F.L.A.M.E.S.

25 0 0
                                    

Uso itong gawin sa highschool, basta may crush pinaglalaruan namin. Ginagawang matchmaking ang FLAMES, malalaman mo rito kung ano ang magiging kapalaran mo ng isang tao pero syempre laro lang ito. Sinong magaakalang dahil sa FLAMES ay magiging dahilan para mabulabog ang tahimik at payapa kong mundo at dahil na din dito ay magiging dahilan ng mga panunukso nila sa akin.

Lagi nila kasi akong niloloko sa isang batchmate namin na si Alexander, who happens to be the school varsity player ng basketball at isa sa mga campus hearthrobs.

Minsan kasi niya akong ipinagbuhat ng books dahil sa marami akong dala at hinatid niya pa ako sa room namin. Simul noon tuwing dadaan siya sa tapat ng room namin ay niloloko nila ako. At kapag nangyayari yun naiinis ako kunyare kasi totoong may crush ako sa kanya pero di nila alam. Hihihihi kinikilig din ako syempre

Napagtripan naming paglaruan ang FLAMES at pangalan namin ang ginamit namin. Merong 21 letters common sa mga pangalan namin, since Alexander Ruiz ang pangalan niya at Marie Anne Lopez naman ako.

Humantong ito sa M na dahilan I’ll end up marryin Alexander daw. Matapos naming paglaruan ang mga pangalan namin ay itinapon ko na yung papel na ginamit at nagsiuwian na kami.

Minsang nagiisa akong kumakain sa canteen ay bigla nalang may umupo sa harapan ko since mag-isa rin ako dito sa table. Naiilang ako pero at the same time kinikilig din ako, kaya hindi ko maiwasang magblush dahil ang malagkit ang tingin sayo ng nasa harap mo na crush mo pa tingin mo sinong hindi maiilang.

Inilatag niya sa mesa ang isang piraso ng papel. Dala ng pagkamausisa ko, tinignan ko iyon para malaman kung ano yung nakasulat.

<(0_0)>

Ito yung papel kung san nakasulat yung pangalan namin na ginamit sa FLAMES. Sh*t kinakabahan na ako, hindi ko alam gagawin ko. Tinapo ko na ito e paano napunta sa kanya? Sino nagbigay? Malaman ko lang kung sino kawawa yun sakin

Marriage pala ha? Nakangiting sabi ni Alexander

Nanatili nalang akong tahimik dala ng hiya, at hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Nakakaasar paano nakaratining sa kanya ito. NAKAKAHIYA!!!!!

Ano mas importante sayo, ang pagmamahal o kasal? Tanong niya sakin kasama ang ngiting mapang asar

Hindi parin ako nagsalita, nakakahiya na talaga.

Uy, magsalita ka naman! Pangungulit niya

Ano, ano na? Ano mas mahalaga sayo love o kasal? Ang kulit niya talaga

Siyempre mas importante ang love, kaya nga nagpapakasal ang mga tao dagil sa love diba? Sabi ko

Meron ding kinakasal kahit hindi nila mahal ang isa’t-isa. Gaya ng mga arranged marriage, kahit hindi nil mahal pinapakasalan nila dahilsa kagustuhan ng parents nila at ayaw nilan mabigo ang mga ito.

Malay ko ba kung may ganyan. panagangatwiran ko

Tsaka hindi Alexander ang pangalan ko. Sabi niya na ikinagulat ko. Pero posible ring makasal tayo balang araw basta may love, diba okay na rin iyon? Inbis na mahiya o kaya kiligin sa sinabi niya tila mas nakaramdam ako ng inis. Tatayo na sana ako para umalis ng pigilan niya ako

Pakiulit mo naman ito o, hindi dapat maging M yan e? Alexander  Michael Ruiz ang buong pangalan ko okay. Sabi niya sabay abot nung sulat. Kinuha ko iyon at pinunit tsaka ako umalis dahil nagmumuka na akong tanga.

Ng makauwi ako sa bahay, nag-iisa lang ako kasiwala pa sila mama at papa dahil nasa trabaho pa. Inulit ko ang FLAMES gamit ang mga pangalan namin. Ngayon Alexander Michael Ruiz at Marie Ane Lopez na ang ginamit ko, ng matapos ay hindi ko na maiwasang kiligin dahil ang dating M ay naging L na at ang ibig sabihin ay love.

Pagkatapos ng nangyaring insidenteng iyon ay nanligaw siya sa akin. Matagal na rin pala siyang may gusto sa akin pero tinorpe lang daw, langya parang lumabas ako pa unang umamin e. Pero ok lang yan maganda naman ang kinahantungan, limang buwan ding siyang nanligaw hahaah syempre hindi naman pwedeng kami agad ng hindi pa nararanasang maligawan. Sa loob ng limang buwan na iyon ipinaramdam niya kung gaano niya ako kamahal at hanggang ngayon patuloy paring ipinaparamdam.

Sinong mag aakalang sa simpleng laro sa highschool na FLAMES ay makikilala ko ang taong magmamahal sakin higit pa sa inaasahan ko.

Minsan hindi masamang umasa sa mga ganyan hanggat alam mo ang iyong limitasyon.

Ay nakalimutan kong sabihin kasal na kami ngayon at masayang namumuhay kasama ang aming mga pamilya at ang magiging anghel namin.

THE END...

 _______________________________

first story ko po ito kaya ganyan

.salamat sa mga naligaw basahin to

.iamfreakingcrazy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

F.L.A.M.E.S.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon