Serenity’s POV <3
To: Jake
Jake..mag usap tayo mamaya ah? ^_^v
From: Jake
Tungkol saan ba? ^_^
To: Jake
Basta ;) mamaya ah?
From: Jake
Sige ^_^
Eto na yun..eto na talaga yun eh! Magtatapat na’ko sa kanya mamaya. “maari ko bang matawag sa stage ang aking bestfriend? Ms. Serenity Althea Buenvenida please come on stage” nagulat naman ako sa hiyawan ng mga tao ano bang nangyayari??
Napa’buntong hininga nalang ako ng makita ko sa stage ang bestfriend ko. Eto nanaman kami, ngumisi ako at tumayo at nagsimulang lumakad papunta sa stage.
“Hoy Alfonso pinagtitripan mo nanaman ako alam mo na ngang malakas ang issue na tayong dalawa e..dadagdagan mo pa” bulong ko sa bestfriend kong ngumingisi habang tinuturo si Jake.
Natawa naman ako ng bigla niya akong kindatan “Ano ka ba jan Best? Prom natin o last na’to pagbigyan mo na kakantahan ka lang naman e” ngumuso siya at nagsimula nang kumanta.
~ Sandali nalang...
Maaari bang pagbigyan?
Aalis na nga..
Maaari bang hawakan ang iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit ang iyong mga ngiti
Sana ay masilip... ~
Haay nako..itong bestfriend ko talaga no? Ang hilig hilig na kantahan ako haha! Kung hindi nga lang ito magpa’pari talagang naisip ko nang may gusto to saakin.
“hoy Serenity chorus na oh kantahin mo na tulala ka jan” giit niya at inabot sa akin ang mic.
“t-teka! Ano ka ba Alfonso?” napalunok ako ng napansin kong ako nalang mag’isa sa stage..shit..shit..ayoko na!! naiiyak na'ko!
“KAKANTA NA YAN! KAKANTA NA YAN! KAKANTA NA YAN! SE-RE-NI-TY! GO BABYGIRL GO BABY SERENITY! KAKANTA NA YAN! YIEEEEE! DOMO! TORETE RAW SI SERENITY SAYO!!!!!!!!” napa’awang ang bibig ko sa narinig ko! Tropa ko yun! Nagwawala! Tinignan ko sila ng masama, nangangamatis na ang mukha ko sa sobrang ka’pulahan sh*t!
“PAG DI KA KUMANTA DI KAMI TITIGIL! DOMO! DOMO! SI SERENITY! TORETE RAW! DOMOOOOO! GO BABYGIIIIRL!” bumuntong hininga nalang ako’t alam kong mas mapapahiya ako kapag di ako kumanta.
Ipinikit ko ang aking mga mata at nagsimula nang kumanta. Parang pinipilipit ang puso ko sa sobrang kaba nagkakarera ang mga kabayo sa puso kong tila nagwawala na.
~Huwag kang mag’alala di ko ipipilit sa’yo..
Kahit na lilipad ang isip ko’y torete sa’yo..
Torete Torete Torete ako..
Torete Torete Torete sa’yo woah~
“YUDIEEEBABES! Go babygirl!” nasapo ko nalang ang noo ko dahil sa pinagsisigaw ng tropa ko. nakakahiya! pakiramdam ko lalong namula ang mukha ko na mas pula pa sa kamatis! Pinagpatuloy ko nalang ang pagkanta hanggang sa matapos ko na yung buong kanta.
Nang matapos na’ko duon ko lang nahalatang sa iisang tao lang pala ako naka’tingin habang kumakanta ako..kay Jake..ngumiti ako’t naglakad na pababa ng stage at bumalik sa upuan ko.
Kaya ko ba to? Haaay nako! Pinapawisan ako! Napansin kong sobrang lamig na pala ng kamay ko, *My Gaaaaaaahd Serenity! ano ba to! para ka nang bangkay! kumalma ka nga!* Sabi ko sa sarili ko't napansin kong nag'iba na ang kanta.
may mga sumasayaw na kasi ngayon tapos na kasi ang JS PROM namin nagdi'discohan na ang ibang mga studyante, hinihingal na nga ako e kanina pa kasi ako sumasayaw! Grabi to! First time kong sumayaw sa labas ng bahay namin! Napansin kong ngumingisi ako ng nakakaloko't umiling iling sa napag tanto kong unang beses kong sumayaw sa labas ng bahay.
Haaaay nako! grabi talaga ang barkada ko! Tinitigan kong maigi ang mga kamay kong mas malamig pa sa YELO. OO! Yelo! Para akong nanggaling sa freezer sa sobrang lamig ng kamay ko! Napangisi ako ng mapait..kinakabahan ako..paano ba? paano ka ba magtatapat sa isang ka'tropa mong mahal na mahal mo siya? paano?
“I would like to call all couples on to the dance floor time to take this slooowly” dahan dahan kong inangat ang ulo ko ng narinig kong nagsisigawan ang ibang mga studyante umawang ang bibig ko’t nagluha ang mata ko sa nakita ko..si Jake sinasayaw si Airene..sh*t!
"Best...pasensiya ka na hindi ko alam..okay ka lang?* naramdaman ko nalang na niyakap na ako ni Alfonso. Tinignan ko siya sa mga mata niya't nagbalik'balik ang tingin ko sa kanila ni Jake.
Pinilit kong ngumiti sa kanya't tumango na lamang ako habang tumatawa. Ngumisi naman siya sa akin at nagyaya sa isa naming ka'tropa na sumayaw.
Lumabas na’ko para magpahangin..hindi ko to kaya..pinagmukha niya akong tanga
Pumunta ako sa cr at nag’kulong sa loob ng isang cubicle. “Shit Serene ano ba tong pinasok mo?? Ano bang mali ang ginawa mo?? Bakit ganito??” unti’unti ko ng naramdamang tumutulo ang luha ko :’( shit ang sakit..pareha nila akong niloko! Silang dalawa ng bestfriend ko!
--heeeey! ^__^ so..eto nalang muna, ipagpapatuloy ko ang story kapag ginanahan ako ;) hahaha! So.. comments and suggestions lg po ^_^ ipagpapatuloy ko ba ito? :D
<3Pirate Princess <3