Special Case ^___^ Weak Knees

101 2 4
                                    

Please Break my Heart

All Rights Reserved

Copyright © 2013 throbbingheart

throbbingheart says: First Special Chapter ng PBMH. Weeehee!! At dahil special ito, naka-POV style siya. Ang susunod na Ordinary Chapter ay dialogue uli, pero napaka-special talaga nito kaya sana i-pursue nyo pa rin ang pagbasa. This is all about Riannen. Dito natin malalaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ng isang taong may malubhang sakit. I admit, naiyak ako sa maraming parts habang sinusulat ko ito.

Please watch the animated picture on side :) ---------------->

Dedicated to special person as well. Hello Sammy :) Thank you for supporting my stories.

Buhay na buhay talaga si Riannen sa imagination ko. (T.T) So everyone.. indulge.

Special Chapter

---WEAK KNEES---

Riannen's POV

"Nen!! Nen! Okay ka na ba? May masakit ba sa iyo? Anong nararamdaman mo?"

Napangiti ako. Naririnig ko ang nag-aalalang boses ni Vier.

"Riannen.." si Lacus, naririnig ko rin si Lacus. "Riannen--" narinig ko ang malakas na pag-iyak niya pagkatapos.

Naramdaman kong may umagos na tubig sa pisngi ko.

Umiiyak si Lacus dahil sa akin. Kasalanan ko.

"Tol, ano ba! Bakit hindi ka nagsasalita?!" nagagalit ang boses ni Scienna.

Iginalaw-galaw ko ang kanang kamay ko.

Sigurado akong nasa ospital na naman ako, pero bakit wala akong makita?

Naramdaman ko ang pamilyar na kamay na humawak sa kamay ko.

"Vier.." natatakot ako. Gusto kong sabihing natatakot ako, pero hindi dapat. Ayokong nag-aalala sila.

"Vier.. gusto kong hawakan ang pisngi mo.." mabagal na sabi ko.

Inilapit niya ang kamay ko sa mukha niya, sigurado ako dahil ramdam ko ang malambot na pisngi niya.

Tumawa ako ng mahina.

Natigilan lang ako nang mabasa ang mga palad ko.

Umiiyak na naman siya.

Pumikit ako ng madiin at inisip na sa pagdilat ko ay makikita ko ang mukha ng mga taong importante sa akin. Ng mga taong kasama ko ngayon.

'Please Lord, just this once, please hear my prayer'

I utter those words in my mind and opened my eyes.

"Vier.." nakita kong hawak ni Vier ng dalawang kamay niya ang kamay ko.

"Tol.." inirapan ako ni Scienna at bigla siyang tumalikod. Her shoulders are shaking and I can hear her soft sobs.

"Lacus.." tinanggal niya ang pagkakatakip ng dalawang kamay sa mukha. Nakita kong sinubukan niyang ngitian ako pero napaluhod siya at napahagulgol ng iyak.

Sa aming tatlo nila Scienna at Lacus. I'm the most coward. I'm the weakest. The one who easily gives up. Pero bakit nababaligtad na ang mga iyon ngayon?

ö~ö~ö~ö

"Bakit hindi ka pa matulog? Gusto mong patayin ko ang ila--"

"Wag! A-Ayoko ng madilim, Vier."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Please! Break my heart</3 [O-N-G-O-I-N-G]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon