Torpe Prince

28 0 0
                                    

Ito ay kwento ng isang lalake na pinipilit na magka love life pero hindi naman ibigay ng tadhana ang gusto niya. Samahan natin siya sa pagtuklas ng tunay na pag-ibig.

CHAPTER 1: Ang pagkakakilala

Sa isang kilalang private school. Ipinakikilala ko sa inyo si Mark Reyes, isang grade 6 pupil na medyo mataba, medyo maitim at maagang nagkaroon ng mga sobrang buhok sa katawan. Kapag nakita mo siya ay masasabi mo na may pagka baduy, wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba sa kanyang itsura, ang maalaga sa kanya ay ang mabuhay araw araw at pumasa lang sa klase. Member din siya ng isang Catholic Religious group sa school, napaka sipag na bata. Araw araw ay napapa isip siya kung magkaka girlfriend ba siya dahil lahat ng kanyang mga kaibigan ay may mga girlfriend na o kaya ay may mga nililigawan na, samantalang siya ay zero pa din. Hanggang sa dumating ang araw na may bagong estudyante na dumating sa kanilang klase. Pinakikilala ko sa inyo si Lin Balderama; isang simpleng babae na galing sa isang public school, kaya siya naka pasok sa private school ay dahil naging scholar siya ng City Government. Si Lin ay maputi na bata, mahaba ang buhok, tahimik lang at napaka simple.

“Class, may bago kayong classmate. Ito si Ms. Balderama.” Pinakilala ni Teacher Angie ang dalaga. “Sana ay maging mabait kayo sa kanya.”

“Magandang umaga sa inyong lahat.” Nahihiyang bati ni Lin.

Nang Makita ni Mark ang dalaga, siya ay napatulala. “Mark… Mark!” sabay kalabit ng kaibigang ni Mark na si Johnny. “Bakit k aba napatulala?”. “Anung tulala? Hindi naman ah.” Sagot ni Mark.

“Iha, dun ka na lang umupo sa bakante sa likod, dun sa tabi ni Mr. Reyes.”

“Opo” sagot ni Lin

Tumungo na si Lin sa upuan. “Hi, ako si Johnny, but you can call me John for short.” Sabi ni Johnny. “Hi din.” Naka ngiting sagot ni Lin.

Umupo na si Lin.

Kinukulit ni Johnny si Mark na magpakilala kay Lin na katabi niya sa upuan. “’tol, pakilala ka na.” sabi ni Johnny. “Ano ka ba? Magsisimula ng mag lesson si Ma’am.” Sagot ni Mark.

Humarap si Lin kay Mark, “Hi ako nga pala si Lin, ano pangalan mo?”

“Ha?” tanong ni Mark

“’tol tinatanong ka ni Lin.” Sabi ni Johnny

“Ako si Mark.” Pagkapakilala ni Mark ay tumuloy si Mark sa pag sulat at pakikinig sa kanilang teacher.

Makalipas ang ilang oras ay natapos din ang kanilang klase at recess na. Ang pinakapaboritong oras ng lahat ng estudyante.

“Lin, may kasama ka ba ngayong recess?” tanong ni Johnny.

“Wala nga eh, wala pa kasi akong kilala dito.” Sagot ni Lin.

“Kung gusto mo eh sumama ka na lang sa amin? kakain kami ni Mark sa canteen.” Sabi ni Johnny.

“Ganoon ba? May baon kasi akong pagkain, baka dito na lang ako sa room.” Sagot ni Lin.

Hindi pa din nag sasalita si Mark. “Ay ganun ba? Sige, baka may gusto ka na lang ipabili?” tanong ni Johnny. “Wala naman, salamat.” Sagot ni Lin.

Naglakad na sina Mark at Johnny papuntang canteen.

“Mark, bakit ba hindi mo kinakausap si Lin?” tanong ni Johnny

“Ha? Kinausap ko naman siya ah.” Sagot ni Mark.

“Anong kinausap, sinasagot mo lang yung mga tanong niya kanina.”

“Ganun na din yun.” Sabi ni Mark.

“Adik ka talaga.” Sabi ni Johnny. “Siguro may crush ka kay Lin?” nakangiting tanong ni Johnny.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Torpe PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon