Chapter One

23 3 2
                                    

Klerayne's POV

"Ano ba?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" Ang ingay talaga ng kumag na 'to. Pag ako hindi nakapagtimpi. May world war 3 na magaganap.

"Sorry po Prince Kayne." May pa po-po pa na nalalaman. E parehas lang naman yung mga edad namin dito. Tss.

"Sa susunod nga tumingin ka! Ang lawak-lawak ng daanan eh!" Malapit na talaga. Tiis-tiis lang Klerayne. Tiis-tiis lang.

"Nagmamadali po kasi ako. Sorry po talaga. Hindi na po mauulit." Kailan ba matatapos 'to?

"You sho--" I cut him off.

"Kailan ka kaya tatahimik?!" Okay, hindi ko na napigilan sumigaw.

Tumingin siya saakin at tinignan ako ng masama. Tinignan ko rin siya ng masama. Gantihan lang 'toh.

Ba't ba kasi palagi 'toh nakasunod sakin? Minsan naiisip ko stalker 'to eh.

"Ba't ba ang epal mo?"

"Ikaw, ba't ba ang ingay mo? Pwede tumahimik ka?"

"Alam mo--" Kakasabi ko lang eh.

"Hindi mo ba narinig sinabi ko? Oh, sadyang bingi ka lang?" Natahimik siya at tumingin sa Babaeng nakabangga sakanya. He glared at her.

"Ikaw." Turo ko sa babae.

"You can go." Tututol pa sana si Kayne. Pero, tinignan ko sya ng masama.

Naglakad na ako palayo dahil may next class pa ako, at masasayang lang 'yung oras ko kakausap sa kumag na 'yun. Terror pa naman 'yung Lec.

Pagdating ko sa classroom. As usual, may sarili silang mga mundo. May nagbabatuhan, nagchichismisan, nagmamake up, nagbabasa at etc. Basta may sarili silang mga mundo.

Umupo na ako sa upuan ko at nagsaksak ng earphones. Dahil first of all, ang ingay. Second of all, trip ko lang.

May umupo sa katabi kung upuan. Pero hindi ko pinansin, what for?

"Hi, ako nga  pala si Jeptic Verse Gonzales. And you are?" Pagpapakilala niya. Tinignan ko lang siya at inirapan. Bago ata 'to dito. Ngayon ko lang nakita 'to eh.

"Grabe, pati ba naman dito may snobber." Bulong niya. Pero, sakto lang na marinig ko. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Dumating na 'yung Lec. Kaya nagsibalikan na 'yung iba sa mga ginagawa nila.

"Goodmorning class, we have a new student here. Gonzales, please introduce yourself here infront." Sabi ni Mam Roxas.

Mr. Nerd MEETS Ms. SupladaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon