Yung sisimulan mo nang mag-update kaso nawala sa utak mo yung ita-type mo.HAHAHA. Buti naalala ko ulit,myghad!
~~~
Chapter One
Nerd
Ivan's PoV
Habang naglalakad ako papunta sa university na pinapasukan ko,biglang humarang sa daan ko ang ex-bestfriend ko at co-gangsters niya.Hinila nila ako papunta sa tagong lugar.
"Long time no see,BESPREND." Nagtawanan sila ng mga kasama niya.
Shit,bakit ngayon pa?
"Sam,pwede bang ipagpabukas mo na lang 'to? Be fair! Hindi ako ready, tsaka nag-promise ako kay Mommy na iiwas na ako sa gulo." Sabi ko. Nag-simula na ulit akong maglakad pero narinig ko ang sabi ni Sam.
"AHAHAHAHA! Mama's Boy ka pa din? Shit! Ang bakla mo,BESPREND!" Tang1na.
"Hindi nakakabakla ang pagiging Mama's Boy! Ikaw ang bakla sa ating dalawa! Matapang ka lang ngayon dahil may back-up ka." Naglakad na ulit ako pero may humila sa kamay ko,si Sam.
"Kung bakla ako,bakla ka din! Bakit ka umaalis kung lalaki ka talaga?" Nagtawanan ulit sila. Hay,ang tanga tanga naman nila.
"Mga bobo! Umiiwas nga sa gulo diba dahil pangako kay Mommy?" Seryoso kong sabi.
"Tang1na mo! Sinong bobo ha?" Tanong ni Sam sa akin habang mayabang na kumakagat sa ibabang labi niya na para bang naghahamon tapos tinutulak tulak niya ang balikat ko.
"Boss Samuel! Baka naduduwag lang talaga yan! Dinahilan pa ang nanay niya eh!" Sabat nung isa tapos nag-tawanan sila.
Napa-ngisi ako.
"Pinatunayan lang nung baboy na yun na bobo nga kayo." Naka-ngisi kong sabi, and with that Sam punched me.
"Hindi kami bobo!" Sigaw sa akin ni Sam tapos sinuntok ulit ako sa kabilang pisngi.
Fvck! Mom,sorry but I need to fight.
Inutusan ni Sam yung iba niyang members na bugbugin ako. Noong una nakakalaban pa ako, hanggang sa may humawak ng magkabilang braso ko tsaka ako pinagbubugbog.
Napadura ako ng dugo.Tuwang tuwa din si Sam sa nakikita.
"BESPREND,alam mo kasi,hindi mangyayari yan kung hindi mo inagaw si Mandy sa akin." yun ang huli kong narinig bago ako bitawan nung mga nakahawak sa akin.
Naiwan akong nakahiga sa maduming semento.Nag-simula na silang mag-lakad palayo nang...
"So ganun na lang yun? Iiwan niyo na lang ba siya diyan basta basta?" Shit!Nakaka-kilabot yung boses na yun pero sigurado akong babae yun.
Hindi ko kasi ma-imulat ang mga mata ko eh.
"Oo,iiwan na namin siya. Alangan namang dalhin namin yang basurang yan sa malinis naming h--- Teka nga? Sino ka bang panget na nerd ka? Kung makapagsalita ka akala mo naman kaya mo kami ah!" Tama ba yung narinig ko kay Sam? Nerd yun?
"Paano kung sabi kong kaya ko nga kayo,tatakbo na ba kayo? Hindi naman diba." Rinig kong sabi nung nerd. Shit naman! Dagdag pa sa sakit ng ulo ko ito kapag namatay 'to dito.
"Aba,talaga ding ang galing mong magtapang-tapangan no?" Inis na sabi ni Sam.
"Hindi ako nagtatapang-tapangan." Walang emosyong sabi nung Nerd.
"Tang1na! Sugudin niyo nga 'yang babaeng yan!" Inis na utos ni Sam sa mga kasama niya.
Dahil gusto kong panoodin,I mean tignan,pinilit kong buksan ang mata ko kahit maliit lang.Kaso blurred eh.
Napapikit na lang muli ako,wala namang saysay ang pagmulat ko kung blurred din naman. Aish!
Nakarinig ako ng suntukan,sipaan,sigawan at kung ano ano pa.
"Ano ba yan? Ang taba taba mo pero,ang hina mong manuntok. Papayat ka na kasi,para makalaban ng ayos." Sabi nung nerd tapos wala na akong narinig after nun.
"N-Natalo mo silang l-lahat?" rinig ko ang kaba sa boses ni Sam. Siya na lang pala ang natitira. Shit! How?
"It's obvious,you son of a w€nch! Kitang kita naman ng dalawang mata mo or else bulag o duling ka." Woah-woah-woah! That nerd got a mouth on her!
"Naka-tsamba ka lang!" May kaba at inis sa boses ni Sam.
"Then try me. You're the leader,right? Pahinga ka na din tulad nila,mahimbing ang tulog kahit umagang-umaga." Wala man lang emotion 'tong nerd na 'to.
Nakarinig ulit ako ng bakbakan. Gustuhin ko mang manood ay hindi ko talaga kaya dahil nahihilo na din ako.
Matapos noon ay tahimik na ang paligid. Nasaan na kaya si Nerd?
"H-Hello po. T-Tulungan n-niyo po kami ng K-Kuya ko. Nabugbog po siya ng mga a-adik habang nag-lalakad po k-kami papunta sa school. N-Niligtas po ako ng K-Kuya ko." Best Actress,huh? Sa pulis kaya 'to tumawag?
"Tss." Yun ang huli kong narinig bago ako tuluyang naka-tulog.
~~~
Viv's PoV
Kakatapos lang akong interview-hin ng mga pulis. Buti na lang at magaling akong umakting. Tss.
Pasalamat 'yang lalaking yan at dumating agad ako,kundi kawawa siya.
Nagtaka pa nga yung mga pulis eh,bakit daw parang hindi naman yun gawa ng normal na lalaki dahil bugbog sarado yung mga kriminal. Sabi ko, 'KUYA' is a black belter and the good thing is naniwala sila. Tch.
Nag-ring ang phone ko at agad ko iyong sinagot.
"WAHHH! Vivienne! Buti na lang nagantihan mo sila! Huhuhu! Kawawa ang baby ko at ang gwapo niyang mukha." Argh! It's 'Viv' not 'Vivienne'! Yuck,too girly kaya ng 'Vivienne'.
"Okay. You don't have to thank me." Sabi ko tapos pinatay na ang tawag.
Parte naman kasi yun ng trabaho ko eh. Ginawa ko lang ang trabaho ko.
Uuwi na lang muna ako,bukas na ako papasok. Tsk.
Pero na-miss ko ang makipag-laban,sa totoo lang.
YOU ARE READING
The Nerd's Real Identity
Teen FictionBehind her ugly features,there's something that you don't wanna know.