Umaga na. Hindi pa rin maalis sa isip ni maine ang nakita niya kagabi sa harap ng salamin. Nakatitig lamang siya dito habang iniisip kung paano nangyari iyon. "nababaliw na ba ko? Epekto ba to ng kakasulat ko ng mga love story kaya pati yung lalaking pinapangarap ko lang ay nakikita ko na sa salamin? Ahhhh." mahina siyang napasigaw at binaon ang mukha sa unan. Hindi niya kasi mapigilang ngumiti dahil infairnes nasa kanya lahat ng katangian na hinahanap ko sa isang lalaki. Napagdesisyunan niyang maligo na lamang at mamasyal sa bayan para mawala na kung ano man ang iniisip niya.
Sa kabilang banda. Hindi rin mapakali si alden at pabalik balik na naglalakad sa kanyang kwarto. Ng nakangiti. Parang isang babaeng kinikilig pero manly naman. Labas na labas ang dimple niya dahil sa ngiting di niya mapigilan. Saglit lamang iyon pero parang kay tagal para sa kanya. Sakto namang nakaharap siya sa salamin. "pwede bang isa pa lord? Di ko kasi masyadong nakita mukha niya." natawa na lamang siya sa mga pinagsasabi niya. "nababaliw na ba ko? Epekto ba to ng over working? Kasi kung oo. Di na masama." lalong lumaki ang ngiti ni alden ng maalala niya ang mukha ng babae at ang mga labi niya.... Woooh! Napahawak na lamang siya sa ulo niya. At nagdesisyun na lumabas na lamang at pumunta ng mall para mawala sa isip niya ang babae.
Naglalakad lakad lamang si maine sa bayan. Para mahimasmasan sa mga nangyari kagabi. Kahit siya di makapaniwala. Minumulto na ba ko? Natanong siya sa sarili. Ang gwapong multo naman aba. Pumasok siya sa mga antique store. At may nakapukaw ng pansin niya na isang overall ng salaming. Napakaganda ng pagkakaukit ng mga design nito. Muli ay naalala niya nanaman ang binatang nakita niya sa salaming.
"Iha." napatingin siya sa babaeng tumawag sa kanya.
"ay pasensiya na ho. Kay ganda kasi ng salaming na ito kaya hindi ko mapigilang mamangha."
"ay ayos lang iha. Inukit yan ng aking asawa. Salamat pala at nagustuhan mo."
"talaga ho? Tunay na kay galing po pala ng asawa mo." ngiti ko atsaka binalik ang tingin sa salamin.
"gusto mo ba iyan iha?"
"ay nako. Gustuhin ko man ay hindi ko kayang mabili ang ganito kagandang obra."
Hinawakan ng babae ang kamay ko. "sa iyo na iyan iha." ngiti niyang sambit. "sa totoo lang ay hinahanapan ko na lamang bagong magmamayari ang salaming na iyan. Para naman kahit papano ay maging masaya ang aking asawa. Gusto ko kasi ay yung maappreciate niya yung pagukit ng aking asawa. At ikaw pa lang ang nakita kong nagkaron ng interest dito."
Napangiti ako sa sinabi niya. "asan na po ba ang asawa niyo?"
"wala na siya. Sumalangit na siya."
Napatingin naman ako sa kanya. "ikinalulungkot ko po."
"ayos lang iha." hinigpitan niya ng kaunti ang paghawak sa kamay ko. "sana ay tanggapin mo iha."
"malugod ko hong tatanggapin. Maraming salamat."
Nakauwi na si maine dala ang salaming na bigay sa kanya ng babae. Dun niya lang napagtanto na hindi niya pala natanong ang pangalan ng babae. Nakaharap lamang siya sa salaming. Pero nang hawakan niya ito. Ay biglang nagningning ang kanyang singsing na suot kaya napatingin siya rito pero ng maibalik niya ang tingin sa salamin ay nakita niya ang binata. Nakaupo lamang ito at tila nakatingin sa langit. Dahan dahan niyang inabot ang salaming para hawakan ito.... At ng tuluyan niya ng mahawakan ito ay para siyang nalunod na lamang bigla sa dagat. Hindi siya makahinga. Kaya pumikit na lamang siya. Hindi niya alam ang nangyayari pero sa pagdilat niya ay nakita niya ang isang lugar na hindi pamilyar sa kanya. Puro building...
YOU ARE READING
Serendipity
Fiksi Penggemar"Do you believe in Destiny? dito pinagtatagpo yung dalawang taong pinagtakda ng tadhana, magkaibigan man o magka IBIGAN. How about Time travel? maraming nagsasabi na totoo daw ito may iba naman na haka haka lang daw at hindi naman totoong nangyayari...