"Kristoff please. Kaibigan lang talaga turing ko sayo."
Umiiyak sa harapan ko ngayon ang bestfriend ko.
"Sandy... Di pa ba sapat ang pinagsamahan natin para mahalin mo din ako?"
Nakaupo ako sa bench ng park, si Kristoff naman nakaluhod sa harap ko.
"Mahal kita Kristoff. Mahal kita bilang kaibigan! Di mo ba maintindihan yon?"
"Pero di lang yun ang nararamdaman ko para sayo Sandy! Higit pa! Di mo rin ba maintindihan yun?!"
"Anong gusto mo, ipilit natin to? Di tayo pareho ng nararamdaman! Di ka pa ba natuto sa mga napapanood mo sa TV? Ang kaibigan, mananatili bilang kaibigan! Kapag pinilit, masasaktan lang kayo pareho! Alam mo Kristoff itigil mo na to. Aalis nako."
Tumayo nako at naglakad palayo.
Bakit ba ganon? Kung kanino napapalapit ang isang tao, dun pa tayo nahuhulog?
Nakakainis talaga pag mga malapit na kaibigan mo pa ang nahuhulog sayo.
Lalo na kung kaibigan lang talaga ang turing mo dito.
Bakit ba? Ano bang meron sa mga kanila?
Laging kasama? Laging kausap? Laging karamay?
Para sakin, FALSE FEELINGS lang yun.
Masyado lang tayo na-a-attach sa mga taong lagi nating nakikita.
Akala nila pagmamahal na, porket tumibok na ang puso ng napakabilis, love na agad? Ano to? PBB Teens?
Wag natin kalimutan na kahit ang simpleng crush ay magagawang patibok-in ang mga puso natin ng napakabilis.
*Cause it's 12:51 and I thought my feelings were gone
But I'm lying on my bed, thinking of you again
And the moon shines so bright, but I gotta dry these tears tonight
Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on any longer*
Tumunog naman ang cellphone ko.
Kristoff Calling...
Sinagot ko naman yung cellphone ko.
"Sandy..." sabi nung nasa kabilang linya.
"Nakapag-isip isip ka na ba?"
"Hindi ko alam... What I only know is my heart beats for you."
"Kristoff, I tell you. You are deceived by your feelings. Di totoo ang nararamdaman mo. Nasanay ka lang sakin. Di pa ba sapat ang pagkakaibigan sayo? Alam mo bang pwede to masira dahil dito?"
"......"
"I'm sorry Kristoff. Di ko inaakalang iba ang dating sayo ng pakikitungo ko sayo. I'm really sorry."
"Sandy..." narinig ko naman ang mga hikbi mula sa kanya. "Pipilitin ko... Pipilitin kong intindihin na mali to... Na maling akala lang to... Patawad... Sorry... kung-...kung masisira ang pagkakaibigan natin dahil dito."
*TOOT-TOOT-TOOT*
Binaba na niya.
Syempre, pagkatapos ng pagtatapat niya, magiging awkward na diba?
Kaya dumaan ang graduation namin sa college, na di kami nagpapansinan.
Masakit para sakin.
Kasi ang tinuring kong bestfriend, mawawala na lang.
Masasayang ang pinagsamahan namin.
10 years later...
Nakatanggap ako ng invitation ng kasal.
Kasal..
Ni Kristoff.
January 21, 2012
Eto si Kristoff sa harapan ko ngayon.
Nakasuot ng white tuxedo.
Pupunta na siya sa may altar mamaya.
Hihintayin niya ang bride doon.
"Sandy!" he hugged me tightly.
Na-miss din niya siguro ako.
Nanghihinayang talaga ko sa friendship namin.
"Congrats sa kasal mo! Ganda ng bride ah? *winks*" sabi ko pagkatanggal ng yakap niya sakin.
"I missed you." he said out of the blue.
"I missed you too. Buti nahulugan ka na ng bato sa ulo! Nagising ka na sa katotohanan!"
"Sandy... tama ka nga. Masyado lang akong na-attach sayo. Akala ko kasi, pagmamahal na yun eh. Pero, I'm wrong. It was only an attachment. Just false feelings."
I tapped his shoulder.
Masaya ako para sa kanya.
"Masaya ako para sayo, Kristoff. Tignan mo? Nandyan lang pala yung true love mo, di mo pa pinansin noon. Kayo kasing mga lalaki! Tamad niyo kasi maghanap eh. Kung ano nasa harap niyo, akala niyo yun na. Yan tuloy, nasasaktan pa kayo. Sige na, pumunta ka na dun. Hinihintay ka na nila."
Tinulak ko na siya papunta dun.
Nag-ngitian lang kami sa isa't isa.
Tapos yun, pumasok na siya.
After kong grumaduate, sa ibang bansa nako nagtrabaho.
Umuwi lang ako dito para sa kasal nato.
Alam niyo ba kung sino yung bride?
Siya si Veron D. Lazaro.
Ah, bago ako magpaalam,
Magpapakilala muna ako.
Ako nga pala si Sandy D. Lazaro.
BINABASA MO ANG
Friendzoned (Short Story)
Short StoryLagi nalang friendzoned ang mga bestfriend. Madalas natin ito makita sa mga nobelang ating nababasa, sa mga kantang ating napapakinggan at sa mga telenovelas at mga pelikula. Katulad ni Jacob sa Twilight, Harry sa Harry Potter at ni Johannah sa Wala...