraming salamat ginoo." at tumuloy na kong maglakad papunta kela sheela. Pagkarating ko ay nakita ko na si sheela sa labas ng kanilang tahanan. "Nicomaine!" kaway niya sa kin. "Tara na at ihahatid na tayo ni itay." atsaka pumasok sa sasakyan. "magandang umaga ho." sambit ko sa itay niya. "magandang umaga rin iha."
Nagkwentuhan lang kami ni sheela habang nasa biyahe. Nang nakarating na kami ay nagpaalam na kami sa kanyang itay. Hilig kasi nitong si sheela ang maglibot dito sa bayan at bumili ng magagandang bagay. Hindi ko naman maitatanggi na may kaya rin naman kami. Napatigil ako ng may nakita akong isang singsing. Kay ganda at kumikinang ito. "nicomaine?" sheela. "sheela tignan mo kay ganda ng singsing na ito" atsaka ko isinuot sa aking daliri. tinignan naman ni sheela at tumango siya. "bibilhin na ho namin ito." nagulat naman ako at napaharap sa kanya. "ano ba sheela nakakahiya. Mahal ata ang singsing na ito." napatawa si sheela. "ayos lang. Regalo ko na rin sa iyo yan. Atsaka ngayon ko lang nakitang ngumiti ng napakaganda ang kaibigan ko." napangiti naman ako sa kanyang sinabi. "salamat sheela." nagpatuloy na lamang kami sa pamimili at pagkatapos nun ay umuwi na rin.
Nakaupo lamang ako sa tapata ng aking bintana sa kwarto habang tinignan ang singsing na niregalo ni sheela. Kay ganda talaga nito. Parang isang bituin. Napatingin naman ako sa langit at saktong may dumaan na bulalakaw.
Year 2017
Nakatingin lamang ako sa mga ulap nang may dumaan na shooting star. Hindi ko na pinalagpas at pumikit ako at humiling. Childish man pakinggan pero oo naniniwala ako sa kasabihang iyon. "sana ay matagpuan ko na ang babaeng para sa kin." yan ang hiling ko. "Alden!" napadilat naman ako ng marinig kong tinatawag na ako ng director. "magiisart na tayo." tumayo na ko atska lumapit na. Ako nga pala si Richard Faulkerson. Isa akong artista/singer.
Pagkauwi ko ng bahay. Ay napahiga na lang ako sa kama sa sobrang pagod. Paulit ulit na lang sa araw araw. Papasok sa trabaho. Uuwi ng gabi para magpahinga. Minsan nga di na ko nakakauwi. Pero iniisip ko na lang para rin naman sa pamilya ko to kaya laban lang. Napapikit na lang ako sa sobrang pagod. Hanggang ngayon di pa rin maalis sa isip ko yung babaeng napanaginipan ko kagabi. Napakaganda niya. Isang anghel. Di ko mapigilang ngumiti ng maalala ko ang mga ngiti at tawa niya sa panaginip ko.Napaalog na lang ako ng ulo. Wooh! Siguro nga tama yung sinabi ni itay na dapat na kong magkagf. Dahil baka tuluyan na kong mainlove sa babaeng nasa panaginip ko. Natawa na lang ako sa sarili ko. Pero pero...... Sana nasa panaginip ko ulit siya. Haha. Hays.
Kakatapos lang ng taping ni alden para sa Sunday pinasaya at nagpapahinga na lang siya sa may dressing room. Nakatitig lang siya sa salamin na nasa harap niya ng biglang may isang babae siyang nakita sa kabila ng salamin na parang kaharap niya lang ito. Siya siya yung babaeng nasa panaginip ko. Ang nasa isip ni alden. Samantala ang babaeng nakikita niya ay tila busy sa kanyang pagkanta at paglalagay ng lipstick. Napangiti na lamang siya sa nakikita niya. Hindi na niya naisipan pa kung pano nangyari yun ang tanging nasa isip niya lang ay ang babaeng nasa harap niya. Nagulat naman siya ng biglang tumigil ang babae sa kanyang ginagawa at biglang nagtama ang kanilang mga mata.
Si maine naman ay kasalukuyang nagaayos para sa kaniyang pagpunta sa isang kaarawan. Nagulat na lamang siya ng may isang mukha ng lalaki ang unti unting lumitaw sa harap niya. At tila nakatingin sa kanya. Pero imbis na takot ang maramdaman niya ay napatitig na lamang siya rito. Hindi niya alam pero hindi niya maalis ang mga tingin niya sa binata.
Parehas silang nakatitig sa mata ng isat isa. Na para bang sinusulit ang bawat minuto. Pero hindi nagtagal ay naglaho rin ito. Napatayo na lamang si alden sa kanyang kinakaupuan at hinawakan ang mga salamin at ngumiti ng bahagya. Samantalang si maine na hindi pa rin makapaniwala sa nakita ay nanatiling nakatulala sa salamin. Pero iisa lang ang nasa isip nila.. "sino siya?"
YOU ARE READING
Serendipity
Fanfiction"Do you believe in Destiny? dito pinagtatagpo yung dalawang taong pinagtakda ng tadhana, magkaibigan man o magka IBIGAN. How about Time travel? maraming nagsasabi na totoo daw ito may iba naman na haka haka lang daw at hindi naman totoong nangyayari...